Chapter 230

898K 28.6K 30.8K
                                    

A/N: Asan daw si GagongBaliw? Adyan lang. Pakalat-kalat. Hahaha Nilagyan ko ng translation yung text. Hnd daw ksi maintindihan nung iba. Jejemon kasi yung GagongBaliw at si Jay-jay.

Home

Jay-jay's POV

Kumikirot ang mga kamay ko. Sinubukan kong patunugin pero lalu lang sumakit. Wala naman daw problema, walang bali o pilay sabi ng doctor.

Pero masakit pa rin.

Badtrip kasi! Tuwing nangyayari sakin yun bagay na yon, nagkakaganito ang kamay ko. Kasalukuyan akong nasa sofa sa sala ng bahay. Nakauwi na kami galing sa ospital.

Kami---as in kaming lahat! Including Aries The Horoscope. Pwede nyo ng alamin ang kapalaran nyo.

Tinignan ko sya na nakaupo sa katapat kong sofa. Nakapikit sya habang nakasandal ang ulo. May band aid at gasa ang ilang parte ng muka nya. Samantalang ako yung benda nalang sa ulo ang naiuwi ko.

"...Ganun ba? Sige salamat po." Dinig kong sabi ni Tito Julz mula sa kausap nya sa cellphone.

Pumasok ng bahay si Tita Gema dala ang ilang bag namin ni Aries. Bumungad sa kanya ang malungkot na muka ni Tito.

"Bakit? May nangyari ba?" Tanung ni Tita.

"Hindi daw pumapasok si Angelo. May ilang araw na daw."

Napa-ayos ako ng upo. Panung hindi pumapasok? Seryoso? Pero sa kanila na nang-galing na marami pa ring pwedeng i-save sa company tapos hindi na pinuntahan ni Kuya.

"...Ako nalang muna siguro mag-aayos nito. Baka pwede mong tawagan mga kaibigan nya? Tatlong gabi na syang hindi umuuwi dito." Dagdag ni Tito.

Biglang nag-alala ang itsura ni Tita. Mukang hindi nya alam na ganun ang ginagawa ni Kuya.

"S-sige... Tatawagan ko ang mga kaibigan nya." Sagot ni Tita.

Iniwanan nya ang mga Bag namin at nagpunta sa kung saan kasunod si Tito. Maya-maya lang bumalik din sila na parang hindi mapakali at hindi alam kung anung uunahin. Parehong may hawak na cellphone ang dalawa at may kausap.

Nang muli silang mawala sa paningin ko si Mama naman ang dumating. Galing syang kusina at may hawak na baso ng juice.

Parang gusto ko din sana non!

Pinagmasdan ako ni Mama habang umiinom ng juice. Lumipat ang tingin nya kay Aries at napangiti naman sya.

"Pag-ganyan kayo, lumalabas ang pagkakahawig nyo." Nakangiting sabi nya.

Napangiwi ako kasabay ng biglang pagtayo ni Aries. Salubong ang kilay nya habang nakatitig sakin.

"Eew! May hawig ako sa unggoy." Sabi nya pa at mabilis na umalis papunta sa kwarto nya.

"Sinong unggoy? Ganda ko namang unggoy kung ako nga yung tinutukoy mo kahit hindi naman."

Hindi na sya sumagot. Nawala sa paningin namin ang topak na Aries. Baliw yung lalaking yun. Epekto siguro ng pang-bubugbog ni Mykel.

Pero asan na nga kaya si Kuya Angelo.

Hindi nya ko dinalaw sa ospital pero sinabi naman sakin nila Yuri na andun sya nung isinugod ako. Nalaman ko din na nahuli ng dating yung mga Ulupong dahil kampante sila na nasa second floor lang kami.

Kinutuban lang sila nung umalis si David na walang paalam. Nung pinuntahan ni Felix yung Second floor at nakitang wala kami dun na sila nagsi-kilos.

Parang mas gusto ko na hindi nila kami naabutan. Tama lang na nahuli sila ng dating kahit nabugbog na si Ci-N. Hindi ko alam ang paliwanag na gagawin ko sa kanila tungkol don sa nangyayari sakin kapag nakaka-kita at nakakalasa ng dugo.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon