Aya's POV
"Oh ito kumain na kayo" sabi ni Nate sabay lagay ng mangkok ng cookies at brownies sa maliit na mesa sa harap namin
Kasunod niya si Hails na naupo sa sofa katabi ko. Kumuha naman ako ng brownies at kumain
"Maaga ang uwian mamaya diba? Gala naman tayo. Nakakatamad sa bahay eh" angal ni Josh habang kumakain ng cookies
"Oo nga! Matagal tagal na simula nung huling bonding natin" pagsang-ayon naman ni Bruce
"Lagi nalang kayong dalawa ni Aya ang naggagala" dagdag ni Bryan
"Edi maggala tayo mamaya" sabi ni Hails
"Sige" pagsang-ayon ko
Tumango naman sila Nate, Zach at Kuya
"Okay its settled! Magagala tayo mamaya" sabi ni Hails
Pagkatapos naming kumain at mag-usap ay napagdisisyunan naming bumalik na sa room
~*~
Mabilis natapos ang klase at kami nalang ang naiwan sa classroom. Mabilis kong tinapos ang pagliligpit ko ng gamit bago humarap sakanila
"Tara na" pag-aaya ko
"Sige" pagsang-ayon nila kaya lumabas na kami at pumunta sa parking lot
Iilan nalang ang mga estudyante sa hallway dahil medyo nagtagal kami sa room
Sumakay ako sa kotse ni Zach habang si Hails naman kay Nate yung kotse naman ni Hails ay babalikan nalang bukas. Susunduin nalang daw siya bukas ni Nate
Nang makarating sa mall ay pumasok na kami. Hinintay namin yung iba sa may bench sa loob
"Saan tayo?" tanong ni Josh ng makumpleto na kami
"Mag shopping muna tayo" sabi ni Hails at hinila ako sa tabi niya
"Hindi maglalaro tayo" angal naman ni Josh na sinagayunan ng kambal
"Shopping"
"Maglalaro"
Patuloy lang ang magpinsan sa pagdedebate hanggang sa pumagitna sakanila si Nate
"Tumigil na nga kayo" pag-aawat niya
"Oo nga tingnan niyo nga pinagtutinginan na tayo" dagdag ko pa sabay tingin sa paligid
Yung iba kasing napapadaan at malapit sa amin at napapatingin sa pwesto namin dahil sa pagtatalo ng dalawa. Hindi ko tuloy maiwasang mapayuko at umiwas ng tingin sakanila dahil sa hiya
"Okay edi maghiwalay nalang tayo. Maglaro kayong boys habang magshoshopping kaming dalawa" sabi ni Hails at hindi na hinintay ang desisyon ng mga lalaki dahil mabilis niya akong hinila palayo sakanila
Narinig ko pa ang tawag nila pero malayo na kami
"Ano ka ba Hails! Kaya nga bonding natin eh para sama sama tayong lahat eh bakit humiwalay tayo?" tanong ko sakanya
"Shhh may nakita kasi akong mga gwapo kanina kaya gusto kong sundan eh kung kasama natin sila mahihirapan tayong sundan yung mga gwapo" sabi niya
Napaamang naman ako sakanya habang hindi makapaniwalang nakatingin sakanya
"Seriously? May boyfriend ka na pero naghahanap ka pa rin ng gwapo? Hindi ka pa rin nagbabago" sabi ko sakanya at hinayaan siyang hilahin ako
"Siyempre naman. Ayun! Ayun sila!" nagulat nalang ako ng bigla kaming nagtago
Nakita ko naman yung tinuturo niya. Limang lalaki yun at hindi nga ipagkakaila na mga gwapo sila pero parang masama ang kutob ko sakanila
Nang naglakad na sila at pasimple kaming sumunod ni Hails kahit na nagaalinglangan ako ay hindi ko rin nagawang pumalag dahil sa paghila sakin ni Hails
"Hails wag na kaya nating ituloy to? Masama pakiramdam ko eh parang hindi mababait yang mga yan. Mukha silang grupo ng mga playboy" sabi ko at pilit siyang pinigilan sa paglalakad
"Ano ka ba. Susundan lang naman natin sila at hindi lalapitan. Oh! Nawala na sila" sabi niya at lumingon lingon sa paligid
Nakita ko naman na walang mga tao sa parteng ito ng mall. Mukhang naligaw narin kami at hindi napansin iyon dahil sa nasa mga sinusundan namin yung pokus namin
"Hails tara na! Hindi na maganda ang kutob ko" sabi ko sakanya at hinila siya
Hindi naman siya nagpumiglas kaya hindi ako nahirapan pero nagulat kami ng pagtalikod namin ay nasa harap na namin yung mga lalaking sinusundan namin
At hindi maganda ang pakiramdam ko sakanila lalo na sa tinging ibinibigay nila. Parang hinuhubaran na nila kami sa tinging iyon
Napahigpit ang kapit namibg dalawa ni Hails sa isa't isa
"Hi girls kami ba ang hinahanap niyo?" tanong nung kulay brown ang buhok at bilugan ang mata
"Pansin ko na kanina niyo pa kami sinusundan" sabi nung may itim na buhok at bilugang mata
"Baka gusto niyong makipaglaro muna samin?" sabi nung red hair
"Tama si Raven. Siguradong paliligayahin namin kayong dalawa" sabi naman nung black ang buhok at siya ang pinakamaliit sa kanilang lima
"Guys ano ba kayo. Tinatakot niyo sila" sabi nung nasa gitna kulay itim ang buhok ang mata niya at singkit
Kinabahan ako ng unti unti silang lumapit samin kaya napaatras kaming dalawa ni Hails
Pero ng malapit na sila ay may nagsalita sa likuran nila
"Hindi naman ata tama ang ginagawa niyo" dinig kong sabi nun at base sa boses ay babae iyon
Hindi ko sila makita dahil sa mga lalaki sa harap namin. Humarap yung mga lalaki sa kanila kaya nakita namin na lima sila at puro babae
"Uy! Gusto din atang nilang makipaglaro" sabi nung red hair na Raven ata ang pangalan
"Don't worry girls pagkatapos nila kayo naman" sabi nung maliit
"Hoy pandak! Tumahimik ka" sigaw nung babaeng mukhang palaban
"Anong sinabi mo? Ako pandak? Hoy babae ang kapal ng mukha mo!" sigaw niya sa babae pero hindi naman sila natinag
"Ang mga babae nirrerespeto at hindi binabastos" sabi nung nasa gitna
"Huwag kayong makielam dito" sabi nung nasa gitna at susuntukin sana yung babae pero mabilis niyang nasipa yung gitna nung lalaki pagkalapit non
Napaluhod yung lalaki kaya nagsisugudan na din yung iba. Pinagtulungan sila ng mga babae kaya tumulong din kami ni Hails
Pagkatapos ay tumakbo kami palayo sakanila hanggang sa makita namin sila Zach
"Oh saan kayo galing? Kanina pa namin kayo hinahanap" nag-aalalang tanong ni Zach
"Saka sino sila?" tanong naman ni Kuya sabay tingin sa may limang babae na tumulong samin na kapareho namin na hinihingal
"Ah? Ano nga palang pangalan niyo?" tanong ni Hails kaya nabatukan siya ni Josh
"Kasama niyo pero hindi niyo kilala?" sermon niya
"Eh tinulungan lang naman nila kami pagkatapos ay tumakbo kaya hindi ko alam pangalan nila" paliwanag niya
"Tinulungan? Saan?" tanong ni Kuya kaya natigilan kaming dalawa
Napansin yun ng limang babae kaya nagsalita sila
"Nadine Louise Yu nga pala" pagpapakilala niya
"Amanda Faulkerson here" medyo maarteng sabi nung isa pero mukhang mabait naman
"Suzy Chan" sabi nung mukhang mahiyain
"Natalie Yoon" yung palaban
"Piper Ferrer" sabi nung may salamin
"And we are from Diamond University"
******
Thanks for reading!!!
Okay iyan! Sila po yung character ng isang story ko. Inaayos ko pa po at inihahanda sa nalalapit na pagpublish. Hintayin niyo nalang po dahil medyo hindi pa maayos basta bago po matapos ang story na ito ay naipublish ko na. Hope you will support it! Thanks!!
Dedicated to @knthDeathIsWithYou. Thank you sa paggawa ng bagong cover
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...