A/N: NO EDIT!
Boiling point
Jay-jay's POV
Hindi ko maiwasan na hindi maiyak. Bawat kilos ko parang lalabas ng lalabas ang luha ko. Hindi ko maintindihan ang lahat-lahat.
Lumabas ako ng kwarto at kasabay din non ang paglabas ni Aries sa kwarto nya. Napatingin ako sa kanya ng mapansin kong hindi sya gumagalaw.
Pinilit nyang maka-uwi galing ospital kagabi. Kaya pala nataranta sila Tita dahil ayaw syang payagan ng doctor. Matigas lang talaga ang ulo nya at gusto ng umuwi.
"Dito talaga magstay ang Nanay mo? Anu akala nya sa bahay namin, Hotel?!" Inis na tanung nya sakin.
Ayokong makipagtalo. Mas malaki ang pino-problema ko ngayon.
Kailangan kong makita si Keifer.
"Aalis din sila." Walang buhay kong sagot.
Nilagpasan ko na sya at dumiretso sa sala. Si Lola ang una kong nakita na nagbabasa ng dyaryo. Ngitian nya ko pero nawala din yon ng makita'ng naka-uniform na ko.
"Hindi ka pa kumakain. Aalis kana?" Tanung nya at agad na lumapit sakin.
"Sa school nalang po ako kakain. May gagawin pa po kasi ako." Paalam ko at niyakap sya.
Pakiramdam ko mas matagal na yakap ang kailangan ko mula kay Lola. Sa mga nangyari kagabi, parang gusto ko nalang umiyak ng umiyak sa tabi nya.
Nasa ganung posisyon kami ng marinig ko ang tawanan ni Mama at Andy. Parang sila lang ang magkasama sa bahay sa ginagawa nila. Hindi ba marunong mahiya tong dalawa na to?
Humiwalay ako kay Lola at inis na tinignan sila Mama na palapit samin.
"Papasok kana Jay?" Bungad ni Mama ng makita ako. "...Kumain ka muna. Nagluto ang Tito Andy mo."
"Hindi na... May kailangan akong gawin." Walang gana kong sagot.
At ayoko rin kayong makita.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila. Agad akong lumabas ng bahay at kinuha ang bike ko. Mabilis akong nagpidal para makalayo sa kanila.
Wala naman talaga akong gagawin. Gusto ko lang talagang maka-alis ng bahay agad. Ayoko din silang makasabay kumain. Lalu nagiging mahirap sakin ang lahat kapag nakikita sila.
Ang sama ng ugali ko. Hindi ko kasi kayang maging fair sa kanila. Panu ko gagawin yun kung ako mismo hindi nakaranas ng 'patas' sa buhay? Ang sarap isisi sa iba ng mga nangyayari sakin pero ang totoo walang dapat sisihin. Ipinanganak yata talaga ako para maging ganito.
Malas sa maraming bagay.
Kagabi, halos madurog ang cellphone ko kakatawag kay Keifer pero pinatay lang nya ang cellphone nya. Tumawag din ako sa bahay nila pero hindi pa daw sya umuuwi.
Kinausap ako ni Kuya Angelo kagabi wala nga lang akong naintindihan sa mga sinabi nya. Yung Hari kasi ang nasa isip ko.
Kung panu na kami.
Huminto ako sa tapat ng Mini Mart. Bago tuluyang pumasok, pinunasan ko muna ang pisngi ko. Nagsimula na naman kasi akong umiyak. Mabilis kong kinuha ang mga bibilhin ko.
Hindi naman kasi ako pwedeng bumili sa cafeteria ng school kaya dito talaga ang bagsak ko. Pre-heated food lang ang binili ko. Namili rin ako ng juice at tubig. Kumain muna ko sandali kahit ayaw tumanggap ng pagkain ng katawan ko.
Kailangan mong kumain Jay!
Tinignan ko ang cellphone ko sa pagbabakasali na nagreply sya sakin. Kagaya ng mga nakaraang araw, wala na naman syang sagot.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
Ficción General**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they really think she is. **Section E They are more than friends and classmate for her. She always help t...