Chapter 225

880K 28.6K 23.4K
                                    

A/N: Sinabing sorry na nga! Sorry sa wrong grammar at spelling! Bakit ka nagagalit?! 😂😂

Tatlo lang muna ang UD. Dapat apat kaya lang inulit ko yung 226. Masyado kasing maaga para sa eksenang yun.

Friendship Over

Yuri's POV

Continuation of Flashback...

Sunod-sunod ang pagsigaw ni Keifer dahil sa sakit. Makailang beses nyang sinabunutan ang buhok nya.

"We are waiting for the CT scan and MIR results. Sa ngayon pain reliever lang muna ang binigay namin sa kanya which will effect in few minutes." Sabi ng Doctor samin

"Thank you, Doc." Keiren answered.

"No problem. If you need something or have some questions don't hesitate to ask."

Tuluyan ng lumabas ng kwarto ang doctor. Nakaupo lang ako habang nakatingin kay Keifer na pagulong-gulong pa rin sa sakit.

Lumapit sakin si Hahaoya at tinabihan ako. "Yuri, balik na tayo sa room mo? Kailangan mo ng magpahinga."

"Watashi wa koko ni tomaritai." (I would like to stay here.)

"Dakedo----." (But----)

"Hahaoya... Onegaishimasu. Watashitachiha otagai ga ima hitsuyōdesu. " (Mother, please. We need each other now.)

Nag-pilit sya ng ngiti sakin. "Okay, I understand. But please don't forget to take your medicine."

Nag-nod ako. Nag-paalam sya na babalik muna sa kwarto ko. Iniwan muna nya ko dito kagaya ng gusto ko. Sinubukan din nyang ayain si Keiren na sumama sa kanya pero nagpaiwan din sya kagaya ko.

Unti-unti tumitigil si Keifer sa pagsigaw hangang sa tuluyan na syang makatulog. Sandali akong umayos ng upo at bigla nalang kumirot ang binti at hita ko.

Pero mas masakit ang nararamdaman ko sa loob.

"Magiging okay din si Kuya diba?" Keiren ask.

I force a smile. "Syempre naman... Si Keifer pa."

Tumayo sya mula sa sofang inuupuan at lumipat sa tabi ko. Malungkot ang mga mata nya. Kasalukuyan pa nga pa lang hinahanap si Keigan tapos eto naman ang nangyari samin ni Keifer.

"Sana andito si Kuya Keigan." Dinig kong bulong ni Keiren.

Ginulo ko ang buhok nya. "Andito kami para sa inyo ng Kuya mo."

Sandali pa kaming nag-usap hangang sa makatulog kami pareho. Nagising lang ako ng makarinig ako ng gumagalaw sa loob ng kwarto.

Pagmulat ng mata ko nakita ko Keifer na nakaupo sa gilid ng hospital bed at nakatulala. Walang buhay ang mga mata nya. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kanya.

"Keifer... M-may masakit ba sayo? Tatawa----."

"Yuri..." Putol nya sa sasabihin ko. "...Do you still remember anything from the accident?"

Napaawang ang bibig ko. Alam kong magtatanung sya ng tungkol don pero hindi ko pa napag-iisipan ang isasagot ko.

"I-i don't." Kusang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun.

Bullshit Yuri!

Natatandaan ko pa. Natatandaan ko na nasa loob si Percy at Aries. Ayokong sabihin yon kay Keifer. Alam kong sa nangyaring to, maghahanap ang lahat ng pwedeng sisihin.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon