Chapter 3: Campus Prince's??

14.3K 416 29
                                        

Aya's POV

*Kkkrrriiinnnggg*

Pinatay ko na yung alarm clock ko nang marinig ko itong tumunog at bumangon na para maligo. Matapos maligo ay nagbihis na ako ng uniform namin na white polo with red ribbon then red and black checkered skirt. Pinatungan yun ng black coat at tinernuhan ng white socks ang black shoes.

Matapos mag ayos ay pumunta ako sa kusina at ginawang sinangag yung natirang kanin kagabi saka nagprito na rin ako ng itlog at bacon then kumain na ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Matapos mag ayos ay pumunta ako sa kusina at ginawang sinangag yung natirang kanin kagabi saka nagprito na rin ako ng itlog at bacon then kumain na ako. Umalis na rin ako pagkatapos kumain at habang naglalakad papasok ay nagpapatugtog ako.

Nang makarating sa school at naglalakad sa hallway ay rinig ko na naman na nagbubulungan sila pero pansin ko na hindi ito tungkol sa akin. Hindi ko nalang masyadong inusisa pa at dumiretso papuntang classroom.

"Aaayyyaaa!!!!!" bungad na sigaw agad ni Hails pagkakita niya sa akin at sinalubong pa ako ng yakap.

Nginitian ko lang siya at hinila niya na ako paupo sa pwesto namin.

"Alam mo ba ang kumakalat na balita ngayon?" excited na tanong niya.

"Ano naman yun?" paguusisa ko.

"Bumalik na daw ang Campus Princes!" masayang balita niya.

"Campus Princes?" tanong ko pabalik.

"Oo, hindi mo ba sila kilala??" pang uusisa niya.

"Hindi," mabilis kong sagot.

"What?!!?" malakas na sabi niya na siyang dahilan kaya napatingin yung iba naming kaklase pero hindi niya pinansin dahil nasa akin ang atensyon niya.

"Hindi naman kasi ako nakikichismis kaya hindi ko sila kilala, alam mo na, nerd laging laman ng library," paliwanag ko.

Napabuntong hininga naman siya at magsasalita na sana ng biglang dumating si Ma'am.

"Mamaya ko nalang ikukwento sayo," sabi niya. Tumango lang ako at nakinig na.


*****

Kalagitnaan ng klase ng pabalyang bumukas ang pinto at pumasok ang anim na kalalakihan na siyang naging dahilan para mag tilian ang mga kababaihan.

Ito namang katabi ko ay napatulala kaya niyugyog ko siya at boom! Bumalik na siya sa kasalukuyan.

"A-ang Campus P-prince's," utal utal niyang sabi at sumabay sa tilian ng mga kababaihan dito tanging ako nalang ata ang hindi kasama sa kanila.

"Shhh! Class quiet!" sigaw ng teacher namin na nagpatahimik naman sakanila.

"Ok, class. Today, may transferees tayo, okay boys please introduce yourself." Sabi ni Ma'am.

"Josh Takashi here," sabi naman nung mukhang mahilig mang asar sabay kindat pa.

"Bruce Scott," sabi nung laging nakangiti.

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon