Visit Kiko
Jay-jay's POV
"Kumakain kaba ng maayos?" Tanung sakin ng nurse.
Hindi ako makasagot. Ang totoo, ilang araw na kong hindi nakaka-kain ng maayos. Madalas akong hindi naghahapunan, minsan nalang ako makapag-almusal ng kanin laging tinapay at hindi rin ako makakakain ng maayos ng pananghalian.
"H-hindi po talaga." Mahinang sagot ko.
"Kaya naman pala eh..." Sabi nya at tumayo.
Meron syang kinuha sa table nya at bumalik. Dalawang lunch box at meron pang isang litrong juice. Ibinaba nya yun sa table sa tabi ng kama'ng hinihigaan ko.
"Dala yan ng mga classmate mo. Para sayo daw." Nakangiti nyang sabi. "...Mabilis manghina ang katawan mo dahil hindi ka kumakain ng maayos." Meron syang nilagay na gamot sa tabi ng lunch box. "Pagkatapos mong kumain, inumin mo to."
Nag-pilit ako ng ngiti kasabay ng pag-nod sa kanya. Iniwan nya ko at bumalik sa table nya. Tinignan ko yung lunch box sa side table. Kinuha ko yun at binuksan. Puno ng pagkain at alam kong si Eman ang nagluto nito.
Pero ayokong kumain.
Wala akong gana kahit nanginginig na ang katawan ko sa gutom. Hindi dahil ayoko ng pagkain pero dahil mabigat sa pakiramdam kapag naalala ko kung sinong nagluto nito.
Napatingin ako sa nurse at sakto namang napatingin din sya sakin. Ngumiti sya bago bumalik sa ginagawa.
Kung hindi ako kakain, hindi ako makaka-inom ng gamot. Hindi ako makaka-alis dito. Kaya kahit mabigat ang loob ko, sinimulan kong kumain.
Na-miss ko to!
Binilisan ko ang pagkain at ininom ang gamot na binigay sakin ng Nurse. Balak ko pa sanang magpahinga pero alam kong pupuntahan ako ng mga Ulupong na yon dito maya-maya lang. Tumayo ako at inayos ang uniform ko.
"Saan ka pupunta? Dapat magpahinga ka pa." Sabi ng Nurse sakin ng makita nya kong nakatayo at nag-aayos.
"B-babalik na po ako sa room." Palusot ko.
"Pero kaylangan mo pang magpahinga." Pagpipilit nya.
Wala akong balak makipag-pilitan sa kanya. Sandali pa nya kong pinagmasdan at ng mapag-tanto na hindi talaga ako papa-awat, sumuko din sya. Hinayaan nya kong umalis ng clinic.
Wala akong balak bumalik sa room, nagpatuloy ako sa paglalakad pero papunta na sa gate ng school. Tanging pera sa bulsa ko lang ang dala ko. Wala na kong cellphone, nadurog na kanina.
Dapat tumama sa muka nya para hindi ako nanghihinayang ng ganito.
Malapit na ko sa gate ng school ng masalubong ko ang ilan sa kalalakihan ng Section A. Malakas ang mga boses nila kaya hindi ko maiwasan na hindi marinig.
"...Grabe! Kawawa talaga si Kiko." Sabi ng isa sa kanila na umagaw ng atensyon ko. "...Hindi na sya makakapaglaro ng basketball."
"Nakakatakot yun... Mahirap talagang kalaban si Keifer." Sagot ng nasa gitna.
"Mas malupet yung nagsumbong sa kanya sa guidance ora mismo expulsion." Gatong ng nahuhuli sa kanila.
"Ganun yata talaga kapag malakas ang kapit sa school. Aries Fernandez ba naman eh."
Si Aries ang nagsumbong sa guidance?!
Naguluhan ako sa sinabi nila. Panung nangyari na si Aries ang nagsumbong at expulsion agad-agad? Napailing ako habang nagpatuloy sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
General Fiction**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they really think she is. **Section E They are more than friends and classmate for her. She always help t...