A/N: NO EDIT!
A.M.
Jay-jay's POV
"YU----Aray!" Bigla nalang akong nadapa.
Malas talaga!
Tumayo ako at pinagpag ang suot ko at ganun din ang kamay ko. Tinignan ko ulit ang paligid. Naliligaw na yata ako?!
Kinuha ko yung cellphone ni Yuri sa bulsa ko. Tinignan ko yung oras pero mas naagaw ng wallpaper nya ang atenyson ko. Picture naming dalawa yon pero hindi ako nakatingin sa camera, samantalang sya todo ngiti..
Mukang sa classroom to kinuhanan. Katabi ko kasi sya at mula sa anggulo at itsura ko, mukang may klase kami nung kinuhanan nya to.
Napangiti ako pero kasabay nun ang pagbagsak ng luha ko. Napaiyak nalang ako ng sobrang lakas. Para akong bata na napa-upo at napayakap sa tuhod ko.
Natatakot ako! Natatakot akong hindi na ulit makita yung ngiti ni Yuri.
"Asan kana ba kasi?!" Sabi ko at patuloy pa rin sa pag-iyak.
Bakit kasi ang gulo? Bakit ganito kagulo? Kala ko tapos na yung sa kanila nila Keifer at Ella pero bakit naungkat na naman? Hindi ko maintindihan.
Nakarinig ako ng naputol na sanga. Agad akong tumayo at pinunasan ang luha ko.
"Yuri? Ikaw ba yan?" Tanung ko at pilit sinilip kung saan ko narinig yon.
Lumakad ako palapit pero habang tumatagal wala naman akong nakikita. Bagsak ang balikat kong huminto.
"Tang'na naman!" Inis na sabi ko.
Muli akong humakbang para bumalik sa paghahanap pero kamalas-malasan. Bangin na pala ang katabi ko at dire-diretsong akong nahulog. Agad akong kumapit sa anu mang bagay na pwede kong makapitan.
Salamat sa malaking ugat ng puno at nakaligtas ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko, humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.
Shit lang! Near death experience?
Kasalanan to ni Yuri eh! Kingina kasi! Ang daming drama sa buhay. Kung bakit naman kasi sa gubat pa naisipang tumambay! Pwede namang sa hall o kaya sa site namin.
MULA-MULALA! Kainis!
Pinilit kong itaas ang sarili ko. Nang maka-pwesto ng maayos, sinilip ko yung ibaba. Ganun nalang ang inis ko ng makitang hindi naman pala kalaliman ang bangin. Maliit na ilog din ang nasa ibaba.
Kinapa ko ang bulsa ko para sana kuhanin ang cellphone ni Yuri pero wala na. Agad kong kinapa ang buong katawan ko pero wala akong mahawakan na cellphone.
Tengene nemen!
Tinignan ko yung paligid ko at kinauupuan pero wala din akong nakita. Hangang sa mapatingin ako sa baba.
Anu ba?!
Mukang nahulog yung phone sa bulsa ko at dumiretso sa baba. Buti nalang at hindi sa tubig nalaglag. Wala akong choice kundi ang bumaba don para kuhanin yun.
Kaasar naman kasi!
Dahan-dahan ang bawat hakbang ko. Mahigpit din ang kapit ko sa bawat ugat o sanga na mahawakan ko. Wala akong masyadong makita kaya mabagal ang kilos ko.
Nakarating ako sa baba. Muntik pa kong madulas dahil sa mga basang bato. Hinanap ko agad ang cellphone ni Yuri. Sayang to! Iphone din to!
Nasa makapal na kumpol ng dahon ko nakita ang cellphone. Kinuha ko yun at pinagpag. Sinilip ko na rin ang oras na dapat kanina ko pa ginawa.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
Ficción General**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they really think she is. **Section E They are more than friends and classmate for her. She always help t...