Chapter 232

891K 30.2K 30K
                                    

Doughnut or Do not

Jay-jay's POV

Weird! Sobrang weird! Super duper weird! Super duper ultra weird! Super duper ultra omega to the highest level weird!

Muka mo Jay-jay weird.

Nakatayo ako sa harap ng table ko habang nakatingin sa mga pagkain. Oo, sa MGA pagkain. May isang box kasi ng donat sa table ko. Meron ding kape na galing Starbucks.

"Jay-jay!" Bati sakin ni Ci-N habang palapit.

Napatingin sya sa isang box ng donat. Namilog agad ang mga mata nya sa tuwa na akala mo para sa kanya yung pagkaing kaharap.

"Penge!" Sabi nya at akmang aabutin yung box pero hinampas ko ng malakas ang kamay nya. "...Aray!"

"Basta ka kuha! Hindi naman natin alam kung kanino galing yan!"

"Syempre, isa sa mga classmate natin! Wala ka namang manliligaw sa labas para dalhan ka ng ganyan!" Inis na sabi nya habang hinihimas ang kamay.

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. "Alam kong galing sa kapwa Ulupong mo yan! Ang ibig kong sabihin, sino sa kanila?!"

Sabay naming tinignan ang mga Ulupong. Si Eman ang unang pumasok sa isip ko dahil sya ang kusinero namin dito. Nagsalubong ang tingin namin pero pinagtaasan lang nya kami ng kilay.

Okay, hindi sya!

Si Yuri ang sunod naming tinignan. Ngumiti lang sya at kumaway sakin.

Okay, hindi rin sya!

Lumingon ako sa gawing kaliwa kung saan magkakatabi ang magkaka-tropa sa kalokohan at magkaka-away.

Si Edrix na busy sa phone ang inuna ko pero hindi man lang nakaramdam ang Gago. Mukang naglalaro sya ng kung anu sa cellphone nya.

Okay, hindi din sya!

Katabi nya si Rory na may sinusulat sa notebook nya. Tumingin sya sa gawi ko at mabilis ding hinarap ang notebook. Para bang meron syang nililista na hindi ko maintindihan.

Hindi rin sya.

Basta hindi sya! Matakaw din yan, kung sa kanya galing yan, kahon nalang ang makakarating sakin!

Sinunod ko naman si Mayo. May pagkakataon na lilingon sya kay Kit pero mabilis ding haharap sa kausap na si Josh.

Mukang hindi rin sya. Si Kit ang focus nyan.

Ang kausap naman nya ang pinuntirya ko. Kaso mukang hindi rin sya. Kasi kung sya yun, bibigyan muna nya yung alaga nyang pusa bago ako.

Tsk! Tsk! Tsk!

Sa kanang gawi naman sana ako titingin pero napatigil ako ng makita ko si Ci-N. Nakabukas na kasi yung box at nasa kamay na nya yung isang donat at meron pa syang subo-subo.

"Aba! Nalingat lang ako sandali!"

"Ma....rap." sabi nya habang punong-puno ang bibig.

Nangunot ang noo ko. "Anu?!"

Tanging pag-nguya nalang ang naisagot nya sakin. Hindi pa sya nakontento. Kumuha pa sya ng isa bago umupo sa pwesto nya.

Naupo na rin ako habang nagkakamot ng batok. Basta pagkain nga naman ang usapan. Haizt!

Pasimple kong sinilip yung donat. Mukang masarap naman talaga. Iba-iba flavor at mukang galing sa mamahaling bilihan ng donat.

Tig-11 pesos lang kasi ang kaya ko.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon