Chapter 217

856K 29.8K 34K
                                    

A/N: So ayun... 🌽🌽🌽🌽🌽🌽🌽..

Hahahahahaha 😂😂😂😂😂.
May nakita kasi akong isang basket ng Mais dun sa office sa Munisipyo. Natawa lang ako bigla. Mabuhok kasi..... 😂😂😂😂😂😂😂😂

Engage no more

Jay-jay's POV

May sakit si Percy. Nilalagnat daw sabi ng Mama ni Felix ng tumawag to sakin kanina lang.

Pakiramdam ko nagkasakit yun dahil hindi nakatulog kagabi. Panay ang tawag nya sakin at halatang balisa. May pagkakataon din na bubulong sya ng kung ano-ano at paulit-ulit sinasabi 'ang puri ko'.

Ni hindi ko nga alam kung meron sya non.

Tinawagan ko sya sa cellphone nya para malaman ang kalagayan nya. Tatlong beses pang nag-ring yun bago nya sagutin.

["Jay..."] Sabi nya ng namamaos ang boses.

"Seryoso? Anong nangyari sa inyo ni Honey?" Tanung ko at narinig ko na naman ang paghikbi nya.

Tuwing tatanungin ko sya ganyan lagi ang nangyayari sa kanya. Iiyak tapos kung anu-anu sasabihin hangang sa mamatay ang tawag.

["Ang puri ko! Jay!"] Dinig ko ang paghikbi nya. ["Binaboy nya ko!"]

Ang hirap alamin kung seryoso siya o hindi.

Napabuntong hininga ako. "Seriously? Kung hindi mo sasabihin, pupuntahan ko si Honey."

["WAG!!"] Malakas na sigaw nya kaya nailayo ko pa ang cellphone ko sa tenga. ["Wag mong gagawin yan! Impakta ang babaeng yun..."] Pahina ng pahina ang boses nya.

Para syang sinasapian. Idagdag pang namamaos ang boses nya. Malapit-lapit na silang maging tropa ni Golum.

Baka may sapi talaga!

"Ano ngang ginawa sayo?"

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya. ["Ayun... Ginalingan. Nilabasan. Nag-uwian"]

Kumunot ang noo ko. Wala talaga akong naintindihan sa sinabi nya. Kung kaharap ko lang sya baka nasampal ko na sya.

"Ang gulo mo! Wala akong naintindihan sa sinabi mo!" Inis na sabi ko.

["Iihhh! Siya nga... Inano niya ko!"] Sabi nya habang nakakarinig ako ng maingay sa side nya.

Mukang nagpapagulong-gulong ang luko sa higaan. Gumuhit ang pandidiri sa itsura ko.

"Eeww... Nag-ano kayo?!"

["Hindi ah! Pero pinaligaya----este minanyak nya ko!"]

Ayoko ng magtanung. Bahala na ang imagination ko maglaro sa mga sinabi nya. Mas mabuting wag ko nalang siyang kulitin.

"Sige na... Magpahinga ka na. Baka lalu kang magkasakit."

Hindi ko na inantay ang sunod nyang sasabihin. Pinatay ko na agad ang tawag. Masisiraan ako ng bait sa lalaking to. Ang lakas ng kasi ng tama nya. Hindi ko alam kung alin ang totoo sa sinasabi niya. Alam ko naman kung kailan siya seryoso pero ngayon parang hindi.

Hindi ko tuloy alam ang paniniwalaan.

Kaya pala natagalan sila sa CR. Kaya pala ganun nalang ang ngiti ni Honey sa kanya. Kaya pala.... Kaya pala.....

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon