Zach's POV
Nang maihatid ko si Aya sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya ay umalis din ako. Nitong nakaraang araw kasi parang nagiging awkward ang feeling ko sakanya.
Parang nagkakagusto na ako sakanya pero hindi, hindi maaari dahil hindi ko pa nakikitang muli siya kahit na bata pa kami noon ay pinangako ko sakanya na siya ang pakakasalan ko kaya nga hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na mahahanap at makikita ko siyang muli. Kahit na sinasabi nila na patay na siya ay hindi ako naniniwala baka nandiyan lang siya sa paligid at hinihintay na makita ko siya.
Humiga ako sa kama ko pagkarating ko ng bahay. Wala si Mama dahil nasa Paris siya busy sa ibang business niya doon. Sanay na rin naman ako at alam kong para sa amin din iyon. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Kuya!!! Gising na!!! Kain na tayo ng dinner!" sigaw ng kapatid ko sa labas habang kumakatok.
Nagising ako dahil sa matinis na boses niya.
"Oo na, susunod ako!" sigaw ko pabalik.
Narinig ko naman ang papalayo niyang yabag kaya bumangon na ako at nag ayos. Nakita ko si Zam na nakaupo sa dining hall habang hinihintay ako.
"Bakit hindi ka pa kumakain?"
"Hinihintay kasi kita Kuya," nakangiti niyang sabi.
Siya si Zamaicha (Za- may- ka) Davis ang nag iisa kong kapatid mas bata siya sa akin ng dalawang taon at kasalukuyang Grade 10 sa Alcantara University.
Kumain na kami hanggang sa magbukas siya ng topic. "Kuya nabalitaan ko may bago daw kayong kaibigan at mga babae pa," sabi niya.
"Ah oo, at saka ngayon mo lang nalaman halos isang buwan na rin yun ha?" sagot ko naman.
"Eh kasi po hindi naman ako chismosa noh," sabi niya naman habang nakasimangot kaya hindi ko napagilan na kurutin ang pisngi niya.
"Ouch! Kuya mashakit! Aray! Yung cheeks ko" reklamo niya naman. Napatawa naman ako.
"Ang cute mo kasi!" sabi ko naman.
"For your information, Kuya, hindi ako cute kasi maganda ako!" pagtatama niya sabay irap.
"Oo na. Maganda ka na," pag suko ko kasi kapag hindi ko sinang-ayunan ay hahaba pa ang usapan. Ganito talaga ako sa kapatid ko lalo na at nag iisa lang siya at babae pa.
Nang matapos kumain ay umakyat na siya dahil gagawa pa daw siya ng assignment kaya umakyat na rin ako. Nag ayos lang ako at natulog na rin. Maaga pa ang pasok bukas. Hayy, hindi naman ako ganito ah kahit nga malate ako wala lang sa akin eh pero ng makilala ko si Aya ginaganahan akong pumasok.
"Hayy, ano ba yan makatulog na nga lang." Sabi ko sa sarili sabay gulo ng buhok ko at natulog na.
*********
"Kuya lagi ka atang maagang gumigising nitong mga nakaraang linggo dahil ba yan sa bagong babae mong friend? Yieehhh, excited na tuloy akong makilala siya!" Excited na sabi niya ng makita akong pababa ng hagdan.
"Tss! Ano bang paki mo?" pag susungit ko.
"Naku, Kuya, deny pa more, haha." Pang aasar niya pa. Hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang.
Nang matapos kumain ay umalis na ako at sumakay sa black Ferrari ko. Hindi ko na siya sinasabay dahil may kotse naman siya---student license ganyan talaga kapag mayaman. nag-park na ko sa parking lot ng makarating ako sa school.
As usual tilian kahit saan, sanay na naman ako diyan gwapo ko kasi eh. Pumunta na ako sa room dahil nag text sa akin si Ash na nandoon na sila. Umupo na ako ng makarating sa room at nakita kong busy sa pag babasa si Nerd.
Haha, ewan ko pero gustong gusto kong nakikita yung mukha niyang naasar. Natigil lang siya sa pagbabasa ng dumating yung teacher namin.
*********
Lunch break na ngayon at kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa tambayan.
"Ah dito nalang muna ako sa garden," paalam ni Aya ng nasa garden na kami. Kasama nga pala namin sila okay lang naman kasi friends na kami.
Nagpahuli ako sa paglalakad at nang hindi ko na sila nakita ay umupo ako sa tabi ni Nerd. "Akala ko sumama ka sakanila? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang naglalabas ng pagkain.
"Wala lang bakit masama ba?" sabi ko naman pero hindi niya ako pinansin at kumain nalang.
Kinuha ko yung tinidor niya at sumandok sa pagkain niya sabay subo.
*Click*
Napalayo ako sakanya ng marinig ko yun at napakunot ang noo ng makarinig ng mahihinang bungisngis. Tsk, alam ko na kung sino yun.
"Zam, lumabas ka na." Sabi ko at tumingin sa isang puno na alam kong pinagtataguan niya.
"Hihihi, alam mo bang bagay kayong dalawa?" sabi niya ng makalabas sa pinagtataguan nila habang may dala dalang camera.
"Oo nga ats aka ang ganda mo po Ate, bagay kayo ni Kuya Zach!" sabi naman ni Sarah isa sa best friend ng kapatid ko.
"Uhm! Sino kayo?" tanong naman ng nao-Op-ng si Aya.
"Ay sorry, Ate. Ako po si Zamaicha Davis, ang nag iisa at napaka gandang kapatid ng lalaking katabi mo. 16 years old at kasalukuyang Grade 10 diyan lang sa malapit," nakangiting pagpapakilala sabi ni Zam.
"Bes Zamie, kailangan talaga ipangalandakan ang kagandahan mo?" tanong naman ni Camille. Ngiti lang ang isinagot ni Zam sa dalawa.
"Ako naman po si Sarah Rosales. Best friend ni Zamie at kaklase rin," pagpapakilala naman ni Sarah.
"Camille Dizon. 16. Ang napakasweet na best friend ni Sarie at Zamie," mahanging pagpapakilala ni Camille.
"Ah, nice to meet you sa inyong tatlo. Ako naman si Ayako Zein Khan, Ate Aya nalang." Pagpapakilala naman ni Aya " Uy, Zach. Hindi ka nagsasabi may cute ka palang kapatid," sabi niya pa.
Napasimangot naman si Zam dahil ayaw niyang tinatawag na cute.
"Ate, para sa iyong kaalaman ay ayoko pong tinatawag na cute kasi po maganda po ako. Pang bata lang po kasi ang cute," reklamo niya.
"Ah ganon ba? Pasensya na."
"Ah, Kuya, Ate, mauuna na pala kami kasi malapit ng mag-time malayo pa ang lalakbayin namin pumunta lang naman talaga kami dito para makita ka Ate Aya, hihi." Paalam niya naman.
"Oo nga. Ate, babye!" sabi ni Sarah.
"Babye!" si Camille.
"Sige bye!" sabi ni Aya sabay kaway sakanila.
"Kumain ka na at malapit ng mag-time mamaya maabutan pa tayo nila Josh dito aasarin na naman ako ng mga iyon," sabi ko at muing umupo habang kumakain siya.
*****
Thanks for reading!
Lee seul bi as Zamaicha Davis.
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...