Chapter 30: Fiancée

9.2K 360 17
                                    

Zach's POV

Nag aalala na ako kay Aya dahil hindi naman niya gawain na umalis ng walang paalam. Saan naman pupunta yun?

Pagkadismiss ay dali dali akong umalis at pumunta sa apartment niya. Aakyat palang ako ay pinigilan na ako ng may ari ng apartment

"Wala siya diyan hijo. Hindi pa siya umuuwi" pagpigil niya sakin
"Titingnan ko lang po" sabi ko pero hinawakan niya yung braso ko at pinigilan ako pero wala siyang nagawa

Nang makapunta sa tapat ng tinutuluyan niya ay dali dali kong binukasan tutal may susi naman ako

Hinanap ko siya sa buong bahay pero wala. Nasaan ka ba? Napaupo nalang ako sa kama niya at napahilamos

Lumabas na ako at pumunta sa restaurant. Pagdating ko doon ay sarado. Saan pa ba siya pwedeng pumunta?

Aya, nasan ka na?

                          ~#~

Aya's POV

Mama, Papa kung nasan man kayo ay alam kong masaya na kayo. Sana po gabayan niyo ako sa mga pagsubok na kinakaharap ko ngayon pero Ma bakit may mga ganung tao? Iniisip lang nila yung ikalalago ng pera nila at hindi yung kaligayahan ng anak nila? Bakit ganun sila Ma, Pa?

Sabi ko sa harap ng puntod nila. Actually hindi nila ito totoong puntod dahil nasa Japan yung totoong puntod nila. Gumawa lang ako ng dalawang maliit na parang burol at nilagyan ko ng krus para kahit papaano ay may lugar akong pupuntahan para makausap sila

Magandang lugar din naman to kahit nasa loob ng maliit na gubat at may katabi pa na maliit na batis. Wala namang mababangis na hayop dito saka kilala ko yung nagroronda dito

Nasa likod lang to ng park na lagi kong pinupuntahan. Isang araw kasi ay nacurious ako sa loob nito kaya tinry kong tingnan at nung makakita ako ng perfect place ay naisipan kong dito ilagay yung puntod nila at pinayagan naman ako nung nagroronda tutal naman daw ay walang mababangis na hayop dito

Dito nalang ako matutulog katulad ng madalas kong gawin kapag malungkot ako. Naglatag ako ng sapin sa harap ng puntod saka humiga doon. Madilim na rin kasi

Gumawa din ako ng bonfire para mainitan ako dahil lumalamig na. Mabuti nalang at nakabili ako kanina ng mga tinapay kaya may makakain ako

                         ~*~

Maaga akong nagising kinabukasan dahil papasok pa ako. Nagpaalam ako kala Mama at Papa at nagligpit na saka umalis

Paakyat palang ako ng bigla akong hinarang nung may ari ng apartment

"Alam mo bang pumunta dito yung boyfriend mo kahapon at nagpupumilit pumasok? Akala ko nasa loob ka kaya kinabahan ako pero mabilis din siyang umalis kaya umakyat ako pero wala ka. San ka ba pumunta? Pinag aalala mo yung boyfriend mo" sabi niya at umalis na

Pumunta siya dito kahapon? Bakit nga ba kasi hindi manlang ako nagsabi sakanya kahapon? Tsk anong klaseng girlfriend ka ba?

Naligo na ako at nag ayos para makapasok na agad. Hayy kailangan kong maghanda pagpasok ko dahil siguradong tatadtarin nila ako ng tanong

Tahimik lang akong naglalakad papunta sa school. Malapit lang naman at para ma exercise ako

Iilan palang ang tao, malamang ang aga pa eh 6 palang ata eh 8 pa ang umpisa ng klase. Dumiretso agad ako sa room ngunit pagpunta ko doon ay nagulat ako ng makitang kompleto sila. Actually kaming walo lang ang nandito

Pagpasok ko ay dinamba agad ako ng yakap ni Hails

"Hoy babaita san ka ba nanggaling ha? Alam mo bang sobrang nag aalala ako? Ha?" sabi niya at narinig ko pa siyang humikbi

Napangiti naman ako at alam ko na siya yung pinakanag alala dahil parang kapatid na ang turing namin sa isa't isa

"Pasensya na kung pinag alala ko kayo. Kung tatanungin niyo naman kung nasan ako at hindi niyo ako mahanap ay nasa puntod lang ako ng parents ko saka safe naman ako oh" sabi ko habang nakangiti

"Wag ka na nga aalis ng hindi nagpapaalam ha?" sermon ni Josh na sinagayunan ng kambal habang nakangiting nanonood yung dalawa

Lumapit si Zach sakin at niyakap ako

"Tsk wag mo ng uulitin yun"

Umupo na kami at nagsidatingan na rin yung mga kaklase namin. Hindi din nagtagal ay nag umpisa na ang klase

                           ~*~

Lunch ngayon at kasalukuyan kaming kumakain sa cafeteria. Masaya kaming nagkwekwentuhan pero natigil kami ng biglang lumapit ang grupo nila Beatrice. Antagal din na hindi niya ako pinapansin at binubully

Nakataas ang kilay nito at nakapamewang saka ito biglang humarap sa mga estudyante na nakatingin ngayon samin

"Everyone. I have an announcement to tell" sigaw niya at tumingin sakin sabay ngisi "Zach and I are… engaged" parang tumigil ang mundo ko pagkarinig ko nun samantalang napatayo si Zach

"What the hell are you saying?" galit na sabi ni Zach

"What? I am telling the truth. Yesterday, My father, me and your dad pinag usapan namin kahapon ang tungkol sa pagiging magfiancee natin. You being the heir of your company and me being the heirres of our company. Now, you are MINE" sabay tingin sakin ng masama

"But I have a girlfriend" tutol na sabi ni Zach

"But your dad refuse na maging girlfriend mo siya at ako ang pinili niya. So…" tumingin siya sakin "You are no longer his girlfriend" sabay ngisi

Napaluha nalang ako. Ito ba yung sinasabi nung tatay niya kahapon? Dahil ayaw niya sakin ay maghahanap siya ng ibang kapalit ko para sa anak niya?

"I don't like you. Hindi si Dad ang magdedesisyon tungkol dito kaya hindi ikaw ang girlfriend ko and I don't even love you because I love Aya" matigas na sabi ni Zach. Gumuhit naman ang sakit sa mukha ni Beatrice

"No! The decision is final. Kahit na mahal mo ako o hindi ay magpapakasal tayo" desperadang sabi niya "Your dad and my dad are already planning for our engagement party. And this will happen whether you like it or not" humarap siya sa mga estudyante "All of you are invited, hintayin niyo nalang yung invitation. Even you" sabay tingin niya sakin habang nakangisi

Nakayakap na sakin si Hails habang patuloy pa rin akong umiiyak. Alam ko na ang mangyayari kay Zach kapag tinanggihan niya yung engagement dahil ito ang sinabi niya sakin. Kapag ako parin ang pinili niya ay itatakwil siya ito at iyon ang hindi ko kaya. Hindi ko kayang dahil sakin ay kaya siyang itakwil ng ama niya

*****

Thanks for reading!!!!

Palapit na tayo ng palapit sa revelation at pagwawakas

Salamat sa inyong lahat!!!! ^_^

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon