A/N: Mais 🌽🌽🌽
Sali kayo sa quiz sa group. Hinanda yun ng masisipag naming Admin.
Sorry nga sa wrong grammar at spelling!
Friends
Jay-jay's POV
"Saan na?" Mapilit na tanung ko kay Yuri.
Kanina pa andar ng andar yung kotseng sinasakyan namin pero parang hindi naman nun matunton yung Japanese Restaurant na sinasabi ni Yuri.
Naligaw na yata kami. Pagkain na naging bato pa!
"We're almost there." Nakangiting sagot nya.
Kelan pa kaya yung 'almost' na yan? Yan nalang lagi nya sagot sakin. Inis akong napanguso at tumingin nalang sa labas. Malayo na kami sa syodad at nasa kung saang lumapalop na kami ng Pilipinas.
Wala na yung mga kabahayan. Puro matatayog na puno na ang nakikita ko. Alam kong nasa highway na kami pero hindi ko pa rin alam ang destinasyon nitong sinasakyan ko at ni Yuri.
Wag naman sana Final Destination! Jusme!
Kinabahan tuloy ako kahit hindi naman dapat. Unti-unting bumagal ang sasakyan at lumiko sa isang kanto na parang natabunan na ng sebilisasyon. Mas matatayog kasi ang puno sa gilid, lupa pa rin at hindi sementado ang daan. Halatang walang ibang sasakyang dumadaan dahil walang bakas ng gulong o kahit anung uri ng sasakyan sa lupa.
"May Japanese Restaurant dito?" Pa-inosenteng tanung ko kahit halata naman na walang restaurant dito.
Anu kayang balak ng hudas na to?
Tinignan ko yung langit. Malapit ng dumilim tapos nasa kawalan pa kami. Tinignan ko si Yuri at ngumiti sya sakin. Anak nang... Hindi kaya may masamang balak to? Baka balak nya kong.... Balak nya kong....
HOLDAPIN! Asa naman.... Mas mayaman pa sya sakin, anung mapapala nya sa kagaya ko? Pinilit ko nalang alisin ang pangamba sa isip ko. Alam ko namang hindi sasayangin ng Ulupong na to ang binigay kong chance at tiwala sa kanya.
Tumingin nalang ako sa harap at ganun nalang ang pagkunot ng noo ko ng makita ko ang isang construction site. May boldosor, digger, cement mixer at iba pang gamit na halatang pang malakihang gawa.
Baka naman gagawin pa lang yung Japanese Restaurant.
Ipinarada ni Yuri ang kotse sa tabi ng iba pang sasakyan. Bumaba sya at ganun na rin ang ginawa ko. Tinignan ko yung paligid at isang malaking tarpaulin ang bumungad sakin.
Opening Soon, パラダイス (Paradise) Resort.
"Paradise." Sabi ni Yuri habang nakatingin din sa tarpaulin. "Paradise Resort ang ibig sabihin nyan."
Nag-nod lang ako habang hindi tumitingin sa kanya. Mukang may temang Japan ang resort. Base kasi dun sa drawing may naka-kimonong babae na naka-abang sa pinto habang bahagyang nag-bow.
Binasa ko din yung mga naka-lagay sa gilid. Spa, Salon, Bar and restaurant----sabi na ginagawa pa lang eh!
Bahagyang bumagsak ang talukap ng mata ko at inis na tinignan ang luko.
"Bakit?" Tanung nya.
"Saan tayo kakain? Eh ginagawa pa lang ang Restaurant na sinasabi mo."
Tinawanan nya ko. "Surprise."
Sabi na naging bato yung pagkain.
Hinawakan nya ang kamay ko at hinala ako pero agad ko naman yung binawi.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
General Fiction**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they really think she is. **Section E They are more than friends and classmate for her. She always help t...