Aya's POV
Tahimik lang akong nagbabasa dito sa library. Humiwalay ako sakanila kasi gusto kong magkapagisip. Kailangan kong magdesisyon agad dahil darating ulit mamaya yung tatay ni Zach
Pinagsawalang bahala ko muna yun dahil may test nga pala mamaya at isa rin yun sa dahilan kung bakit ako nandito. Magugulo kasi sila kaya mahirap mag concentrate
Nang malapit ng mag time ay bumalik na ako sa room. Nandoon na sila pagdating ko at nang makaupo ay siyang pasok ni Ma'am
Nagpatest agad siya na madali kong nasagutan. Sabi kasi ni Ma'am na once matapos mo agad yung test ay pwede ng lumabas, vacant naman kasi namin yung susunod. Kailangan ko ding lumabas kasi nagugutom ako. Naalala ko name buong lunch nga pala ako sa library at nakalimutan kong kumain
Pagkatapos magtest ay pinasa ko na yung papel saka nagpaalam kay Zach na nasa cafeteria lang ako at umalis na
Nag order ako ng spagetti, burger at juice saka umupo sa sulok katabi ng glass window kaya kita ko yung field
Tahimik lang akong kumakain. Bigla ko naman naalala na sarado nga pala ang restaurant ngayon dahil may pupuntahan si Manager Anne. Baka pumunta doon yung tatay ni Zach mamaya pero okay lang na wala silang maabutan doon dahil hindi ko pa alam ang isasagot ko
Habang nakatingin sa labas habang umiinom ng juice ay may nagsalita sa tabi ko
"Ms. Khan" pagtingin ko ay yung lalaki kahapon siya yung kasama ng tatay ni Zach. Kinabahan tuloy ako
"Gusto na raw po kayong makausap ni Mr. Davis. Sumunod po kayo sakin" sabi niya at hindi na hinintay ang sagot ko at naglakad na
Wala na tuloy akong nagawa kundi ang sumunod hanggang sa makarating kami sa parking lot. Pinapasok niya ako sa loob ng itim na kotse kung saan nandoon si Mr. Davis
"Good afternoon po" bati ko
"Gusto ko nang malaman ang sagot mo, hija at sana tama ang sagot mo" sabi niya at bahagyang tumaas ang sulok ng labi
Kinabahan na ako lalo. Sabi ko kanina matatakasan ko na siya pero mukhang nagkakamali ako dahil mas napaaga pero alam ko sa sarili ko na tama ang desisyon ko
Huminga muna ako ng malalim bago matapang na sinagot soya
"Hindi ko po lalayuan si Zach kahit na anong mangyari. Mahal ko po siya at ganun din siya sakin kaya alam kong ito ang tama. Hindi naman po tama na paglayuin niyo kami ng anak niyo dahil lang sa mahirap ako kumpara sainyo pero kahit na ganito lang ako ay may karapatan pa rin akong mahalin ang anak niyo dahil wala namang masama tungkol doon lalo na at mahal namin ang isa't isa. Pasensya na po pero kahit anong gawin niyo ay hindi ko iiwan si Zach kahit pa bigyan niyo pa ako ng limpak limpak na pera dahil hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ang pagmamahal namin para sa isa't isa. Sana po ay maunawaan niyo at wag niyo pong laging pahalagahan lang ang pera at kompanya niyo mas pahalagahan niyo po ang pagmamahal at pag unawa niyo sa mga anak niyo" mahaba kong sagot
Hooh! Grabe hindi ko akalaing magkakalakas loob akong sabihin yun sakanya
"Hindi ko sinasang ayunan ang sinabi mo at mas lalong wala kang karapatang sabihin sakin yan. Binigyan na kita ng pagkakataon para makapagisip, hija pero sinayang mo lang. Hindi ka karapat dapat para sa anak ko at mas lalong hindi ako papayag na isang katulad mo lang ang mapapangasawa ng tagapamana ko kaya sa ayaw at sa gusto mo hindi kita matatanggap at kung piliin ka rin ng anak ko ay itatakwil ko siya" matigas niyang sabi
Masakit. Masakit para sakin ang mga sinabi niya. Bakit hindi ba maaaring magmahal ang katulad ko? Masama bang magmahal? O sadyang mali lang ang minahal ko? Hindi, tama ang minahal ko marami lang ang hadlang. Pero hindi ko matanggap na ayaw niya sakin dahil sa estado ko. Paano na kami ni Zach kung wala ang suporta ng tatay niya? Kakayanin ba namin to?
Dahil sa dami ng iniisip ko ay hindi ko alan na nakababa na pala ako sa kotse at kasalukuyang naglalakad palabas ng school
Uuwi nalang ako at magpapahinga. Hindi ko kayang makita si Zach dahil baka hindi ko kayanin. Hindi ko kaya na dahil sakin ay itatakwil siya ng ama niya
Nilock ko ang buong bahay at sinabihan yung may ari ng apartment na nakatira sa baba na kung may tao na aakyat para hanapin ako ay sabihin niya na wala at hindi pa ako umuuwi
Hindi ko pa kayang humarap kahit na isa sakanila. Ikinulong ko ang sarili ko sa kwarto at doon nilabas lahat ng nararamdaman ko
~#~
Ash's POV
Nakita ko kanina si Aya na lumabas ng cafeteria kasama ang isang lalaki kaya sinundan ko siya hanggang sa sumakay siya sa isang kotse
Hanggang sa lumabas siya doon at naglakad na parang wala sa sarili kaya tinawagan ko yung isa sa katiwala ng pamilya namin para bantayan siya
Hindi pwedeng pabayaan ko siya dahil siya ang tagapagmana at lalong dahil kapatid ko siya o mas magandang sabihin na kakambal
Bumalik nalang ako sa cafeteria at naabutan ko sila na nagiingay sa cafeteria. Hindi naman literal na nag iingay sadyang sila lang ang tao dito dahil oras ng klase
Umupo nalang ako sa tabi nila kaya natuon ang atensyon nila sakin. Tsk
"Saan ka nanggaling? Diba nauna kang umalis samin?" tanong ni Josh
"Pake mo ba?" sabi ko sakanya at hindi na pinasin
"Parang nagtatanong lang eh high blood ka naman" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya ayun natahimik
"Pero nasan nga ba si Aya? Diba sabi mo nandito siya eh bakit wala? Kanina pa tayo dito kaya imposibleng nagCR lang siya" nag aalalang sabi ni Hails
Nakareceive naman ako ng text sa inutusan ko na nakauwi daw ng safe si Aya sa apartment niya
"Baka nasa library o garden?" tanong naman ni Josh
"Hindi yun aalis ng hindi nagpapaalam kasi alam niyang mag aalala tayo"
"Anong sabi?" tanong ni Nate kay Zach na kanina pa tawag ng tawag
"Hindi pa daw umuuwi. Nag aalala na ako"
"Sana walang nangyaring masama sakanya" sabi naman ni Bruce
"Sana nga" pagsang ayon naman ni Bryan
Siguradong ligtas siya pero kung anuman ang ginawa nila sakanya ay magbabayad sila
******
Thanks for reading!!!! ^_^
Dedicated to @mouseyqtqt
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...