Chapter 219

857K 28.9K 21.2K
                                    

A/N: Nag-re-request po si Percy, tigilan na dw po ang kakatawag sa kanya ng "Kuya'ng Blue Eyes", "Kuya Pogi" na daw dapat.

Binalik na naman pala ang Slumdunk sa GMA7. Naalala ko bigla si Yuri ng makita ko si Sakuragi. Hehehehe



Begin Again

Jay-jay's POV

Dumaan ang mga araw na hindi ko namamalayan. Hindi kasi ako lumalabas ng kwarto, nahihiya akong humarap kay Kuya.

Sa mga araw na nag-daan na yon, kausap ko lang si Percy at yung GagongBaliw sa cellphone. Wala silang ibang ginawa kundi ang inisin ako.

Speaking of cellphone.

Tumunog yun at ng tignan ko ay tumatawag si Percy sakin. Sinagot ko agad dahil baka may kailangan sya. Hindi pa rin kasi sya lumalabas ng kwarto nya.

"Hello." Kaswal na sabi ko.

["Jay... Si Felix to."] Tinignan ko sandali yung screen ng phone ko para masiguro na tama ang pangalan ng tumatawag sakin.

"Bakit? Tsaka bakit ikaw ang may hawak ng phone ni Percy?"

["Kasi... Si Kuya Percy kasi----"] Bigla nalang may sumigaw ng 'Hindi ako lalabas!'. ["Ayun, baka daw may masalubong siya at ubusin na naman ang kapogian niya."]

Literal ng nabaliw ang Persing Baliw.

Napakamot ako ng ulo. "Sabihin mo, alam ni Honey ang Address nya."

["Sinong Honey?"]

"Yung tropa ni..." Nag-aalangan akong banggitin ang pangalan nya. "...nung Hari nyo."

["Si Ryder? Yung pamangkin nung lawyer ni Keifer?!"] Medyo gulat na tanung nya.

"Oo." Walang buhay kong sagot.

["Bakit sya nasali dito?"]

Napairap ako. Katamad mag-explain. Nag-aayos pa naman ako ng sarili para maghanda sa pagpasok sa school.

"Basta! Sabihin mo nalang."

Hindi sya nagsalita at nakakarinig ako ng kaunting pag-galaw mula sa side nya. Narinig ko ang paglangit-ngit ng pinto.

["Hoy! Lumabas ka na... Papasok na ko sa school."] Sabi ni Felix.

Kaharap na siguro nya si Percy.

["Ayoko... Dito lang ako."] Sagot ni Percy.

["Bahala ka! Alam ni Honey bahay ko."] Sabi ni Felix at nakarinig ulit ako ng paglangit-ngit ng pinto. ["Jay?"] Tawag nya sakin. ["Sinabi ko na."]

"Ano reaksyon?"

Bigla nalang akong nakarinig ng malakas na lagabag ng pinto mula sa side nya. Narinig ko din ang mabibigat na hakbang ng kung sino.

["Ihahatid kita!"] Boses ni Percy. ["Uuwi din muna ko sa bahay nila Tito Jasfher"]

Bahay nila Papa?

Oo nga pala. Dun nga pala sya umuuwi nung una pero nung okay na sila ni Felix bumalik na sya sa bahay nila. Bigla tuloy akong na-curious kung anung itsura ng bahay ni Papa.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon