Chapter 10: Bonding with them

11K 430 29
                                    

A.N: Yehey!! Naka 10 chapters na din ako. Thanks everyone!!

Hope you like it!!!


******

Zach's POV

Hindi ko alam pero nung nakita kong kasama ni Ash si Aya ay nagagalit ako. Kay Ash ang saya saya niya pero kapag ako ang kasama niya laging nakabusangot. 

Hayy, ano ba naman itong iniisip ko.

Simula nang makilala ko yung babaeng iyon ay hindi na siya mawala wala sa isip ko. Kapag wala siya eh hinahanap hanap ko pero kapag nanadiyan eh gustong gusto kong inaasar.

Tsk.

Nandito ako ngayon sa tambayan dapat pupunta ako ng library para bwisetin si Aya kaso nakita kong busy siya kasama si Ash.


Aya's POV

Kasalukuyan kaming kumakain ni Hails ng lunch dito sa cafeteria. Dapat nga mag-li-library nalang ako kaso sabi niya i-li-libre niya daw ako kaya sumama nalang ako. Alam niyo na masamang tanggihan ang grasya, hihi.

Habang nagkukwentuhan kami ni Hails ay biglang may nagsiupuan sa tabi namin at idinikit ang dalawa pang lamesa  para mag dugtong dugtong.

"Paupo kami ha?" sabi ni Josh.

"Ano pa bang magagawa namin eh nakaupo na kayo," sagot naman ni Hails.

Nagsimula na kaming kumain habang nag-ku-kwentuhan, actually sila lang ang nag-ku-kwentuhan dahil nakikinig lang ako pati si Ash, Nate, at Zach.

"Dapat magbonding tayo kasi diba magkakaibigan na tayo?" sabi ni Josh.

"Magkakaibigan?" tanong ni Hails.

"Oo diba magkakaibigan na tayo kasi nag uusap tayo, nagkukwentuhan at sabay sabay na kumakain," paliwanag niya pa.

"Edi wow!" inis na sagot niya.

Magpinsan ba talaga ang dalawang ito??

"Oh, balik tayo sa bonding saan niyo gusto?"

"Bar!!" sagot ni Bryan.

"Yeah!" segunda ni Bruce.

"Amusement Park nalang," sabi ni Hails.

"Sige!" pagsang ayon ko.

"Yeah!" pagsang ayon nila Zach, Ash and Nate.

"What??!!" dismayadong sabi nila Bryan, Bruce at Josh.

"Majority wins." malawak ang ngiting sabi ni Hails.

Walang nagawa sila Josh dahil pumayag na si Zach at Ash.

"Kaso paano ako. Wala akong ipambabayad wala akong pera," sabi ko.

"Ililibre kita," sabay na sabi ni Zach at Ash.

"Ako na!" sabay na sabi ulit nila. Napatawa naman yung kambal at si Josh.

"Ganto nalang para walang away," pag aawat ni Nate. "Yung isa ang manlilibre ng entrance niya at yung isa sa pagkain," pagpapatuloy niya.

"Tama, tama," pagsang ayon ni Bruce. Naglabas naman ng barya si Bryan.

"Head or Tails?" - Bruce.

"Head," - Ash.

"Tails,"- Zach.

"Kung ano ang lumabas siya sa entrance," sabi ni Bruce sabay hagis ng barya at salo nito tapos tinakpan niya ng kamay niya.

Tinanggal niya ang kamay niya at lumabas ay Tails.

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon