Chapter 11: The Queen Bee's back

10.6K 401 18
                                    

Aya's POV

"Bumalik na daw si Miss Beatrice."

"Oo nga, siguradong malalagot yang Nerd na iyan."

"Yeah right, lagot siya kay Miss Beatrice siguradong pahihirapan siya hanggang sa lumuhod at magmakaawa."

"Oo, hahahahahaha."

"Kawawa yung Nerd kapag nalaman ni Miss Beatrice na close sila ng Prince's."

"Tsk tsk hindi siya titigilan niyan, nakakaawa siya."

Dinig kong bulungan ng mga estudyante habang naglalakad ako sa hallway. May naawa at may masamang mga sinasabi.

Sino kaya si Miss Beatrice na sinasabi nila? Ano bang katungkulan niya dito? At bakit siya magagalit sa akin eh wala naman akong ginagawang masama?

Hindi ko nalang pinansin at naglakad papunta sa room. Tahimik akong umupo sa pwesto ko at nagbasa.

Wala pa si Hails dahil nilalagnat samantalang sila Zach ay may pinuntahan kaya sila wala. Nagpaalam kasi sila noong mag-si-si-uwi na kami galing sa amusement park.

Maya maya naman ay biglang tumahimik ang maingay na classroom kaya napatingin ako sa tinitingnan ng lahat. Nakita ko ang isang maganda at sopistikadang babae, mukhang mayaman pero masungit. Nasa likuran nito sila Diana, Abigail at Kateryn.

Mukhang tama ang naiisip ko tungkol sa babaeng nililibot ang paningin sa buong klase. Ang lahat ay nag aabang sa sasabihin at gagawin niya.

"Who the hell is Ayako Zein Khan??!!!" galit na sigaw nito.

Nagulat ako ng marinig ang pangalan ko na hinahanap nito. At mas ikinagulat ko ang sabay sabay na pagturo sa akin ng mga kaklase ko kaya napatayo ako. Naglakad ito papunta sa akin at mabilis akong sinampal.

"So, you're the girl who's lingering around MY Zach." Mariing sabi nito habang halos mamula ang mukha sa galit. "Ano namang nagustuhan ni Zach sa isang Nerd na kagaya mo?" dagdag pa nito.

Masakit. Hindi ang pagkakasampal nito kung hindi ang mga binibitawang mga salita niya.

"Do you know me?" tanong into. "Well, if you don't I will introduce myself, I am Beatrice Lopez the one and only heiress of Lopez Company and I will be Zachary Davis future wife. So, 'wag kang lumapit kay Zach," mahabang pahayag niya pero nanatili lang akong tahimik at nakayuko.

"Are you deaf??!! Sagutin mo ako!" inis niyang sabi nang hindi ako sumagot.

"W-wala po akong g-ginagawa," sabi ko habang unti unting tumutulo ang mga luha ko. Ngayon ko lang naramdaman na mapahiya ng ganto.

"Wala?! Wala kang ginagawa? Zach is mine so don't come near him. His mine alone!!" sigaw niya sa akin sabay sampal sa kabilang pisngi ko. "Do you understand??!!"

"O-opo," mahinang sabi ko.

Naramdaman kong umalis na ito habang tumatawa sila Diana. Napaupo ako habang umiiyak at dali daling inayos ang mga gamit ko at umalis ng room. Sari-saring bulungan ang naririnig ko habang mabilis na naglalakad papuntang garden. Ito lang kasi ang tanging alam ko na lugar kung saan mapaglalabasan ko ng nararamdaman ko.

Pagkarating ko roon ay umupo ako sa ilalim ng puno at niyakap ang tuhod ko. Doon ko nilabas lahat ng nararamdaman ko umiyak ako ng umiyak.

Porket ba isa akong Nerd ay wala na akong karapatang kaibiganin nila Zach? Bakit ba laging ako ang masama?

Kaya ayokong magkaroon ng kaibigan na famous dahil siguradong hindi ako matatanggap ng mga fans nila. Bakit kung kailan kailangan ko sila doon pa sila wala? Kung kailan kailangan ko ng karamay wala sila. 

