Papers
Jay-jay's POV
"Hoy! Bayad mo! Tatakas ka pa!" Sigaw ni Rory habang naniningil.
Bigayan na kasi para sa retreat sa lunes. Hindi daw kasi sasagutin ng school yung mga pangangailangan namin.
Naming Section E lang!
Kinapa ko yung wallet ko sa bag. Kailangan ko na ding magbayad. Nakakahiya kung magpapahuli pa ko, ang hirap pa namang singilin ng iba.
"Bayad ko!" Sigaw ni Felix at tumingin sakin. "...Bayad ka na?"
"Hindi----"
"Bayad na yan!" Putol ni Rory sa sasabihin ko.
Tumigil ako sa paghahanap ng wallet sa bag ko. Taka ko sya'ng tinignan. "Uy hindi pa!"
"Binayaran na ni Keifer kanina."
Yung kumag na yun?
Agad akong naglakad palapit kay Keifer na natutulog. Hinampas ko sya sa dibdib dahilan para magising sya at tignan ako ng masama.
"Bakit mo binayaran yung sakin?" Inis na tanung ko.
"Kasi gusto ko." Bored nya'ng sagot at bumalik sa pagtulog.
Hinampas ko ulit sya. "Gastusin ko yun."
Halata'ng napikon na sya sa ginawa ko. Mali yatang hinampas ko sya para magising. Pero nainis kasi ako.
Tumayo sya bigla at hinawakan ako sa kamay. Kinaladkad nya ko palabas ng room papunta sa gilid ng building.
Huminto kami ng medyo makalayo at inis akong tinignan. "Problema mo? Nililibre naman kita dati ah?"
"Iba kasi ngayon... Iba yung noon."
Nag-cross arm sya at tinitigan ako ng matagal. "Yung totoo?"
Yung totoo... Kasi... Haizt! Mula kasi nung kinwento nya sakin ang buhay nya. Napagtanto ko lang na sobrang yaman nya at ang hirap ko.
At kagabi, pag-alis nila ng restaurant. Pinag-usapan agad ng parents ni Yuri yung Watson Enterprise. Sa birthday daw ni Keifer, papalitan na yung CEO ng kumpanya at ibibigay na ang full access sa kanya.
Sa edad na 18 meron na sya'ng sariling kumpanya. Kamusta naman yun? Isa na sya sa pinaka-bata'ng bachelor at millioner----billioner sa pilipinas.
Kumpara naman sakin. Malapit na ko mag-18 pero flavor pa rin ng ice cream yun nasa isip ko.
Sobrang layo na talaga ng istado ng buhay nya sakin. Nakaramdam ako lungkot. Pakiramdam ko tuloy mas bagay talaga si Honey sa kanya.
Mayayabang---man pala!
"Bakit hindi ka sumasagot?" Tanung nya.
Umiling ako. "Basta ako magbabayad ng mga bayarin ko."
Akmang lalakad na ko paalis ng bigla nya kong pigilan. Tignan nya ko sa mga mata, umiwas ako agad. Ayokong mahalata nya na meron ako'ng iniisip.
"Bakit hindi mo sinasagot tawag ko kagabi?"
Napalunok ako ng di-oras. Ilang beses nya kong tinawagan at tinext. Hindi ko sinasagot dahil sobrang naiinis ako sa kanya at dun sa Honey na yun.
Ayoko ng pulot!
"A-anu... May ginagawa k-kasi ako."
"And what is that?" Sabi nya habang humahakbang palapit.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
General Fiction**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they really think she is. **Section E They are more than friends and classmate for her. She always help t...