A/N: NO EDIT! Sorry sa matagal na update but no worries the long wait is over.
Sorry sa wrong grammar, spelling and miss words. Kahit maganda ako, may katamaran pa rin ako----charot! Hahahaha 😂😂😂😂... Busy na ang mga alaga ko sa group dahil may pasok na pero sana join pa rin kayo.
Stepbrother
Jay-jay's POV
"Pareho tayong anak sa labas."
A-anak ako sa labas?
Hindi ko alam ang bagay na yon. Walang sinasabi sakin sila Lola. Kahit sino sa kanila wala at wala silang balak sabihin sakin.
Humigpit ang hawak ko sa mga picture dahilan para bahagyang malukot yon. Hindi ko maintindihan kung panu ako naging anak sa labas?
"I-ipaliwanag mo." Utos ko.
Isa na namang picture ang nilabas nya mula sa brown envelop at inabot nya sakin. Picture naman yun ng isang matandang Lalaki na naka-upo sa wheel chair.
"Yan ang Lolo mo." Sabi nya.
Lolo ko?
Isa na namang picture ang inabot nya. Binitiwan ko ang mga naunang picture na binigay nya. Napalunok ako kasabay ng panginginig ng makita kung sino ang nasa picture. Si Papa at ang Mama ni Percy at nakasuot sila ng pang-kasal.
"A-anu to?" tanong ko na may halong takot.
Binawi nya ang picture sakin at pinag-masdan yun. Malungkot ang kanyang mga mata habang tinitignan yon.
"Your Dad and my Mom are victims of arranged marriage." Sabi nya at nagpilit ng ngiti. "...And your grandfather is the one who set it up."
Nanatali akong nakatingin sa kanya at walang kibo kahit bawat salita nya ay niyayanig ang katawan ko. Sampal sakin ang katotohanang sinasabi nya.
"Kasal na sila bago pa tayo isilang sa mundo." Dagdag nya na tuluyang nagpabagsak sa mga luha ko.
Shit lang!
"H-hindi ko m-maintindihan. P-pano?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Kaya ba kami naging anak sa labas? Pero kung kasal na sila panung nangyari na nagkaroon pa sila ng pamilya sa iba?
Ang gulo!
Napasama pa yata yung pagsasabi ko kanina na ilabas na lahat ng pwede kong malaman. Sinusulit talaga yung pagpapaiyak sakin.
"Hindi ko alam kung panu pero pinili nilang pareho na bumuo ng pamilya habang malayo sa isa't isa." Huminga sya ng malalim. "...Tayo ang bunga non."
Malinaw ang bawat salita na sinasabi nya. Tagalog eh! Pero bakit parang gulong-gulo pa rin ako. Ayaw mag-sink in sakin ng mga sinasabi nya.
Sobrang dami kong tanong pero parang hindi ko din maintindihan ang sagot. Nakaka-Gago!
Napatingin ako sa hita ko kung saan nakapatong yung ibang litratong binitiwan ko. Kinuha ko yung family picture namin. Nakangiti si Mama at Papa sa picture na to at alam kong masaya sila dahil kitang kita ang excitement sa mga mata nila.
"P-pero bakit g-ganun? B-bakit kami i-iniwan ni Papa tapos h-hindi na nagpakita?" Halos hindi ako makahinga.
Hindi ako makahinga ng maayos na para bang may sumasakal sakin. May kung anung nakabara sa lalamunan ko at nagbabadya na naman ang mga luha ko.
Hindi ba kayo nagsasawa sa pagbagsak?!
"Kagaya samin." Malungkot na sabi nya. "...iniwan kami ni Mama at hindi na nagpakita. Nag-asawa si Papa ng iba at yun ang Mama ni Felix."
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
Narrativa generale**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they really think she is. **Section E They are more than friends and classmate for her. She always help t...