Chapter 13: She cooked

10.7K 409 6
                                    

Zach's POV

Pagkalayo ko kala Beatrice ay pumunta na ako sa tambayan dahil siguradong doon nila dadalhin si Aya. 

Habang naglalakad ay napaisip ako sa sinabi ni Beatrice. Mukhang gusto ko na nga siya dahil hindi ako nagtatanggol ng ibang babae maliban sa kapatid ko at kay Mama. At naiiba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko.

I like, Aya.

Nang makarating sa tambayan any nakita kong katatapos lang gamutin si Aya. Sa tuwing nakikita ko sang mga sugat niya ay hindi ko maiwasang magalit.

Wala silang karapatang saktan siya.

Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya halatang nagulat siya pati sila. Nagulat din ako sa ginawa ko kaya dali dali akong kumalas pero nang hindi ko na siya yakap ay gusto ko siyang yakaping muli.

"Zach. ano iyan chuma-chansing ka na ah?" pang aasar ni Josh ng makabawi sa gulat.

Ramdam kong namumula ako pero napangiti ako ng makitang mas mapula si Aya.

"Ayyyiieeee!!" Dagdag ni Hails kaya naging sing pula ng kamatis ang mukha niya.

Tinakpan niya nalang ang mukha niya gamit ang dalawa niyang kamay

"Tumigil na nga kayo at saka malapit nang matapos yung vacant natin kaya tara na." pag iiwas nito.

"Haha, tara na nga."

Umalis na kami ng tambayan at pumunta na sa classroom. Mabuti at hindi namin kaklase sila Beatrice sa kabilang classroom kasi siya.

Speaking of Beatrice ay nadaanan namin ito. Masamang tingin ang ipinupukol nito kay Aya na kasalukuyang nakayuko.

"Wag mo nalang siyang pansinin," sabi ni Hails sakanya.

Maswerte si Aya dahil nandiyan si Hails para i-cheer siya, at maswerte din si Hails dahil nandiyan si Aya na sobrang bait. Sila ay isang magandang halimbawa ng pagkakaibigan.

Nang makarating sa room ay napatingin ang lahat sa amin ngunit hindi namin sila pinansin at umupo nalang.

"Hindi ba nadadala ang Nerd na iyan at patuloy pa rin sa pagaaligid kila Zach," dinig kong sabi ng isang kaklase.

"Oo nga paniguradong nagsumbong siya sakanila kaya umiiyak si Miss Beatrice kanina," sabi naman ng katabi niya.

"Yeah right, isa siyang famewhore at gold digger."

"Tama ka, hahahaha."

Napansin kong napayuko si Aya kaya balak ko sana silang sigawan pero naunahan ako ni Hails.

"Hindi famewhore at gold digger ang best friend ko kaya wala kayong karapatang sabihan siya ng ganyan, kung ikukumpara kayo sa kanya ay mas malala pa kayo!" sigaw niya.

Magsasalita pa sana yung mga chismosa ng dumating yung teacher namin. Sinamaan nila ng tingin si Hails pero hindi nagpatinag ang babae at mas matalim ang ibinigay. Napansin kong piniga ni Aya ang kamay ni Hails para pakalmahin ito.

*Fast forward*

Naiwan kami sa classroom dahil hinihintay naming matapos magligpit sila Aya. Nang matapos ay umalis na kami at pumunta sa tambayan. Doon nalang kami kakain para makaiwas sa atensyon.

"Uhm! Pwede bang ako nalang ang magluluto?" tanong ni Aya habang naglalakad kami.

"Marunong ka?" tanong ni Bryan.

"Oo naman! Saka para na rin pambayad ko sa pagtulong niyo sa akin," sabi niya.

"Sige ba! Basta masarap dapat 'yan," sabi naman ni Bruce.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tambayan. Umupo kami sa sofa habang dumiretso sa kusina si Aya kasunod si Hails na tutulungan daw siya.


