Chapter 226

852K 28.9K 31.8K
                                    

A/N: Hindi po ako Ka-Pampangan. I don't live in Pampanga. Bataan po ako, but there is a place here that somehow speak kapampangan. Ayun, na-adopt namin minsan yun mga words nila.


Gift

Jay-jay's POV

Ma-angot pala sa hininga ang boy bawang. O sadyang mabaho lang ang hininga ko?

Ewwness... Hindi nag-toothbrush?

Gago! Naturingan kang konsensya pero hindi mo alam na nag-toothbrush ako. I brushed my tooth! Oo, tooth. Isa lang.

Pumasok kasi ako ng walang laman ang tyan. Hindi ako nag-almusal sa bahay, balak ko sanang bumili sa Mini mart pero sadyang malupit sakin ang tadhana. Paubos na ang allowance ko at kailangan ko pang pagkasyahin yun.

Napilitan akong pumasok ng Tom Jones. Pero mabait pa rin sakin ang langit. Dahil pag pasok ko, may nakalagay na chutchirya sa table ko.  Wala sana akong balak pansinin yun pero tawag na ng sikmura ang nangibabaw.

Gandang almusal nito!

Napilitan akong kainin yun. Kung sino mang talipandas ang nagiiwan ng pagkain sa lamesa ko, ngayon lang ako magpapasalamat sa kanya.

"Uy! Penge naman." Sabi ni Ci-N habang kumukuha ng chutchirya.

Hindi na ko nakapalag. Hawak na kasi nya at binubuksan na. Tuwang tuwa naman sya habang kumakain.

"Hindi mo ba kilala kung sino nag-iiwan nito dito?" Tanung ko sa kanya habang binubuksan ang isang Pillows.

Umiling sya. "Hindi."

Naningkit ang mata ko sa kanya. Bakit parang wala akong tiwala sa sagot nya? Minsan ng naglihim sakin ang Batang Kumag na to, at hindi malabong ulitin nya yon.

"Yung totoo?"

Sumubo muna sya bago magsalita. "Hindi talaga... Pero----." Nilunok nya muna ang kinakain. "...Pero nadinig ko sila. Sabi nila, susuyuin ka daw nila kagaya ng ginawa namin ni Yuri. Kaya malamang isa to sa paraan nila ng panunuyo."

Susuyuin?! Nang ganun-ganun lang!

Anu akala nila basta-basta ako bibigay? Binigyan ko ng pagkakataon sila Ci at Yu dahil bukod sa panunuyo nila, aminado silang nagkamali sila. Eh silang mga Pesteng Dimunyung Ulupong?! Taas noo pa minsan kapag humarap sakin.

Tapos suyo-suyo lang?! Hindi uy! Matigas to men! Kulang ang chutchirya sa buong pinas bago mapapayag ng mga ugok na to.

Tumayo si Ci-N at dumiretso sa likod para kumuha ng tubig sa water dispenser. Nagpakuha na rin ako dahil umandar na naman ang sakit ko.

May sakit ako.... Tamaritis! Only tamad people feel this! Hehehe

Dumating si Sir Alvin kaya napilitan akong linisin na ang mga kalat sa table ko. Nagsimula ang klase at parang bumalik kami sa dati ni Ci-N at David.

Yung tipong pagtalikod ni Sir habang nagtuturo, paglalaruan namin si David na natutulog at aarteng walang nangyari kapag nagising sya.

Kahit nakakatuwa, hindi ko mapigilan na hindi maramdaman na parang may kulang. Tumingin ako sa likod at napatingin sa upuan ng Hari.

Panu kung hindi na talaga sya bumalik?

Lumipat ang tingin ko kay Yuri na kasalukuyang nagsusulat. Concentrate ang luko at hindi maalis ang tingin sa board. Yung ang angas nyang tignan dahil sa pulang buhok tapos nerd naman pala.

Binalik ko ang tingin sa harap at kuwaring nakinig din kay Sir----kahit hindi naman talaga. Natapos ang klase nagbilin si Sir ng review dahil next month na ang pang-apat na exam.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon