Aya's POV
Maaga akong pumasok ngayon kahit na vacant namin sa first subject
Dahil wala naman akong gagawin sa room ay napagpasyahan kong pumunta nalang sa tamabayan pero nasa garden palang ako ay nakita ko na si Zach na mukhang papunta ring tambayan
"Zach" tawag ko rito
Napalingon naman ito at lumapit sakin
"May sasabihin ako sayo, tara" sabi niya sabay hila sakin hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Dinala niya ako sa sulok sa tabi ng glass wall
Umalis muna siya para bumili ng inumin. Pagbalik niya ay nilapag niya yung binili niya at umupo sa harap ko. Pinapanood ko lang siya dahil parang kinakabahan siya
"Aya" panimula niya "Ano kasi... dumating na yung... parent ko at nalaman nilang may girlfriend na ako kaya gusto nilang... makilala ka. Gusto ka nilang makasabay kumain mamayang... dinner" sabi niya na nagpakaba sakin
Kinakabahan ako dahil doon. Paano kung hindi ako magustuhan ng parents niya? Paano na kami? Eto ba yung dahilan kung bakit ganon yung itsura niya kahapon? Dahil ba baka hindi ako magustuhan ng parents niya? Saka bakit naman mamaya agad?
Andaming tanong ang namumuo sa isip ko na lalong nagpakaba sakin. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko at dahil sa sobrang pagiisip ay nakalimutan kong nasa harap ko pala siya
"Aya, wag kang kabahan, okay? Akong bahala sayo kaya wag mo ng masyadong alalahanin yun kaya tara na baka hinihintay na nila tayo sa tambayan" pagpapagaan niya pero lalong bumigat yung pakiramdaman ko
Magkahawak kamay kaming naglakad papuntang tambayan
Nung naramdaman kong kinakabahan din siya ay parang nawalan na talaga ako ng lakas ng loob pero hindi yun pwede kaya dapat tatagan ko yung loob ko
Nakita kong kumpleto na sila pagdating namin doon at seryoso silang lahat pati si Hails pero nung nakita nila ako ay nawala iyon. Mukhang alam na rin nila pero hindi nila pinahahalata sakin para hindi ako kabahan
Anong bang meron sa parents niya at ganun yung reaksyon nila? Lalo tuloy akong kinabahan dahil doon pero hindi ko pinahalata at ngumiti nalang
Nagkwentuhan nalang kami at iniwasan nila ang tungkol sa parents ni Zach kaya medyo nawala ng konti yung kaba ko
Nang malapit ng magtime ay napagpasyahan naming bumalik na sa room. Pagdating namin doon ay siya ring dating ng teacher namin kaya nagumpisa na yung klase
Tahimik lang ako. Kalahati ng utak ko ay nakikinig sa teacher samantalang yung kalahati at iniisip pa rin ang maaaring mangyari mamaya
Hindi nagtagal ay natapos din yung klase sa sobrang kaba at pag iisip ko ay di ko namalayan yung oras at salamat na rin dahil hindi ako napansin ng mga teacher namin kundi siguradong lagot ako
Sabay kaming umuwi ni Hails. Susunduin nalang daw ako ni Zach mamaya bago mag7 pm
Pag uwi ay tinawagan ko si Manager Anne na hindi ako makakapasok dahil sa imemeet ko yung parents ni Zach at naintindihan niya naman ako at sinabihan ng goodluckNaghanap na ako ng susuotin ko para hindi ako mamoblema mamaya. Pinili ko nalang yung white dress at white na doll shoes
Naligo muna ako at nag ayos na 6:30 na kasi nakakainis nga dahil ang bilis ng oras. Nagpulbos at lipgloss lang ako para kahit papaano ay presentable ako
Maya maya ay may narinig akong kumakatok kaya kinuha ko na yung sling bag ko at lumabas
Nakita ko si Zach sa labas kaya umalis na kami. Habang nasa biyahe ay kinakabahan ako at alam kong naramdaman niya yun kaya kinuha niya yung kamay ko at hinalikan
"Magiging okay lang tayo don't worry" sabi niya habang nakangiti kaya kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko
Huminto kami sa isang bahay or more like mansion. Pumasok kami sa loob at sumalubong samin ang mga nakahilerang maids and butlers
Dinala naman kami ng isang maid sa may dining at nakita ko doon ang parents niya kasama ang kapatid niya
Pinaghila niya ako ng upuan at tumabi siya sakin. Katapat ko si Zam samatalang katapat naman ni Zach yung mommy niya na katabi yung father niya sa right
Nakangiti sakin ang kapatid at mommy niya kaya nakakasiguro akong mabait siya pero ng tingnan ko yung daddy niya ay seryoso ang itsura niya
"Good evening po" bati ko at bahadyang ngumiti
"Good evening, hija. So ikaw pala ang girlfriend ni Zach, what a beautiful lady" sabi niya habang nakangiti kaya sinuklian ko siya ng ngiti sabay pasalamat
"Let's eat" may awtoridad na sabi nung daddy niya
Tahimik lang kaming kumakain at tunog lang ng kubyertos ang maririnig
"So hija, what is the business of your family" biglang sabi nung mommy niya kaya kinabahan ako
"Uhm actually po is patay na ang parents ko kaya mag isa nalang po ako" sabi ko
"Oh so pano mo binubuhay ang sarili mo?" tanong niya pa
"Nagpapart time po ako sa isang restaurant" sagot ko
"How about your study? Paano ka nakapag aral sa ganyang paaralan kung mag isa ka lang at part timer?" pag uusisa niya
"Uhm scholar po ako at kasalukuyang running for valedictorian" sagot ko
"Oh so your a smart lady. I like you" nakangiting pahayag niya kaya napangiti ako
Napatingin naman ako sa daddy niya na seryosong kumakain pero alam kong nakikinig siya
Hindi ko tuloy alam kung gusto niya ba ako para sa anak niya o ano
Matapos kumain ay inaya ako ng mommy niya sa garden
"Pasensya ka na sa asawa ko, ha? Ganyan talaga yan" sabi niya agad pagkaupo namin
"Uhm gusto niya po ba ako para sa anak niyo?" tanong ko
Medyo nahihiya pa ako sakanya pero magaan ang loob ko sakanya dahil na rin siguro sa pagkamiss kay Mama
"Ako gusto kita para sa anak ko pero yung asawa ko hindi ko alam dahil mapili iyon pero sana ay tanggapin ka niya" sabi niya habang nakangiti
Matapos namin mag usap ay nagpaalam na din ako. Hinatid naman ako ni Zach pauwi sa bahay
Humiga agad ako sa kama pagkadating. Hayy kahit na tapos na yung pagharap sa parents niya ay kinakabahan pa rin ako dahil hindi ko alam kung gusto ba niya ako para sa anak niya
*****
Thanks for reading!!!
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...