Aya's POV

Kasalukuyang akong nagluluto ng adobo. Ito kasi ang unang naisip kong lutuin at isa pa paborito namin ito ni Hails, sana nga magustuhan nila.

Naalala ko pa ito yung kauna unahang tinuro sa akin ni Mama noong bata pa ako at noong buhay pa siya.

Hayy, itigil mo na nga yang pagda drama mo Aya.

"Hindi pa ba luto iyan Aya? Nagugutom na ako eh!" inip na tanong ni Hails.

"Saglit nalang, hinihintay ko nalang kumulo tapos pwede na tayong kumain." Sagot ko naman. Maya maya ay naluto na ang adobo kaya inihanda na namin ang hapag kainan. 

"Okay na! Salamat at makakakain na tayo," sabi niya sabay upo. Pumunta na ako sa sala para tawagin sila dahil sigurado akong gutom na rin sila.

"Handa na ang pagkain!" sabi ko.

Pagkasabi ko palang ay mabilis ng nagpuntahan ang kambal at si Josh sa kusina kasunod sila Nate. Umupo na kami sa hapag kainan at nagdasal. Matapos magdasal ay nagkainan na kami.

"Ang sarap!!" - Bryan.

"Hindi ko akalaing marunong ka palang magluto." - Bruce.

"Mas masarap pa sa luto ni Nate," sabi naman ni Josh sabay tingin ng mapang asar kay Nate.

Pero nang tingnan ko si Nate ay wala lang ang sinabi ni Josh. Si Josh naman ay napasubangot ng hindi gumana ang pang aasar kay Nate.

Napatawa naman ako ng mahina. Mukhang hindi tumatalab kay Nate ang pang aasar ni Josh. Masaya rin ako na nagustuhan nila ang niluto ko. 

Nagpatuloy kami sa pagkain habang patuloy pa rin silang nagco-comment tungkol sa niluto ko. Natapos kaming kumain at nagsipuntahan na sila sa sala. Wala kasi kaming susunod na klase dahil sa biglang meeting ng mga teacher.

Naghugas ako ng plato dahil nakakahiya naman na nakikikain nalang ako eh. Matapos kong maghugas ay sumunod ako sa sala at nakinood sa pinapanood nila.

Ngayon ko lang napansin na parang bahay itong tambayan nila dahil sa hagdan na mukhang papunta sa mga kwarto. Kumpleto ang lahat ng gamit kulang nalang ata ay tumira na sila dito. Iba talaga kapag mayaman lahat nakukuha nagagawa nila.

"Guys! Nood tayo ng movie tutal mamaya pa naman ang klase," sabi ni Josh.

Sinangayunan naman siya ng lahat kaya namili na sila ng panonoorin. Napagpasyahang Trolls nalang ang panoorin dahil sa suggestion ni Hails. Nung una ay umangal pa si Josh dahil pambata daw pero nang pumayag si Zach at Ash ay wala na siyang nagawa. 

Sa kalagitnaan ng panonood ay bumalik ako sa kusina para gumawa ng cookies para sa snacks. Napanood ko na rin kasi iyon dahil kay Hails, ewan ko sa babaita bakit gusto pang panoorin ulit iyon. 

Nagmix na ako ng mga ingredients at nagbake. Matapos ang ilang minuto ay naluto din ito kaya pinalamig ko muna. Nilagay ko sa isang bowl yung mga cookies at nilabas.

Mukhang katatapos palang ng pinanonood nila. Ang kaninang umaangal sa panonoorin ay kinakanta ang True Colors sa Trolls.

"Pambata ha? Pero kung makakanta parang bata," sabi ni Hails.

Nilapag ko na yung cookies sa lamesa na agad naman nilang kinain. 

"Hindi ko talaga akalain na marunong kang magluto at ang sarap pa," sabi ni Josh.

"Natural paano siya makakain kung hindi siya marunong magluto alam mo namang mag isa nalang siya kaya dapat marunong siya," sabi ni Hails.

Hayy, kailan kaya magkakasundo ang magpinsan na ito.



********

Thanks for reading!

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon