Chapter 239

818K 31.2K 43.7K
                                    


Happy Birthday

Jay-jay's POV

11:48PM. Dilat na dilat ang mga mata ko. Hindi ako makatulog dahil sa litratong pinadala sakin ng hudlong na yon. Ang masakit pa nito, hindi na sya sumasagot sa mga text ko.

"Bwisit!" Inis na singhal ko sa phone ko.

Kung hindi sya si Keifer, sino sya? Isa lang ang sigurado ako. Malapit sya sa Hari ng mga Ulupong na yon.

At anu yung suot ng Kumag na yon? Bakit parang nasa isang Party sya. Birthday Party nya? Wow! Nakakahiya naman! May gana pa syang mag-celebrate samantalang mabaliw-baliw kami dito.

"Punyets ka! Happy-happy ka dyan tapos kami iyak-iyak dito."

Padabog akong tumayo at dinampot ulit ang cellphone ko. Hinanap ko ang number ni Ci-N—sya lang kasi ang kilala kong may access sa dimunyung yun.

Pero bago ko pa mapindot ang call bigla kong naalala na wala pala akong pantawag. Hangang pantext lang akes.

Jay-jay Poorita girl.

Pinanlakihan ko ng butas ng ilong ang cellphone ko. Kulang nalang masilip na ang utak ko. Kung kaya lang mag-react nitong hawak ko malamang mapangiwi na to.

Dapat yata magpaload na ko kay Percy. Kayalang aasarin na naman ako nun. Kung anu-anu na naman ang ibansag sakin.

Naghihirap na kasi ako, hindi na ko nakabawi ng ipon. Buset kasi yung nangutang sakin—hindi marunong magbayad! Hindi ko na ulit naipon yun, sayang yun. Makakabili na kong sapatos.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Bagsak ang mga balikat ko ng mapansin kong 10 minuto nalang at 12AM na. Ibig sabihin, February 29 na. Brrriittttday na nung Hari ng mga Ulupong.

Nakakainis talaga! Nakakainis! Sobra!

Isa nalang ang natitira kong pag-asa para matawagan tong kung sino man tong GagongBaliw na to. Tumayo ako at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto ko.

Nagdadalawang isip talaga ako sa gagawin ko na to. Dahan-dahan din ang bawat hakbang ko palapit sa kwarto ni Aries. Wag lang sana syang topakin. Ay naku!

Marahan akong kumatok nung una pero wala akong narinig na sagot. Sinubukan ko ulit pero wala pa rin. Hinawakan ko ang doorknob at unti-unting pinihit yun.

Kulang nalang pumalakpak ang tenga ko sa tuwa ng bumukas yun at mapagtantong hindi nag-lock ang kapatid kong Horoscope.

Tip toe, tip toe, tip toe.

Ayan! Naging balirina na ko sa kakatingkayad. Sinilip ko yung bedside table at andun nga ang hinahanap ko.

Ang mahiwagang cellphone ng horoscope. Dito ko malalaman ang aking kapalaran—este, eto ang gagamitin ko para matawagan ang GagongBaliw.

Kinuha ko yun at sinubukang i-unlock. Ay kabog! Iphone ang Lolo mo! Pero kailangan ko ang fingerprint nya para ma-unlock. Ang taray ng cellphone nya! High-tech!

Lumapit ako sa kanya at hinanap ang kamay nya. Binaba ko ng bahagya ang kumot hangang sa bewang nya. Topless na naman sya. Pero eto ang masakit—ginawa nyang unan ang isang kamay nya at ang isa nakahawak sa....ano! Yung ano! Sa ibabaw ng ano.

Inhaled, exhaled! Huminga ka!

Kailangan ko yung fingerprint nya. Yun lang para mabuksan ko ang cellphone nya tapos exit na. Kung bakit ba naman kasi dun pa nakahawak?! Ang dami-daming pwedeng hawakan!

"Kaya ko to." Bulong ko sa sarili ko.

Dahan-dahan kong hinatak ang braso nya palayo sa kuwan nya. Nagawa ko naman yun ng maayos. Hinlalaki nya ang una kong sinubukan. Nilapit ko don ang cellphone nya at tinapat sa bilog.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon