Chapter 223

858K 29.5K 22.7K
                                    

A/N: Astig ba ni Angelo? Panu pa kaya kapag sila ni Keifer na ang magharap?

Pero mas astig si Percy. 🌽🌽

Sorry for the wrong grammar and spelling.

Her concern

Jay-jay's POV

Ilang araw na kong kumakain ng mag-isa sa Dining. Umaga at gabi na ako lang at ako lang ang kasalo ko. Ni-anino nila Tita Gema at Kuya Angelo hindi ko naabutan sa bahay. Kahit si Mama na kakadating lang hindi ko din nakita.

Maleta lang nya ang nakaharap ko.

Kahit yung pagkakasakit ko hindi na rin nakarating sa kanila. Buti nalang at hindi rin ako na-confine ng araw na yon. Salamat kay Yuri na umasikaso ng lahat.

Kakatapos ko lang maligo at nag-aayos na din ako ng marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Dalawa lang ang nasa isip ko na magt-text sakin.

Si Yuri o yung GagongBaliw.

Kinuha ko ang phone ko. Yung ikalawang tao na inaasahan ko ang nagtext sakin.

To: GagongBaliw
Message: Good morning! Take care of yourself.

Naging daily routine ko na yata ang pagbabasa ng text nya. Hindi ko na binabawalan na magtext sakin. Parang naging bahagi na rin sya ng cellphone ko.

Kagaya ng lagi kong ginagawa hindi ko na sya ni-replayan. Nagpatuloy ako sa pag-aayos at mabilis na lumabas ng kwarto ko. Naglilinis ng bahay ang mga maid nila Tita.

"Alis na po ako." Paalam ko sa kanila.

"Ingat." Sagot naman nila sakin.

Paglabas ng gate hindi na ko nagulat ng makita si Yuri na nag-aabang sakin. Nakasandal sa kotse nya habang hawak ang cellphone.

Lumapit ako sa kanya at agad naman nya kong napansin. Ngumiti sya sakin at binuksan ang pinto ng passenger seat.

"Good morning." Bati nya pa.

"Walang good sa morning." Kuwaring pagtataray ko.

Tinawanan lang nya ko bago isara ang pinto. Hindi ko masasabing okay na kami ng ugok na to pero binigyan ko na rin sya ng chance kagaya ni Ci-N. Silang dalawa naman kasi talaga tong mapursige na suyuin ako.

Ipinaliwanag na rin nya ng maayos na narealize na nya yung mali nya. Maililigtas nga nya ko sa plano ni Keifer dahil sa kasal pero maitatali naman nya ko sa panibagong problema.

Sinabi din nya na noon pa nya gustong bawiin ang kasal dahil sa nakikita nya sakin pero hindi nya magawa agad-agad. Sinubukan kong itanung ang sinabi ng pamilya nya nung iatras ang kasal pero hindi nya ko sinagot.

Pakiramdam ko hindi naging maganda ang resulta non sa kanya.

"May gagawin ka ba mamaya?" Tanung nya.

"Dipende." Mabilis kong sagot.

Taka nya kong tinignan sandali. "Panung dipende?"

"Dipende kung aayain mo ko kumain, wala akong gagawin. Pero kung galaan lang, meron akong gagawin. Marami pa nga eh."

Dinig ko ang mahinang pagtawa nya. Akala ata nya nagbibiro ako. Seryoso ako, kaya kong ibakante ang oras ko kung usapang pagkain yan pero kung hindi, marami akong gagawin.

"Aayain kita sa isang Japanese Restaurant." Sabi nya.

"Yun! Wala akong gagawin, available ako." Mabilis kong sagot.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon