Chapter 172

885K 31.5K 21.3K
                                    

Admit

Jay-jay's POV

Hindi ako kumikibo. Ramdam naman ni Keifer at ng iba pa na ayoko munang makipag-usap.

Sinubukan nila kong dalin sa ospital pero hindi ako pumayag. Makakarating sa organizer yung ginawa nila. Ayokong magkagulo.

Hindi ko nga sure kung anung gagawin ng school sa nangyari. Nag-aalala din ako na baka bigla akong sugurin ng pamilya ni Cyrus.

Wag naman sana!

Pagdating sa Camp keneme----nakakayamot kasi yung pangalan. Dumiretso kami sa hall. Lagpas lunch na kasi, pare-pareho pa kaming hindi kumakain.

Kami nalang ang tao don dahil bumalik na sa camping site nila yung iba.

"Wala ng ulam?" Tanung ni Felix habang sinisilip ang bawat kasirola.

May nakahanda na kasing pagkain para sa lahat. Nakahilera yun sa mahabang lamesa. Pipila nalang ang istudyante at kakain na.

Kayalang mukang naubos na.

"Yung iba sabaw nalang po. Pero meron pa po nito." Sabi nung staff habang nakaturo sa iba pang kasirola.

Nakaupo lang ako at pinag-mamasdan silang nagkakagulo. Katabi ko si David na kumakain.

"Ayaw mo talagang magpadala sa ospital?" Tanung nya sakin.

Umiling ako. "Makakarating kasi sa organizer yun tapos magkakagulo. Lalala lang ang sitwasyon. Wag nalang."

Nag-nod naman sya bilang pagtanggap sa sagot ko. May nagbaba ng tray na may pagkain sa harap ko. Si Keifer yun at seryoso ang itsura nya.

"Eat." Utos nya.

Tinignan ko yung dala nya. Sabaw at kaunting kanin. Meron ding ilang pirasong tinapay at saging. Daig ko pa pasyente sa ospital dahil dito.

"W-wala akong gana."

"Kung hindi ka kakakain, dadalin kita sa ospital."

Pero wala nga akong gana. Idagdag pang masama ang pakiramdam ko dahil sa mga bugbog na nakuha ko.

Napabuntong hininga nalang ako at nilapit sakin yun tray. Pinilit kong kumain kahit pakiramdam ko sa bawat lunok ko may sumasaksak sa kalamnan ko.

Aray!

Habang kumakain, hindi ko maiwasan na hindi mailang. Ayaw kasing alisin ng Kumag na Hari ang tingin nya sakin.

Problema nito?!

Dumating si Yuri at naupo sa katapat kong bangko. May dala din syang tray na padabog nyang binaba.

Napatingin ako kay David. Taka din syang nakatingin sa dalawa. Tinignan nya ko sandali at nagpilit ng ngiti tapos bigla nalang syang tumayo dala ang tray nya.

Hala! Wag mo ko iwan dito!

Pagka-alis ni David, sya namang upo ng Hari sa tabi ko. Cross arm pa sya bago sumandal.

"B-bakit?" Tanung ko.

Bumuntong hininga muna sya bago magsalita. "You're no longer allowed to go out without someone by your side. Kailangan may sasama na sayo sa bawat lakad mo."

Ha?!

"Bakit? Para saan?" May halong inis sa boses ko.

Hindi ko mapigilan. Ang lakas kasi ng tama ng kumag na to. Idagdag pa yung titig ni Yuri na parang sang-ayon na sang-ayon sa sinasabi nitong isa.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon