Chapter 258

802K 29K 76.1K
                                    

A/N: Ahehehe... Torplise!

🎂Happy Birthday!🎉
🎁Mikaella Mhaye
🎈Cassandra Sorraco
🎊Jucille Friales

🎂 Advance Happy Birthday! 🎉
🍰Kristine Trance

🎂Happy Birthday!🎉
🎁Ate Carms from Team Balisa

Black and white

Jay-jay's POV

Pigil ko ang luha at paghinga ko. Pakiramdam ko maling galaw ko lang butas ang bao ng ulo ko. Kahit hindi ko tignan ramdam ko na sa batok ko nakatutok ang baril.

Ilang beses na kong natutukan ng baril, pero habang tumatagal pabigat ng pabigat yung nararamdaman ko. Parang palapit ng palapit ang kamatayan ko.

"Aaarrrggghhh!!" Malakas na sigaw ni Sato kasunod nang pagpapaputok nya ng baril.

Napasigaw ako ng malakas sa pag-aakala na sa akin ang tama non, pero wala akong naramdaman na kahit na anong sakit. Pwede ring namatay na kasi agad ako kaya ganon. Dinilat ko ang mata ko at nakikita ko pa naman ang paligid kahit malabo dahil sa luha.

Hindi na to biro! Mamatay na yata talaga ako.

Pwedeng wag muna? Meron pang hindi nagbabayad ng utang sakin. Hindi pa din kami ayos ng mga Ulupong. Hindi ko pa din nasasapak ang Hari nila. Hindi ko pa din nakikita si Papa. Baka pwedeng after nalang non.

Muli na naman akong hinawakan ng isa sa kanila at pilit tinayo. Dahil hindi ako makalakad ng maayos napilitan syang kaladkarin ako na parang manika. Halos masubsob ako dahil sa bigat ng katawan ko.

Lumabas kami sa isang pinto at malawak na bakanteng lote ang bumuluga sakin. Sa hindi kalayuan ay mga tambak ng semento at putol-putol na sanga ng puno.

"WHERE IS MY CAR?" Sigaw ng Gunggong na Sato sa mga tauhan nya.

Hindi ako makapag-isip ng maayos. Nahihirapan akong huminga dahil sa pinag-gaga-gawa ng Sato na to sakin. Sabog-sabog na ang buhok ko sa muka. Malamang muka na kong bruha pero hindi yon ang inaalala ko.

Kailangan kong makatakas sa kanya!

Bigla nalang nagwala sa galit ang Sato at pinagsisipa ang mga tauhan nya. Pati yung may hawak sakin hindi naka-ligtas. Para syang bata na nagwawala dahil hindi nakuha ang gusto. Nang wala ng mapag-initan tinutukan na naman nya ko ng baril.

"I want you dead! You're going to die! Your friends will not help you!" Sigaw nya habang dinu-dutdot ang baril sa ulo ko.

"H-hindi yan totoo!" Sagot ko sa kanya pero patuloy pa rin sya sa pagsigaw at pagtutok ng baril sakin.

"No one will help you! You will die here! I will kill you!"

"HINDI!" Buong lakas na sigaw ko sa kanya. "Darating sila! Ililigtas nila ko!"

Andito na nga sila eh!

"They will not make it! My man will defeat them!"

Feel talaga nyang makipag-sigawan sakin. Buti sana kung ang bango ng hininga nya. Idagdag pang panay ang talsik ng laway nya sa mismong pagmumuka ko.

Alam ko ang ginagawa nya. Tinatanggalan nya ko ng pag-asa. Akala naman nya magpapa-uto ako sa kanya. Palagay nya sakin? Bata?!

"BWISIT KA! ILILIGTAS NILA KO! ALAM KO YON! DAHIL MGA KAIBIGAN KO SILA! MAY TIWALA AKO SA KANILA!" Sigaw ko habang pilit nilalapit ang muka ko sa kanya ng madama naman nya ang laway ko.

Damhin mo! Gago!

Nakarinig ako ng mahinang palakpak. Kasunod ang kuwaring paghikbi ng kung sino. Tinignan ko yon na nagmumula sa bandang likod namin.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon