Chapter 184

940K 31.8K 32.3K
                                    

A/N: NO EDIT!
Feel kong idamay si Dabid. Tara manggulo tayo! Hahahahah 😂😂

Thanks po sa cover. nojamseu

Wedding Gown

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Wedding Gown

Jay-jay's POV

Natapos ang retreat ng wala sa schedule. Dahil sa nangyari kay Aries, Yuri at sa ibang students na nahulihan ng alak at sigarilyo, pinili ng organizer na tapusin na ang retreat.

Sinugod sa ospital si Aries at ganun din si Yuri. Umalis kami ng Camp keneme ng walang kibuan ng buong Section E. Meron mang kumausap sakin, hindi naman pinag-uusapan yung nangyaring gulo.

Ayaw talagang pag-usapan.

Dahil isang linggo dapat ang retreat pero naging tatlong araw nalang, naging bakasyon ang natitira pang mga araw.

Sabado ngayon, dalawang araw na ang nakakalipas ng ma-ospital si Aries. Dalawang araw ko na ding hindi pinapansin ang mga text at tawag sakin ni Yuri. Dalawang araw na din akong hindi pinapansin ni Keifer.

"Ganun ba?" Tanung ko kay Keigan.

"Yeah... Sorry about that." Sagot nya at nagpilit ng ngiti. "...If he get home, I will call you immidiately."

"Sige. Salamat."

"Ingat."

Bagsak ang balikat kong umalis kila Keifer. Kahapon pa ko pabalik-balik sa kanila. Hindi sya sumasagot sa text ko at cannot be reach naman kapag tinawatagan.

Hindi ko naiwasan na hindi mag-alala. Alam kong galit sya sa nakita nya.

Pinindot ko ang preno ng bike na syang sinasakyan ko ngayon. Eto rin ang gamit ko kahapon ng puntahan ko sya.

Ang sagot sakin ni Keigan kahapon ay kapareho rin ng ngayon. 'Hindi pa sya umuuwi, matapos umalis'. Nakakapang-lumo, gusto kong sisihin si Yuri pero....para saan?

Narinig ko tumunog ang cellphone ko. Tumabi muna ko bago kuhanin ang cellphone. Isang text message ang dumating sakin galing kay Kuya Angelo.

From: Kuya Angelo.
Message: 'Asan ka? Umuwi kana.'

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi nga pala alam ni Kuya na umalis ako ng bahay. Wala din naman kasi sya kanina kaya hindi na ko nagpaalam.

Mabilis akong nagpidal pauwi sa bahay. May kalayuan talaga ang bahay ni Keifer sa bahay namin. Sadyang kaskasero lang ako mag-maneho ng bike.

Bike pa lang yan... Pano kapag kotse na?

Pagdating sa bahay, magarbong kotse agad ang sumalubong sakin. Yayamanin! Bungga! Tinignan ko muna yon sandali bago ipasok ang bike ko sa garahe nila Tita.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon