Siblings
Jay-jay's POV
Tulala. Kulang nalang ata tumulo ang laway ko para masabing wala ako sa sarili. Well, lagi naman akong wala sa sarili pero iba yung ngayon.
Nakatulala ako sa kalendaryo. Almost two weeks na ng matapos ang birthday ni Ci. Ibig sabihin, birthday na ni Keifer ang kasunod.
February 28 na bukas tapos 29 ang Hari ng mga Ulupong.
Pero kahit isang tawag o text wala akong nare-receive galing sa kanya. Tapos yung GagongBaliw, dumadalang na rin sa pagtetext sakin. Lumiliit tuloy ang pag-asa ko na iisa lang sila ng Hari.
"Peste ka Keifer! Sakit mo sa gums."
Isusubo ko na sana ang natitirang Pepero stick na hawak ko pero pagtingin ko, wala na pala. Mukang nakain ko na ng hindi ko namamalayan. Tinignan ko yung bag ko pero wala na ring lamang pagkain.
Kung kelan feel kong mag-midnight snack tsaka pa nawalan ng chutchirya sa bag. Tinignan ko yung oras sa wall clock. 10:43PM na, tulog na siguro sila Kuya.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Sinilip ko sandali ang pinto ng kwarto ni Kuya. Sarado, wala ring ilaw sa paanan ng pinto. Ibig sabihin, tulog ang halimaw—este si Kuya Angelo.
Wag sana makarating kay Kuya ang salitang Halimaw.
Dahan-dahan din ang bawat hakbang ko. Daig ko pa magnanakaw. Pagdating sa hagdan mabilis akong naglakad papuntang kusina. Titignan ko kung meron akong pwedeng kainin.
Pagdating sa kusina. Boom! May Horoscope!
Sa araw na ito ay magugutom ka ng husto kaya kumain ka. Ma-swerteng kulay: putik. Ma-swerteng numero: bokya.
Salamat sa horoscope. Wala bang babala dyan?
Mukang naghahanap din ng pagkain si Aries. Panay ang silip nya sa mga container sa loob ng ref pero hindi sya masiyahan. Dumiretso sya ng tayo at malalim ang naging buntong hininga. Unti-unti syang humarap sa gawi ko bago isara ang pinto ng ref.
Mukang hindi nya ramdam ang presensya ko dahil patuloy sya sa paglakad palapit.
"Aries."
"What the!.." Gulat na sabi nya. "...Anu ka ba?! Bakit ka ba nang-gugulat?"
Gusto kong matawa sa sinabi nya. Nagiging magugulatin na din kasi sya.
"Hindi kita ginugulat. Tulala ka kasi."
Inis nya kong tinignan. "Hindi ako tulala! Tignan mo kaya kung nasan ka."
Tinignan ko naman yung kinalalagyan ko. Nasa pinto ako ng kusina. Madilim at walang kahit na anung liwanag na pwedeng pang-galingan. Patay na rin kasi ang ilaw sa ibang bahagi ng kusina.
"Sinong hindi magugulat nyan? A voice from the dark tapos hindi pa kita kung sino."
"Sorry naman." Kamot ulo kong sabi.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya. Napakamot din sya sa ulo at parang pagod akong tinignan.
"What time is it? Why are you still up?"
"Midnight snack sana. May pagkain ba?"
Tumingin sya sa ref bago ako sagutin. "Meron pero puro ulam."
Ay... Ayoko non. Gusto ko kutkutin lang o kaya matamis.
"Ay..." Kamot ulong sabi ko. "...sa labas nalang ako bibili." Patalikod na dagdag ko.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
Tiểu Thuyết Chung**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they really think she is. **Section E They are more than friends and classmate for her. She always help t...