Chapter 256

767K 27.5K 31.8K
                                    

A/N: Anung meron sa muka ko? Bakit ginagmit nyong subject sa mga artwork nyo? 😂😂😂😂😂

Check out this FB page.
Jessa13/riksu-chan artworks.

Suportahan natin sya!!

🎂Happy Birthday kay Carms
From TeamBalisa

Hi Kei_BTS10


R.Sato

"...Aries?"

Wag nga! Si Aries the Horoscope? Parang hindi totoo. Ang hirap maniwala.

"Sya ang nakipag-usap sa Prinsipal. Sya din ang nagkumbinsi sa mga Board Member." Paliwanag ni Rakki.

Sya talaga?

Na-touch ako. Ang bait talaga ng kapatid ko na yon kahit minsan parang naiiwan ang utak sa kung saan. Labs ko yun!

"Ginawa nya talaga yon?" Hindi makapa-niwalang tanong ko.

"Kung ayaw mo maniwala sya nalang siguro tanungin mo." Sabi ni Ella.

Mas mabuti pa nga siguro para malaman ko din ang dahilan nya. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nag-type ng message. Habang sinesend ang message nagpa-alam na samin sila Rakki at may klase pa sila.

Nagpasalamat ako ulit at hindi inalis ang tingin sa kanila hangang sa makaalis sila.

"Ingat ka Baby!" Sabi ni Calix na hinatid pa si Mica hangang pinto.

Nakangiwi akong tumingin sa kanya. Sakto namang napatingin din sya sakin. Mabilis na tumaas ang isang kilay nya.

"Bakit?" Tanong nya.

"Landi mo." Komento ko at agad na nagsalubong ang kilay nya.

"Inggit ka lang. Wala ka kasing love life."

"Hindi ako mabubusog sa love life."

Bahagya syang ngumiti. "Pauwiin mo na kasi, ng hindi ka nagkaka-ganyan."

Ah ba ka Gago!

Inambaan ko sya agad ng suntok. Mabilis naman syang lumayas sa harapan ko para makaiwas. Dinuro ko nalang sya habang pinapanood syang lumayo sakin.

Tinignan ko yung cellphone ko sa pagbabaka-sakali na nagreply na ang kapalaran—este yung kapatid ko. Pero wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Naghanap nalang ako ng mapu-pwestuhan. Gusto ko sana sa tabi ng bintana pero karamihan sa kanila dun na naka-pwesto.

Hindi man lang ako nakapili!

"Jay-jay!" Tawag sakin ni Kit habang kumakaway. "...Dito ka nalang." Sabay turo sa upuan sa tabi nya malapit din sa bintana.

Lalapit na sana ako ng biglang umupo sa don si Mayo. Pareho pa kami ni Kit na napasibangot dahil sa ginawa nya.

"Umalis ka nga dyan! Si Jay-jay dyan!" Pagtataboy ni Kit.

"Ayoko nga!" Inis na sagot nya tapos ay ngumiti ng matamis. "...para madalas kitang mayakap." Tapos ay biglang niyakap si Kit.

Agad naman syang tinulak na halos ikalaglag nya pa sa upuan. Napailing naman ang ibang Ulupong sa ginawa nya.

"Kaunting konsiderasyon naman!"

"May mga inosenteng isip dito! Wag nyong lasunin!"

"Gago! Anong inosente sayo? Kuko sa paa?"

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon