Chapter 4: Tambayan

11.8K 448 31
                                    

Aya's POV

Andito ako ngayon sa garden. Sa ilalim ng puno na madalas naming tinatambayan ni Hails.

Kung tinatanong niyo kung nasaan siya well nasa business trip na naman. Hays, ganyan talaga dahil nag iisa siyang pwedeng mamahala sa kompanya nila at saka sanay na rin naman ako.

Tahimik akong nagbabasa ng libro hanggang sa may narinig akong boses ng pusa sa tabi ko. Hindi ko alam pero parang matagal ko ng kilala ang pusang ito.

Nang akmang kukunin ko na siya ay bigla itong tumakbo kaya sinundan ko. Hanggang sa hindi ko napansin ay nasa tapat na pala ako ng isang bahay.

"Kailan pa nagkaroon ng bahay dito?" takang bulong ko sa sarili.

Kinuha ko na yung pusa at nagulat ako ng biglang may dumungaw sa bintana kaya napasigaw ako at napaupo sa gulat.

"Waaaaaahhhhh!"

Kandong kandong ko pa rin yung pusa hanggang sa lumabas yung nanggulat sa akin, may kasama siyang kambal, sila yung mga kaklase namin na Campus Princes daw.

"Anong ginagawa mo dito Miss Nerd?" takang tanong nung isa sa kambal, si Bryan ata o si Bruce at pansin ko na mas nagulat sila ng makita nila yung hawak hawak kong pusa.

"Sinusundan mo ba kami kaya ka nandito?" tanong naman ni Josh.

"H-hindi si-sinundan ko lang yung p-pusa hanggang sa napunta kami rito hindi ko nga alam na may bahay pala dito," sagot ko.

"Ganun ba?" sabi naman nung Josh habang may mapang-asar na ngisi.

"Oo at saka wala rin naman akong balak na magtagal dito itong pusa lang naman talaga ang sadya ko." Depensa ko pa sabay tingin sa hawak kong pusa.

"Bakit sa iyo ba iyan, Miss Nerd?" tanong nung Josh at tiningnan din ang hawak kong pusa.

"H-hindi," sagot ko at umiwas ng tingin sa kanila.

"Bakit nasa iyo?" tanong nung isa sa kambal.

"N-nakita ko nga lang diyan bakit ba ang kulit niyo?" medyo naiinis kong sabi.

Mga nagtatanong kasi ayaw naman maniwala. Mukha ba akong nagsisinungaling?

"Okay, okay, masyado ka ng hot," sabi naman ni Josh kaya puno ng pagtataka ko siyang tiningnan.

Hot? Ako? Sa itsura ko na ito na isang Nerd?

"Tara nga muna, pasok ka."

"Bakit pa?"

"Kasi nasa loob ang may ari ng pusa na iyan."

"Kung nasa loob, eh, bakit hindi nalang ikaw ang magbigay?" takang tanong ko at hinaplos ko pa ang balahibo ng pusa.

"Nangangalmot kasi ang pusang iyan kapag hinawakan siya ng hindi niya gusto kaya nga nagtaka kami kung bakit nahahawakan mo iyang pusang iyan. Kahit kaya kami ay hindi mahawak hawakan yang pusang yan. Kaya ipasok mo nalang siya sa loob," paliwanag niya bago naunang pumasok sunod sa kambal.

Sunod na rin akong pumasok sa loob katulad ng sabi niya. Nakita ko si Bryan at Bruce na nagbi-billiard habang napansin ko naman si Ashton na nagbabasa sa isang tabi. Napansin ko rin na wala si Zachary at Nathan.

"Dun mo dalin kay Ash siya ang may ari ng pusang iyan," sabi ni Josh at itinuro ang pwesto ni Ashton kaya pinuntahan ko na.

Nang makalapit ako ay bahagya akong yumuko habang hinahaplos ang balahibo nitong pusa bago nagsalita.

"Uhm. Ito pala yung pusa mo nakita ko lang siya sa labas. Tas sabi nila sayo daw ito kaya isinasauli ko na sa iyo." Medyo nahihiya kong sabi at bahagyang inabot sakanya yung pusa.

Ibinaba niya naman ang hawak niyang libro at tiningan ako sabay tingin sa pusang bitbit ko.

