Zach's POV
Habang naglalakad sa hallway ay may ilan pa ring pinag uusapan ang tungkol kay Alexander at Aaron Alcantara
Narinig ko rin na bibisita sila dito pero hindi pa alam kung kailan
Tahimik akong naglakad papunta sa room. Mabuti nga at may klase na dahil nakakatamad kapag walang klase, wala akong magawa
Nadatnan ko silang kumpleto ng makarating ako sa room. Himala ata at maaga itong mga lalaki kadalasan kasing darating sila kapag magti time na o kaya ay time na
"Aga natin ah" sabi ko pagkaupo
"Wala lang nakakatamad kasi" sagot naman ni Josh
"Tamad ka naman talaga eh" sabat ni Hails
"Minsan lang kaya"
Sasagot pa sana si Hails pero pinatigil na siya ni Nate— ang Peacemaker ng grupo haha
At mukhang nagseselos na ata si Nate kay Josh pero hindi niya pinahahalata haha
Napansin ata iyon ni Hails at naglambingan na sila. Feeling ko nilalanggam na kami dito dahil sa kanilang dalawa. Ngayon ko lang nakita yung gantong side ni Nate at ang cute niya
"Yuck, dito pa talaga nila napiling maglampungan" bulong ni Josh kapag kasi narinig yun ni Hails siguradong makakatikim siya ng batok
"Bakit kasi hindi ka humanap ng babaeng mamahalin mo para maranasan mo din na may nagmamahal sayo" sabi ko
"May nagmamahal naman sakin ha. Yung pamilya ko" sagot niya
"Hindi yun. Yung babaeng mamahalin at aalagaan mo hanggang pagtanda" sagot ko kahit alam kong alam niya ang tinutukoy ko para na rin malaman din nila Bruce at maghanap na sila ng babaeng para sakanila
Napaisip naman si Josh sabay sabing
"Hindi ko pa naiisip yun kasi priority ko yung pag aaral" napa facepalm naman ako at binigyan siya ng tigi tigisang batok ng mga lalaki
Parang sakin nanggaling ang salitang yun ha
"Niloloko mo ba ako ha? Nakakainis ka ha" sabi ko dito
"Oy tigilan mo na nga yan iniinis mo si Aya eh" awat naman ni Zach
"Yown! Tigilan mo na Josh lagot ka kay Zach pagnagkataon" sabi ni Bruce at nagkantyawan na sila
Napatawa naman kami ni Hails at parang kami lang ang tao dito dahil sa lakas ng boses nila. Mabuti nga at wala pa yung teacher namin kundi lagot kami. Mabuti ring walang nagrereklamong ibang section dahil sa ingay namin
Ang saya ng ganito para narin kasing bonding ito samin
Hindi nagtagal ay nagbell na kaya recess na. Nalaman din namin na may sakit yung teacher namin kaya wala
Pumunta na kami ng cafeteria. Nag order si Josh at Nate samantalang umupo na kaming natitira
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang pagkain kaya nag umpisa na kaming kumain habang nagkwekwentuhan
Malapit na kaming matapos pero natigil kami dahil biglang nag announce yung speaker
"To all students, please kindly go to the gym for the program. Again please kindly go to the gym for the program"
"To all students, please kindly go to the gym for the program"
Pagkatapos magsalita ng speaker ay napuno ng bulungan ang buong cafeteria
"Program? May program pala na magaganap?" tanong ni Josh
"Kaka announce nga lang diba atsaka kanina pa tayo magkakasama kaya paano namin malalaman" sagot naman ni Hails hayy iyan na naman po sila
Pinatigil na sila ni Nate dahil kung hindi ay mag aaway na naman ang dalawang iyan
Tinapos nalang namin ang pagkain saka kami pumunta sa gym
Dalawa ang gym dito yung isa pang sports yung pabilog yung upuan tapos yung isa may stage sa harap tapos maraming seats sa harap ng stage
Pumwesto kami sa may bandang unahan
Hindi rin nagtagal ay napuno ang gym kaya lumabas na yung MC para magsimula
"Please let us welcome the owner of this school Alexander Zeus Alcantara together with his grandson Aaron Alcantara. Let's give them around of applause" sabi nung MC at umakyat na yung sinabi niya
Nagulat naman ako ng makita ko yung Aaron Alcantara dahil siya yung lalaking nasa restaurant nung isang linggo. Naalala ko na rin na siya din yung lalaki sa reataurant 2 months ago
"Good morning everyone! It's nice to meet the students of this school. Study hard so you can achieve your dream. Thank you" sabi niya at umupo sa upuan sa stage katabi yung apo niya
Nagsalita naman yung MC at nag umpisa na yung program. Nalaman kong ginawa pala ang program na ito para iwelcome yung may ari ng school. Maraming mga nagpe perform. Sumasayaw, kumakanta at nagpla play ng instruments. Nakikita ko naman na napapangiti yung bisita kaya siguradong nagustuhan niya ang pineperform. Nakakaaliw naman kasi talaga dahil magagaling sila
"Hayy salamat naman dahil walang klase" biglang sabi ni Josh pagkatapos tumingin sa relo niya kaya napatingin din ako
Malapit na palang mag uwian. Antagal na pala namin dito hindi ko yun napansin dahil sa pagkaaliw sa mga nagpeperform
"Ang tamad mo talaga! Kanina ang aga mong pumasok dahil tinatamad ka kasi wala kang magawa tapos ngayong walang klase ang saya saya mo" sabi ni Hails
"Walang pakielaman ng trip ano ka ba" sagot ni Hails
"Mag aaway na naman kayo. Tumigil na nga kayo simpleng bagay pinapalaki niyo para kayong mga isip bata" awat ni Nate kaya natigil sila
"Bleeh! Isip bata ka daw" pang aasar ni Josh kay Hails habang nakadila
"Hindi lang kaya ako pati kaya ikaw" sagot naman ni Hails at dumila rin
Iyan ang patunay na isip bata talaga ang dalawang ito. Magpinsan talaga sila. Kung hindi talaga magpinsan ang dalawang ito aakalain kong magboyfriend- girlfriend sila
Sasagot pa sana si Josh pero tinakpan na ni Bruce yung bibig niya at hinawakan naman ni Bryan yung dalawang braso niya ng magtangka itong tanggalin ang nasa bibig niya. Si Nate naman ay pumagitna sa dalawa at inakbayan si Hails habang pinipigilan na lumingon at magsalita
Napatawa naman ako ng mahina dahil sa kalokohan nila. Napapatingin at napapatawa din ng mahina ang ibang estudyanteng nasa paligid namin. Nawala ang atensyon nila sa stage at napunta sa amin. Tapos na rin namang magperform dahil yung MC na yung nagsasalita at sinasabing pwede na daw umuwi
Lumabas na kami ng gym at nagsiuwian na
Ang saya talaga ng mga araw ko simula ng nakilala ko sila
******
Thanks for reading!!!Hyung Sik as Aaron Alcantara
See on the media
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...