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa 'di ko namalayan na nakatulog ako. 


********

Nagising nalang ako sa tunog ng bell hudyat na lunch break na. Tumayo na ako at pumunta sa cafeteria dahil wala akong dalang pagkain ngayon.

Pumila ako at namili ng spaghetti at juice. Habang nakayukong naglalakad  papunta sa pinakasulok na bahagi ng cafeteria ay maraming nagbubulungan tungkol sa akin. Hindi ko nalang pinansin at umupo sa dulo.

Tahimik akong kumakain ng may humintong tao sa tapat ng lamesa na inuupuan ko. Dinampot nito ang juice ko at binuhos sa akin. Maraming napasinghap dahil sa ginawa niya. At nang tingnan ko kung sino ay si Beatrice na nakangisi.

"You deserve that," nakangising sabi niya sabay tawa.

Nakisabay sa pagtawa niya ay yung mga alipores niya hanggang sa lahat ng nasa cafeteria ay tumatawa na. Tumakbo ako palabas ng cafeteria at pumunta sa CR. Tiningnan ko ang sarili ko at tinanong ang sarili ko.

"Wala naman akong ginagawa bakit ganito? Masama bang makipag-kaibigan ako?" umiiyak kong tanong sa sarili ko.

"Oo dahil isa kang Nerd at wala kang karapatan na umaligid sa mga prinsipe namin," sabi ng isang babae sabay sampal sa akin. "Isa kang malanding Nerd!!" sigaw niya sabay tulak sa akin.

Tumama yung tagiliran ko sa gilid ng sink kaya napahawak ako rito. Napaiyak ulit ako dahil sa sakit hindi lang dahil sa sakit ng katawan kundi sa sakit ng sinasabi nila.

"Siguro katulad mo rin yung nanay mo sakanya ka nagmana ng kalandian mo," sabi niya.

That's it! Saktan at sabihan na nila ako ng masasakit na salita wag lang nilang idamay ang pamilya ko. Tumayo ako at sinabunutan ito.

"Wala kang karapatang sabihin na malandi ang nanay ko!" umiiyak kong sabi dito habang sinasabunutan siya.

"Argghh!! You b*tch!! Ouch my hair. Let go of my hair!" sabi niya sabay sabunot din sa akin pati ng isa pa niyang kasama.

Pinagtulungan nila akong dalawa kaya wala akong nagawa pero hindi ko pa rin binibitawan ang buhok niya. Pinagkakalmot nila akong dalawa at pinagsasabunutan. Nang makakita sila ng pagkakataon at mabilis nilang akong tinulak.

Tumama ang likod ko sa edge ng pinto. Hindi pa sila nakuntento at pinagsisipa ako. At nang mapagod sila ay tumigil sila at umalis pero bago sila tuluyang umalis ay may sinabi pa sila.

"Bagay lang sayo yang ginawa namin. Huwag na huwag mo ng lapitan ang prinsepe namin!" sabi niya bago sila tuluyang umalis.

Naiwan akong umiiyak habang magulo ang buhok at maraming sugat at pasa sa katawan. Lumabas ako ng CR at naglakad habang umaalalay sa mga pader o posteng madadaanan ko. Uuwi nalang siguro ako at magpapahinga.

Mabuti at oras ng klase kaya walang estudyante ang makakakita sa akin. Pumara ako ng taxi ng makalabas ng school mabuti nga at pinayagan akong lumabas ng guard dahil sa itsura ko.

"Ma'am, sigurado po ba kayong hindi tayo sa ospital pupunta?" sabi nung driver pero umiling lang ako.

Wala na rin kasi akong lakas para magsalita. Mabuti pa yung driver may malasakit sa akin. Nang makarating sa apartment na tinutuluyan ko ay pumasok agad ako at humiga.

Hindi na ako nakapagpalit pa dahil wala na akong lakas. Nakatulog ako dahil sa sakit ng katawan at sa pagod.

Sana magsawa rin sila sa pambubully sa akin.



*********

Thanks for reading!!!!

Yoona as Beatrice.

See in the multimedia.

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon