A/N: RIP kay Jay-jay sa previous chapter. Hahahaha... Nagpa-praktis na kong gumawa ng Horror.
Salamat po ng marami sa cover na ito. Kitty_Crown\
Video call
Jay-jay's POV
MUNTIK NA! Muntik na kong malaglag sa kama. Kung hindi ba naman kasi....haizt!
Halos hugutin ko ang baga ko sa pagsigaw ng malakas. Napatakbo tuloy yung ilang nurse sa kwarto ko. Nakagalitan pa tuloy ako ng isang Doctor dahil sa eskandalo.
At yun ay kasalanan ni Ci-N!
"Sira ulo ka!" Inis na sabi ko paglabas ng nurse. "...muntik na kong atakihin sa puso dahil sayo! Bakit ba naman kasi hindi ka pumasok agad?!"
Nakatawa lang sya ng habang nagkakamot ng ulo. Gusto kong sipain ang wheel chair na kinauupuan nya para tumilapon sya palayo. Yun pala yung gulong na kulang sa langis.
"Napuputol nga kasi yung connection." Sabi nya habang tinuturo ang hawak na laptop. "...naputol na naman nga eh. Hintay pa kong sagap ng internet."
Akala ko talaga multo na yung sumisilip sakin at nagbukas ng pinto. Muntik na kong magmura sa lahat ng lengwahe---kahit hindi ko alam---dahil sa kanya.
"Anu ba kasi yan? Hindi ba pwedeng bukas nalang?" Medyo inis na sabi ko.
Umiling sya habang nagpi-pi-pindot sa laptop nya. "Urgent to. Ngayon na dapat."
Lintik na yan! Akala ko talaga hihiwalay na yung kaluluwa ko sa katawan ko.
Inis akong napakamot sa ulo. Idagdag pang nawawala ang Mama ko at hindi ko alam kung saan nagpunta. Pumikit lang ako sandali nawala na.
Habang naghihintay na magkaroon ng internet connection nag-usap muna kami ni Ci-N.
"Alam mo ba kung anung nangyari kay Mykel tsaka kung nasan sya?" Tanung ko.
Seryoso nya kong tinignan. "Nakatakas sya. Wala ba nagsabi sayo na hinahanap sya ngayon ng Kuya Angelo mo?"
Umiling ako. "W-wala eh."
Nakatakas ang ugok.
"Galit na galit si Kuya mo kahapon nung makita ka sa emergency room na walang malay. Akala nga namin kami-kaming andun ang sisihin nya."
Naiintindihan ko naman si Kuya. Lalo na at si Mykeliling ang may gawa nito sakin. Samantalang napabahag na nya ang buntot non.
"Peste kasi talaga ang Mykel na yon."
Nag-nod naman sya habang may pinipindot sa keyboard ng laptop. Na-curious ako dahil parang busy'ng busy sya.
"May internet na?"
Tinignan nya ko at ngumiti. "Wala."
"Eh anu yang ginagawa mo?"
Hinarap nya sakin ang laptop at naglalaro pala ang luko. BookWord ang Title ng game.
"...Akala ko naman kung anu."
Humiga ako sa kama habang pinagmamasdan ang mga kamay kong may balot ng benda. Sana lang walang komplikasyon ang mga to. Ang hirap pa naman kapag may ini-inda sa kamay.
Ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan.
"Jay... Tulungan mo naman ako dito." Sabi ni Ci.
Bumangon ako at tinignan sya. Kinuha nya yung lamesang may gulong na nilalagay sa kama para makaka-kain ang pasyente. Pinatong nya ang laptop don at inayos yon palapit sakin.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
General Fiction**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they really think she is. **Section E They are more than friends and classmate for her. She always help t...