Holy Shit
Jay-jay's POV
Simple lang ang probinsya namin. May parte na mabahay at may parte na mabukid. Hindi kagaya sa syodad na dikit-dikit ang mga sasakyan, mas uso dito ang paglalakad o pagbibisikleta.
Nung nagka-isip ako----base sa naaalala ko----kaunti lang ang kapitbahay namin. Hindi tapos ang bahay namin ni Mama. May kwarto yun na para sakin at para kay Mama.
May punong malaki malapit samin, madalas akong umakyat dun kasama si Aries.
Nung nangyari ang hindi ko maalalang insidente daw. Pagkagaling sa ospital, lumipat na ko kay Lola. Mas malaking bahay, luma yun at parang bahay kastila pero matibay.
Ipinasok ako sa isang public school pero hindi naging maganda ang buhay istudyante ko dun. Lagi akong napapa-away kaya inilipat ako sa pribado. Akala nila----na akala ko din----magiging maayos ako sa Holy Saints.
Naging sikat ako, hindi dahil sa kagandahang taglay ko. Kundi dahil lagi akong napapa-away. Wala akong kaibigan, takot sakin ang ibang kaklase ko, plastikan naman yung iba dahil may pakinabang sila sakin.
Araw-araw ata ako sa Guidance office. Araw-araw din silang tumatawag kay Lola pero nung nagsawa sya, si Kuya Angelo na ang pinapunta nya. Kahit nasa syodad umuuwi sya samin para lang puntahan ako sa school.
Dun ako natakot sa kanya!
Hangang sa dumating si Cyrus, niligawan nya ko kahit obvious naman na hindi namin gusto ang isa't isa. Ginamit lang nya ang kasikatan ko. Dahil walang magawa sinagot ko sya at hindi ko alam na yun na pala ang mitsa ng problema.
Baliw sya!
Pinalitan nya ko sa trono. Naging siga ng school at feeling ang galing galing. Hangang sa nangyari ang hindi ko inaasahan. Sinaktan ko sya ng hindi sinasadya. Inatake si Lola sa puso at muntik ng mamatay.
Yun na rin ang naging dahilan kaya kinuha ako nila Tita. Iniwanan ko sa probinsyang to lahat ng masakit na ala-ala.
Hindi ko alam na babalik ako dito agad. Agad-agad? Gusto ko sana yung mga tipong 3-5 years after.
"Malapit na sa camping site..." Announce ni Sir Alvin sa microphone sa loob ng bus.
Gumising na yung ibang tulog at nag-inat. Meron pang naghikab at binalak bumalik sa pagtulog.
Buti nalang talaga at meron na kaming saliring bus. Akala namin makikisiksik na naman kami sa ibang Section.
Ayoko nun!
Napatingin ako sa katapat kong upuan. Nakatitig sakin si Keifer pero umiwas lang ako ng tingin. Masama pa rin ang loob ko sa kanila.
Pero hindi yun ang totoong dahilan ng pag-iwas ko. Nasa school pa lang kami, hindi na ko mapakali hangang sa nakarating kami sa probinsya. Ayokong mapansin nila yun kaya umiwas ako. Pinili ko ring umupo sa dulo kung saan malayo sa iba.
Nakikita ko na yung mga lugar na dati kong pinupuntahan. Nakarating na kami sa magubat na parte. Pumasok kami sa isang lumang gate na may nakalagay na Camp is Rock.
Huh?!
Wala bang originality ang namamahala dito? Tanggalin nalang yung 'is', ka-title na nung napanood kong movie.
Huminto ang bus at nagsibaba na kaming lahat dala ang mga gamit namin. Nature trip ata ang balak nitong organizer namin.
Napuntahan ko na dati ang lugar na to pero hindi pa develop. Ginawa lang naming tambayan to at dito kami nag-iinom. Kayalang pinaalis kami ng may-ari ng lupa, marami daw kasing ahas dito.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
General Fiction**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they really think she is. **Section E They are more than friends and classmate for her. She always help t...