Chapter 210

946K 31.3K 20.5K
                                    

A/N: Oo na! Oo na! Papahabain na po. Okay naba hangang Chapter 1000? Tapos bibigyan ko din ng flashback sila Yuri, Percy at Aries na umaabot ng 20chpters? Hahahahahaha... Sakit yata sa ulo non.

🌽🌽🌽 Yung Chapter 1000. Joke lang yan!

Gang War

Jay-jay's POV

Uwian! Ang pinaka-masaya sa oras ng pag-aaral. Uwian! Uwian!

"Ako na maghahatid kay Jay-jay pauwi." Seryosong sabi ni Percy kay Yuri.

Walang kibong nag-nod lang si Yuri at tumingin sakin na malungkot ang mga mata. Inirapan ko naman sya.

Tinignan ko si Percy na masama ang tingin kay Felix. Ganun din naman ang kapatid nya sa kas. Kanina pa sila ganyan at kulang nalang mag-ispadahan ang mga mata nila.

Mukang mag-aaway pa.

"Sumabay kana samin." Utos ni Percy.

"May lakad kami." Seryosong sagot ni Felix.

"Kung lumpuhin kaya kita para hindi kana makalakad." Banta nya sa kapatid.

"Problema mo ba?!"

"Ayaw mong sumunod sakin!"

"Percy."

Pare-pareho kaming napatingin sa nagsalita na yun. Walang iba kundi ang Hari ng mga Dimunyung Ulupong. Seryoso ang tingin nya kay Percy habang nakapamulsa ang isang kamay at hawak naman ng isa ang bag.

"...Kaya na ni Felix ang sarili nya." Sabi nya at nilagpasan kami.

"Iuwi mo na si Jay-jay. Aalis na kami." Sabi ni Felix kay Percy at umalis na.

Tuluyan na kaming naiwan sa room habang magkakasunod naman silang lahat na naglalakad palabas. Nagkatinginan kami ni Percy.

"Naiisip mo ba naiisip ko?" Tanung nya.

"Hindi. Paki ko naman sa iniisip mo." Sabi ko at agad na nagsalubong ang kilay nya.

"Wala kang saysay kausap no?" Sarcastic na sabi nya sakin.

Oo naman. Ako pa!

Bahagya akong napangiti pero inismidan naman nya ko. Lumakad na sya at sumunod naman ako agad.

"Anu ba iniisip mo?" Tanung ko.

"Susunod ako sa kanila. Ikaw umuwi kana." Sagot nya at mas binilisan pa ang lakad.

Binilisan ko din ang lakad ko para maka-habol sa kanya. "Anu?! Sasama ako!"

"Isa ka pang makulit! Hindi pwede!"

"Basta sasama ako!"

"Hindi nga sinabi pwede!"

"Sasama ako!"

"Kulit neto!"

"Sasama ako!"

Tumigil sya sa paglalakad at inis akong tinignan. "Kulit! Oo na! Oo na!"

Napangiti naman ako at nagpa-una ng maglakad sa kanya. Kala naman nya mananalo sya sakin. Makulit to men!

Sa labas ng school naka-park ang kotse nya. Dahil ako ang nauuna saming dalawa, kinailangan ko pa syang hintayin bago ako maka-sakay.

"Tagal mo naman maglakad!" Inis na sabi ko paglapit nya.

"Wow ha!" Sabi nya habang ginagaya ang boses ni Babalu.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon