Chapter 209

871K 30.6K 32.5K
                                    

A/N: Wala lang... Feel ko lang mag-author's note. Hahahahaha... Mais kasi! 🌽🌽🌽🌽🌽

Section E

Jay-jay's POV

Ang tahimik ni Percy. Kanina pa sya walang kibo mula ng dumating sya dala ang pananghalian ko. Nasa second floor ulit kami.

Tapos na kong kumain at kasalukuyang nakatitig sa likod nya. Nakatayo kasi sya at naka-sandal ang mga siko sa bakal. Nagbuntong hininga ako at tumayo para tumabi sa kanya. Sinandal ko din ang siko ko sa bakal at tinignan ang mga basura sa baba.

Ang sarap sanang tumambay dito sa second floor pero lakas makasira ng view yung mga basura.

"Percy..." Tawag ko sa kanya.

"Mm?" Sagot nya.

"Ang tahimik mo ata. Anu meron?"! Kuwaring pang-aasar ko pero nulang walang talab yun.

Tinignan lang nya ko at umiling. Nakakapanibago! Ang weird tuloy sa pakiramdam. Para bang meron syang sakit na malala.

"Uy... Percy." Tawag ko ulit sa kanya at bahagyang tinabig sya.

Ngumiti ulit sya. "Wala to... Magkwento ka nalang."

Kahit naguguluhan ako sa inaarte nya ginawa ko ang gusto nya. Nagkwento tungkol sa nangyari kaninang umaga. Sa pagitan namin ni Ci-N.

Tinakasan ko sya kanina matapos nyang tumalikod at kumuha ulit ng pagkain. Tumambay ako sa CR at nung feeling ko dumating na si Sir dun lang ako bumalik na parang walang nangyari.

"Ay harsh..." Komento nya.

"Hindi ko napigilan yung galit ko." Sabi ko na halos pabulong.

Napapikit kami pareho ng dumampi samin ang malamig na hangin. Presko talaga dito sa taas. Salamat sa mga puno sa paligid.

"May itatanung ako sayo." Sabi nya at hinintay ko naman ang sasabihin nya. "...Panu ka nakatagal sa Section na yan?"

Nakatagal?

"A-ang totoo..." Dahil pinaramdam nilang kabilang ako sa kanila. Dahil pinahalagahan din nila ko at prinotektahan. Dahil sinakyan din nila ang trip ko sa buhay. "...Hindi ko alam."

Malakas ang naging buntong hininga nya. Hinayaan ko naman sya dahil parang malalim ang iniisip nya. Naging tahimik kami ng mga sumunod na minuto.

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung itsura ni Ci-N habang pinupunasan ang luha nya. Ganun naba ko katigas? Nag-iba naba ko? Masama na ba kong tao? Bumabalik naba ko sa dati?

"Percy..." Bulong ko na mukang hindi rin nya narinig. "...panu ba magpatawad?"

Hindi sya nagsasalita. Kaya malakas ang kutob kong hindi nya narinig ang sinabi ko. Aaminin ko, may bahagi ko ang nagsasabi na walang saysay ang pagtitiis ko.

Para saan nga ba ang pagti-tiis na to?

"Mahirap."

Napa-angat ang tingin ko sa narinig ko. Halos bulong lang din ang pagkaka-sabi non kaya hindi ako sigurado sa narinig ko.

"Mahirap." Pag-uulit nya. "...Lalo na kung sobrang sakit ng ginawa nila."

Ako lang ba o parang may hugot sya sa sinabi nya. Seryoso pa naman yung itsura nya kaya parang meron talagang laman yung sinasabi nya.

"May problema ka no?" Tanung ko sa kanya. "...halata na eh."

Bahagya syang yumuko at ngumisi. Sa ginawa nyang yun medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon