Chapter 179

892K 32.2K 25.6K
                                    

Author's Note: NO EDIT! 


Truth or Dare

Jay-jay's POV

Bwisit tong Batang Kumag na to. Takaw eksena ang lintik. Ang bilis nga lang ng karma nya.

"Rakki! I love you!" Sigaw ni Ci habang hinahabol si Rakki.

"Lumayo ka sakin! Kainis! Nakakahiya ka!" Sigaw naman ni Rakki sa kanya habang tumatakbo palayo.

Nakatanaw lang naman kami sa kanila. Pati ibang tao nanunuod lang din habang napapailing. Ang lakas din kasi nila maka-agaw ng eksena.

Kasalukuyan kaming nakapila. Lunch na kasi at sa haba ng sinabi ng organizer----wala akong naintindihan. Puro Love keneme lang naman ang sinabi nya. Meron pang nag-aminan ng feelings pero syempre walang tatalo kay Ci-N.

"Jay..." Tawag sakin ni David habang inaabot ang tray.

Kinuha ko yun at agad na namili ng kakainin. Malayo pa ko pero tanaw na tanaw ko ang lechon. Bes! Lechon!

Nagmamantika!

Habang nilalagyan ng pagkain yung tray ko, hindi maalis yung tingin ko sa lechon. At dahil gutuman ang tropa nyo, hindi pa kami umaalis sa pila---kumakain na ko.

Woooooohhh!! Lapang mga Bes!

"Maupo ka kaya muna." Sabi ni Keifer sakin. "...hindi pa tayo nakakaalis sa pila, nangangalahati na yan."

"Bakit ba nangingialam ka?" Inis na tanung ko sa kanya.

Inirapan nya ko sabay abot ng bottled water. "Takaw."

Hindi ko nalang sya pinansin at nagtuloy nalang. Bago pumunta sa pwesto namin, hinintay muna namin yung iba.

Dahil matagal bago natapos si Ci-N----na syang pinaka-huli sa mga hinihintay namin----halos paubos na yung pagkain ko sa tray. Hindi ko na talaga kaya'ng tiisin. Ginutom ako ng sinabi ng organizer.

"Sa wakas natapos din." Inis na sabi ni Calix.

"Tara na! Tara na!" Aya ni Edrix.

Naglakad na kami pabalik sa pwesto namin. Nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla'ng lumipad yung tray ko papapunta sa ere at diretsong lagapak sa sahig.

Yung pagkain ko!

"Ooopps! Sorey." Nakatawang sabi ni Freya.

Gusto kong magalit sa kanya at sugurin sya pero nanaig ang lungkot sa puso ko. Lungkot dahil sahig nalang ang nakinabang sa pagkain ko sa halip na sikmura ko.

"Eto na naman po tayo." Dinig kong bulong ni David.

Nasa nakataob na tray pa rin ako nakatingin. Kahit nakakain na ko ng mahigit sampung subo----ng kanin at ulam----hindi pa rin sapat yun. Lalu na't meron pang natitira.

Alam kong maraming nagugutom sa mundo. Hindi dapat nagsasayang ng kakainin. Hindi dapat magsayang ng lechon. Naisip ba nya ang dinanas ng Baboy na yan bago sya katayin? Ang preparasyon nya para maging masarap sya? Marami syang pinagdaanan----mantika! Apoy! Baga! At kawayan!----lahat ng yan nasayang ng dahil kay Freya'ng IMPAKTA!

Tinignan ko sya ng masama. "Tanga mo!" Sigaw ko at agad na nagsalubong ang kilay nya.

"Excuse me?!" Iritang sagot nya sakin.

"Alam mo bang hirap ang Baboy na yan magpataba para lang maging lechon?!" Sabi ko habang nakaturo sa ilang piraso ng lechon sa sahig.

"Anu daw?!"

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon