Past
Jay-jay's POV
Nung minsang mabusit ako kay Ci-N dahil sa katamaran at pagkakalat nya sa kwarto ko, ang nasa isip ko lang noon ay ang paalisin na sya.
Tahimik ako sa kwarto ko nung panahong wala sya. Hindi ko kailangang maglinis araw-araw o gabi-gabi.
Pero nayanig ang mundo ko pagdating nya. Maya't maya ang pagkain ng chutchirya, ice cream, juice or soda, candy at cake. Palagi din ako'ng nakatambay sa Mini Mart para bumili ng midnight snack para sa kanya.
Ako ang naglalaba ng damit nya, dahil hindi sya marunong at ayaw nya'ng ipalaba sa maid nila Tita Gema----marami daw germs ang kamay nila.
Palagi din ako'ng puyat kakapanood ng movie sa laptop nya. Madalas din ako'ng kagalitan dahil sa kalokohan nya na ako ang sinisi. Mas madalas pa sya'ng asikasuhin nila Tita Gema at Kuya Angelo kesa sakin.
At higit sa lahat madalas din kami'ng magtalo ni Aries dahil sa kanya.
Magulo? Oo! Pero sobrang saya...
Bagsak ang balikat ko habang pinapanood sya sa pag-aayos ng gamit nya. Ayoko'ng tumulong para matagalan sya.
Para mas matagal pa sya dito.
May pagkakataon na gusto ko sya'ng paalisin pero ngayong aalis na talaga sya----Ayoko! Ayoko sya'ng umalis.
"Tulungan mo kaya ako." Sabi nya sakin.
Napabuntong hininga ako at lumapit sa kanya. Pero sa halip na tulungan sya'ng ilagay ang gamit sa maleta pabaliktad ang ginagawa ko.
Nilalabas ko yung mga nilalagay nya.
"Hoy! Matatapos tayo nyan. Tuloy mo yan!" Inis na sabi sakin at inagaw yung mga damit na hawak ko.
"Sa susunod na araw ka nalang umalis." Paki-usap ko.
"Ayaw nga ni Mama... Nakakahiya na daw." Naupo sya sa tabi ko. "...Kung ayaw mong mahiwalay sakin, mag-apply ka ng katulong ko."
Tinignan ko sya ng masama. Baliw talaga! Bakit ako mangangatulong sa kanya?!
"...Okay na rin to para hindi na magselos si Keifer at Aries." Dagdag nya.
Huh?!
"Keifer at Aries?" Taka kong tanung sa kanya.
Si Keifer gets ko. Seloso naman talaga yun, ultimo candy sa bibig ko pagseselosan. Pero si Aries? Parang imposible.
"Panu mo naman nasabi na nagseselos si Aries?"
"Sa mata nya. Inggit na inggit sya satin kapag nagkakasiyahan tayo." Mabilis nya'ng sagot sakin.
Malabo!
Malabo pa sa tubig baha. Baka na-iingit kasi na kay Ci-N lahat ng atensyon ng tao dito sa bahay.
Bumalik sya sa pag-aayos ng gamit. Kahit labag sa loob ko, napilitan ako'ng tulungan sya. Habang tinutupi ang mga damit meron ako'ng napansin.
"Akin to ah!" Sabi ko habang pinagmamasdan ang tshirt sa kamay ko.
Tinignan ko si Ci na natatawa sakin. "Akin nalang."
Napangiwi ako pero binigay na rin sa kanya. Naayos na namin ang mga gamit nya at namangha ako. Naisiksik namin sa napaka-laking maleta nya ang mga gamit nya.
Sa dami kasi ng dala nya'ng damit plus laruan at nga anik-anik mukang hindi kakasya yun sa maleta nya. Pero napagkasya namin.
May kumatok sa pinto at bumukas yun. Si Kuya Angelo na nakatingin agad sa maleta ni Ci.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
General Fiction**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they really think she is. **Section E They are more than friends and classmate for her. She always help t...