Alam kong namiss niyo yung moment nila Hailey at Nathan kaya para sakanila ang chapter na ito. Special request from @knthDeathIsWithYou
Dahil birthday ng author niyo ngayon ay dalawang chapter ang pinublish ko ngayon!
Hope you like it!
****
Hailey's POV
From: Nate ko! ♥♥
Date tayo?
To: Nate ko! ♥♥
Ngayon na? Saan po?
From: Nate ko! ♥♥
Sunduin po kita diyan mamayang 10. Secret
To: Nate ko! ♥♥
Sige po. Bye! I love you :*
From: Nate ko! ♥♥
I love you too :*
Hihihi Sweet namin noh? Sa totoo lang sakin niya lang pinapakita yung pagiging sweet niya at kinikilig ako doon haha
Anong oras na ba? Naku! 9:15 na pala may 45 minutes nalang ako!
Pumasok agad ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay kinuha ko yung white na long sleeves na damit na may butas sa taas ng balikat at tinernuhan ko ng high weighs na paldang maong (haha tama po ba description ko? Pasensya na po kung mali) then nilugay ko lang yung buhok ko na katatapos lang iblower
Nag-apply ako ng light make up at kinuha yung shoulder bag ko then nagsuot ako ng white heels. Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin at tada! Perfect! Napakaganda ko talaga!
Time check: 9:56
Oh! Bumaba na ako at saktong pagbaba ko ay nakita kong nandoon na si Nate
"Akala ko ba 10? Four minutes kang maaga" sabi ko sabay kiss sa pisngi niya
"Okay ng maaga kaysa late" sagot niya
Tumingin naman ako kay Mommy sabay sabing "Mommy alis muna kami ha?" sabay kiss sa pisngi niya
"Sige. Ingat kayo. Nate ha? Hanggang alas otso lang hindi na pwedeng lumampas" paalala ni Mommy
"Opo. Bye po Mommy" sabi ni Nate kaya napatawa kami ng mahina ni Mommy
Mommy? Pwede rin dyan din naman ang tuloy eh! Ihh landi!
Sumakay na kami sa kotse niya at umalis. Saan kaya ako dadalhin nito?
Nang makita ko kung saan kami papunta ay parang nadissapoint ako akala ko kasi kung saan kami pupunta pero sa mall lang pala
"Gala muna tayo tapos kumain tapos gala ulit hanggang magdilim saka kita dadalhin sa sinasabi kong secret" paliwanag niya
"Ahh okay" nang makapark na kami ay pinagbuksan niya ako ng pinto saka kami magkahawak ng kamay na naglakad papasok
Naglibot libot muna kami gaya ng sabi niya at ng magtanghalian ay kumain kami
"Anong gagawin natin pagkatapos?" tanong ko
"Nood tayong sine may alam akong magandang palabas ngayon" sabi niya
Nang matapos kumain ay pumunta na kami sa sine. Habang namimili siya ng ticket ay namimili naman ako ng pagkain namin. Umorder ako ng isang large popcorn saka dalawang coke
![](https://img.wattpad.com/cover/96251838-288-k267948.jpg)
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Novela JuvenilSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...