"Ah. Thanks!" sabi niya at bahagyang ngumiti sabay kuha ng pusa sa akin.

"Walang anuman," nasabi ko nalang at ngumiti rin then nakita kong lumabas mula sa kitchen si Nathan habang naka apron. Kaya pala wala siya kasi nasa kitchen.

"Oh! May bisita pala tayo," sabi niya ng makita ako. "Gusto mo bang dito na kumain?" dagdag pa nito. Nanlaki naman ang mata ko at bahagyang umiling iling. 

"Hindi na nakakahiya naman saka may baon din ako," nakangiti kong sagot.

"Oo nga, wag mong pilitin kung ayaw," sabi ng isang boses galing sa likuran ko.

Paglingon ko ay nakita ko si Zachary na kakapasok palang at nagdire-diretso paupo sa sofa.

"Ah. Alis na ako may pupuntahan pa kasi ako eh," paalam ko kahit wala naman.

Hindi ko na hinintay ang sagot nila at dali-daling umalis. Tinungo ko ang library at pumunta sa favorite spot ko kung saan walang masyadong pumupunta at nilabas ang sandwich na baon ko para sa tanghalian.

Sandwich lang ang lunch ko kasi hindi kakasya ang pera ko kahit na sabihin nating kakasahod ko lang kailangan ko ring magtipid dahil sa dami ng mga gastusin ko.

Pero hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung paano ako nagustuhan nung pusa na yun at yung feeling na matagal na kaming magkakilala.

Kasama kaya siya sa mga nawalang ala-ala ko?

Zachary's POV

"Bakit nandito yung Nerd na iyon?" tanong ko ng umalis yung Nerd.

"Ah, ibinalik niya lang yung pusa ni Ash." Sagot naman ni Bryan habang naglalaro pa rin sila ng kakambal niya ng billiard.

"Ha? Eh paano niya naman nahawakan ang pusang iyan eh kahit tayo nga hindi magawang makalapit diyan eh maliban kay Ash."Takang tanong ko pa sabay tingin pa sa pusang hawak ni Ash.

"Iyon nga rin ang ipinagtataka namin eh," sagot ni Josh at tumingin din sa pusa.

"Eh paano naman siya napunta dito eh diba tago to at tayo lang ang may alam?" dagdag kong tanong.

Pinili naming itago ang bahay na ito para magkaroon kami ng lugar na 'di alam ng ibang estudyante. Kailangan din namin ng kapayapaan, noh.

"Sabi niya nung makita niya daw yung pusa eh sinundan lang niya yun hanggang sa makarating siya dito. Nagulat nga ako ng makita ko siya sa tapat ng bintana eh," paliwanag pa ni Josh.

Namayani sa amin ang katahimikan at natigil sa kanya kanyang mga ginagawa. Habang si Ash ay tuloy pa rin sa pagbabasa habang hinahaplos ang balahibo ng alaga niyang pusa pero sanay na kami dahil wala talaga siyang pake sa paligid niya.

Nakakapagtaka nga kung paano niya nagawang paamuhin ang pusang kanino man ay hindi lumalapit.

"Huwag niyo ng masyadong isipin yun at kumain muna tayo," pagbasag  ni Nate sa katahimikan.

Tumayo na kami at dumiretso sa kusina kung saan nakahanda ang aming tanghalian.

Gutom na ako.

Sa aming anim kasi si Nate at Ash lang ang marunong magluto pero madalas ay si Nate ang nagluluto kasi mas gusto pa ni Ash na magbasa at laruin ang pusa niya kaysa magluto.

Tss.

Ashton's POV

Tapos na kaming kumain at nandito ako sa library habang pasimpleng tinatanaw siya.

Simula ng makita ko siya ay alam kong siya na iyon pero hindi ko ipinahalata at baka malaman nila at masayang ang sakripisyo ng mga namatay. Ipapaalam ko nalang ito kay Lolo para hindi na siya mapagod kakahanap sakanya.

Okay na sa akin na bantayan siya kahit na sa malayo lang basta napanatili lang siyang ligtas.

Malalaman mo rin ang lahat ng katotohanan at makakasama ka rin naming muli.

Konting hintay pa.


******

Thank you for reading!

Hope you liked it! Please leave a vote and comment your thoughts!(~ ̄³ ̄)~

-💜

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon