Aya's POV
Ito na ang araw. Isang araw na pinaka-aayawan kong mangyari. Na sana wag ng dumating ang araw na ito pero may tiwala ako sakanya.
Nagpakawala ako ng isang malungkot ngiti bago tuluyang pumasok sa school
Sa hallway palang ay puro usapan na tungkol sa mangyayari mamaya. Hindi na nga nila napansin na dumaan ako eh
Haayy! Kung sila mga excited ako naman ay kabadong kabado. Bakit kasi hindi kami pwede eh? Kainis naman!
Nagmadali nalang akong maglakad sa room para hindi ko na sila marinig. Nakakarindi eh!
Pagdating ko ay napatingin silang lahat sakin at nagbulungan. Tsk bulungan pa ba ang tawag diyan? Dinig na dinig ko eh. Dapat direkta nalang nilang sinabi sakin nakakahiya naman sakanila
Umupo na ako sa upuan ko at nagbasa. Wala pa sila pero alam kong parating na sila dahil magti-time na
At hindi nga ako nagkamali dahil saktong pagkabell ay dumating na sila kasunod ang teacher pero wala si Zach
Nagsimula ng mag lesson si Ma'am pero kahit anong pilit ko ay hindi ako makapagpokus. Sinarado ko yung libro ko at timingin sa bintana
Nasan kaya siya? Nasa bahay? Ano kayang ginagawa niya? Bakit hindi niya sinabi sakin na hindi siya papasok? Mas lalo akong kinabahan kasi wala siya at magpapasalamat pa ako na nandito yung mga kaibigan ko para kuhanan ko ng lakas ng loob
Hindi rin nagtagal ay nagtime na. Mabagal kong niligpit yung mga gamit ko at hinintay na maubos ang tao
Lumabas na ako at nakita ko silang nakaabang sa labas hinihintay ako. Akala ko nauna na sila
"Ang tagal mong lumabas" angal ni Josh at nauna ng maglakad
Tahimik lang ako habang naglalakad at hindi pinansin ang ingay nila Josh at Hails. Wala kasi ako sa mood
Naramdaman ko naman na may kamay na humawak sa balikat ko kaya napatingin ako doon
"Dito tayo" sabi ni Kuya at iginaya ako papuntang garden
Sa lalim ng iniisip ko hindi ko napansing lumiko na sila papuntang garden at hindi sa cafeteria
Sumunod na kami sakanila hanggang sa makarating sa tambayan. Kanya kanya kaming upo sa sofa habang dumiretso si Nate at Hails sa kusina para maghanda ng pagkain
"Wag kang kabahan saka wag kang masyadong magisip" sabi ni Kuya habang nakahawak sa balikat ko
"Oo nga magtiwala lang tayo kay Zach" sabi naman ni Bruce
"May plano yun kaya tiwala lang" dagdag naman ni Bryan
Napatingin naman kami kay Josh na ipinagtaka niya "Bakit?"
"Tama! Tiwala lang hehe" sabi niya ng maintindihan ang nagyayari
Napatawa naman ako ng mahina kaya napangiti sila
"Oh diba? Ako nakapagpatawa sakanya. Tsk tsk mahihina pala kayo eh" sabi ni Josh habang umiiling iling
~*~
Nang mag-uwian ay kasabay ko si Hails na umuwi sa bahay nila. Dun nalang daw niya ako aayusan dahil nandoon na yung mga gamit kaya dumaan muna kami sa apartment para kunin yung susuotin ko
Saka ko lang naalala na wala pala akong damit pero nagulat ako ng may nakita akong kahon sa lamesa
Pagbukas ko ay nakita kong isang blue dress
"Oh meron ka naman pala eh"
Nakita ko naman na may pangalan ko sa takip at address. Mukhang akin nga ito
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...