A/N: sisihin nyo po yung Goblin. Sya po ang dahilan kung bakit tatlong chapter lng ang na-Ud ko. Parang ayoko na tuloy manood ng Kdrama. Naagaw non lahat ng nutrition ng utak ko para sa story.
Penmanship
Jay-jay's POV
Hapon na ng maisipan naming umuwi. Hindi kasi ako pwedeng gabihin dahil alam nila Tita na halfday lang kami.
Enjoy na enjoy si Ci-N sa yakap nyang stuffed toy. Asong malaki ang ulo ang nakuha nya.
"Ang cute mo! Papangalanan kita..." Tumingala sya at hinawakan ang baba. "...Jay-jay!"
Tarantado!
Malakas na batok ang binigay ko sa kanya. Kung hindi ba naman kasi! Muka bang pangalan ng aso ang pangalan ko?!
"Sakit! Jay-jay... Binatukan ako ni Jay-jay." Sumbong nya don sa stuffed toy.
Narinig ko ang mahinang tawanan nila Felix at Percy sa harap namin. Sinipa ko yung upuan nila kaya napalingon sila samin kahit sandali.
Nagawa pa talaga nila akong tawanan.
"Si Ci-N na ang unang ihatid natin. Mas malapit condo nya." Suggestion ni Felix.
"Dapat dyan pinaglalakad nalang." Pang-asar ni Percy.
"Kung isumbong ko kaya kayo kay Kei—Kingkong!"
Alam kong hindi nya magawang ituloy ang sasabihin nya. Nakatingin kasi ako ng nakalulusaw sa kanya. Yung pakiramdam na nag-uusap sya at ang pesteng kumag na yon ng hindi ko alam.
Pero ngayon alam mo na?
Nadulas kasi sya kanina na magka-video call daw sila ni Keifer. Nung subukan kong linawin nilayasan nya ko at nagkunwaring busy sa mga games.
"Hangang kelan mo itatago sakin na nagka-usap kayo?" Iritang sabi ko at hinarap si Felix. "...baka naman pati ikaw nakaka-usap sya?"
Mabilis na umiwas ng tingin si Felix. Tsk! Sabi na eh. Hindi pwedeng hindi nya kinakausap ang mga Ulupong na to. Hindi naman ako nagagalit o nagtatampo. May usapan nga kaming space-space diba?
Pero ewan ko, may isang part ko ang naghahanap sa kanya at nagiging dahilan ng inis ko.
Nami-miss nya ang Hari.
"Hindi makakatiis yun." Sabi ni Percy kaya napatingin kami sa kanya. "...Malakas ang tama non. Hindi nya alam ang salitang mag-tiis."
Naalala ko tuloy yung kumakain kami ni Yuri. Sigurado talaga ako na nakita ko sya.
"Posible kaya na...." Pabulong kong sabi.
Meron akong hindi maintindihan. Actually lahat naman hindi ko maintindihan. Bakit ba kasi ang gulo?
Author bakit ang gulo?
(A/N: 😒😒😑😑)
"Felix..." Tawag ko sa atensyon nya. "...may hindi lang ako maintindihan sa sinabi mo."
"Ang alin?"
"Sabi mo kusang itinigil ni Keifer ang plano kaya tumigil na din kayo. Pero sa huli, parang itinuloy pa rin nya."
Nagtinginan si Ci-N at Felix. Para bang yun din ang tanung nila sa isa't-isa.
"Jay..." Tawag sakin ni Ci. "...Hindi talaga namin alam ang dahilan. Pero bago yung nangyaring gulo non, napapansin namin na balisa sya."
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
Narrativa generale**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they really think she is. **Section E They are more than friends and classmate for her. She always help t...