Chapter 240

803K 27.6K 38K
                                    

A/N: Magkakaroon ng time laps yung kwento ni Aries. Same with Keifer. Kaya expect a huge spacing.



Kuya's Pain

Aries's POV

Namumula ang noo nya. Mukang napalakas ang pagkakahampas ko. Pero kahit ganon, mahimbing ang tulog nya.

Namamaga ang mga mata nya sa kakaiyak. Siguro kung meron mang hindi nagbago sa kanya—bukod sa katigasan ng ulo nya—yun yong pagiging iyakin nya.

Hindi ko maiwasan na hindi ngumiti. Kahit sa murang edad, naalala ko pa rin non lung paano ko sya alagaan.

*Flashback...*

"Ari!"

"Aris." Pagtatama ko.

"Asan Mama?" Tanung nya habang nakatingin sakin ang bilugan nyang mga mata.

"Nasa tarbaho pa."

Yumuko sya at pinulot ang mga bato sa lupa. "Ay, tagal."

Kinuha ko ang kamay nya at pinagpag yon para bitawan ang mga batong nakuha nya. Sabi ni Mama madumi daw ang lupa at pwedeng makakuha ng bulate kaya dapat hindi pinapahawak si Jay-jay non.

"Madumi! Bitaw!" Sigaw ko sa kanya.

"Nititignan ko lang."

Napatingin ako sa lumang gate namin ng may humintong tricycle sa tapat non. Dahan-dahang bumababa si Mama. Binitiwan ko ang kamay ni Jay-jay at nakangiting sinalubong sya. Ako na rin ang nagbukas ng gate.

"Mama!" Bati ko.

Pero hindi nya ko sinagot, nilagpasan nya ko na parang hindi nya ko nakita. Mabilis syang lumapit kay Jay-jay at niyakap.

"Mama!" Buong galak na sigaw ni Jay. "Bakit ikaw tagal?"

"Na-miss mo ba si Mama? Kasi nag-work ako."

Tumango-tango si Jay sa kanya. Tinignan ako ni Mama.

"Isara mo yung gate at pumasok ka na dito." Sabi nya at tuloy-tuloy na pumasok sa loob.

Ginawa ko ang inutos nya at mabilis na tumakbo papasok sa loob. Nakita ko na meron syang binubuklat na plastic bag. Puro pagkain ang laman non.

"Ang dami pagkain! Tignan mo Ari!"

"Kuya Aries." Pagtatama ni Mama. "...mas matanda sya sayo."

Tuwing uuwi galing tarbaho si Mama. Lagi syang may uwing pagkain. Bigay daw yon ng Boss nya. Minsan meron din syang uwing laruan para samin ni Jay-jay.

Pero mas gusto ko kung andito lang si Mama sa bahay. Mas gusto ko yung nakakasama namin sya.




















Biglang dumating si Mama galing tarbaho. Meron mapulang bagay sa muka nya. Parang marka na nakalagay sa tabi ng labi nya. Galit na galit sya at parang merong kaaway.

Dumating si Ate Jamela Mae. Yung nakatira sa katabi naming bahay. Nagsisigawan sila sa loob ng bahay at hindi ko alam ang dahilan.

"Aaway sila?" Tanung ni Jay.

Napansin kong nagsisimula na syang umiyak. Agad ko syang nilapitan at hinimas sa ulo.

"Hindi. Magkaibigan sila. Hindi sila aaway." Paninigurado ko.

"Talaga?"

"Oo. Tignan ko pa para sayo." Sabi ko at naglakad papasok ng bahay.

Sa tingin ko ay hindi naman talaga sila nag-aaway. Nakaupo lang si Mama sa bangko sa harap ng lamesa at ganun din si Ate Jamela. Malalakas lang talaga ang boses nila.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon