Chapter 48: Talk

9.4K 314 42
                                    

Aya's POV

Kasalukuyan kaming kumakain at iyon ang kanina pa nirereklamo ni Josh. Gutom na daw siya

Lagi kong tinitingnan si Hails pero tahimik lang siya. Hindi naman nila napapansin dahil kay Josh pero isang beses ay inasar siya ni Josh

Hindi niya napansin dahil malalim ang iniisip niya at ng mapansin niya ay sinabing masama lang ang pakiramdam then pumunta siya sa restroom

Pagkatapos kong kumain ay hinintay kong matapos si Hails

"Uhm Hails samahan mo naman akong magpahangin sa garden diba masama pakiramdam mo? Baka sakaling gumaan kung makalasap ka ng sariwang hangin" pag-aaya ko sakanya habang nakangiti

Nakita kong medyo nagulat siya pero mabilis ding sumang-ayon. Bago tumayo ay huminga muna siya ng malalim then nagpaalam kami sakanila

Nang makarating sa garden ay inaya ko siyang maupo doon sa gasebo

Pareho kaming natahimik ng makaupo parehong humahanap ng lakas ng loob

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita

"Hails"

"Aya"

Sabay naming sabi

"You go first"

"Ikaw muna"

Sabay ulit naming sabi at hindi ko namalayan ay sabay kaming napatawa hanggang sa namalayan nalang namin ulit na pareho kaming umiiyak

Nakakatawang isipin na kanina lang tumatawa kami pero ngayon umiiyak na. Siguro kung titingnan kami para kaming baliw

"Sorry. I'm so sorry best friend. Hindi ko sinasadya at nagsisisi na kami. Aya, I'm so sorry. Sana mapatawad mo pa ako. Kami. Sorry" umiiyak niyang sabi

Niyakap ko siya at pareho kaming umiyak ng malakas. Wala namang makakarinig eh

"Pinatawad na kita kasi alam kong may dahilan ka pero hindi ko napigilan na makaramdam ng galit nung una pero ngayon konting inis nalang at siguradong pagnalaman ko yung rason mo mawawala na ito. I just want to know your reason. The truth" umiiyak na sabi ko

"Sorry. Sorry kasi pinagtaksilan kita dati. Our family is business partners, right? So I know that your rich and I want to have a friend. A true friend at naramdaman ko yun sayo. Totoo lahat ng pinakita ko sayo noon but nainggit ako sayo kasi you have everything you want lalo na yung bonding mo with your parents na hindi ko makuha. Hinahayaan ka nila sa gusto mo, but me? Lahat ng ginagawa ko dapat gusto nila or else they will hate me at ayokong tuluyang mawala yung natitirang paraan para makuha ko yung atensyon nila. So when they told me to bring you to the park and iwan ka sa gitna ng kalsada para mabangga ka nila at mawala ka na. Sabi nila pagnamatay ka daw ay ipapa-arrange marriage daw nila ako sa kakambal mo at alam nila na walang balak kunin ni Kuya Aarom yung kumpanya kaya malaki ang posibilidad na may makuha kaming kayamanan sa pamilya niyo. Nasilaw sila Mommy sa karangyaan at kayamanan na meron kayo kaya nila nagawa yun. At dahil ayaw kong mawala ang atensyon nila… sinunod ko kahit na masakit para sakin kasi naging best friend na kita. Nung time na nakatayo ka na sa gitna ng daan at nakatingin sakin pinigilan kong makita mo kung gaano nadudurog ang puso ko so I remain emotionless and when I look at your eyes nakita kong may alam ka na sa maaaring mangyari but nanatili kang nakatayo sa gitna ng kalsada na alam mong ayaw ko sa nangyayari" umiiyak niyang paliwanag

Huminto siya at huminga ng malalim habang pareho kaming umiiyak

"When the car bumped you… I want to go there kasi alam kong maari ka pang mabuhay kapag dinala kita sa ospital. Pero… pero nakita kong nakatingin sila Mommy at Daddy sakin mula sa loob ng kotse kaya wala akong nagawa kundi pumasok sa loob bago pa kami mahuli. That time habang lumalayo ako sayo… nagsisisi ako kasi yung nag-iisang taong naging tunay na kaibigan ko ay hinahayaan kong mag-agaw buhay. Nagsisisi ako na mas pinili kong maging puppet ng magulang ko kesa sa tunay kong kaibigan na alam kong hindi ako gagamitin. But hindi sila Mommy at Daddy ang bumangga sayo. It was the man who's the reason kaya nagkaganon sila Daddy. One time nakita kong may kausap sila Daddy at sinabi niya lahat ng gagawin sa pamilya niyo. I'm so sorry kasi wala akong nagawa. Sana mapatawad mo ako. Kami nila Mommy at Daddy kasi matagal na silang nagsisisi at nagpapasalamat ako dahil narealize nila ang lahat ng ginawa nila lalo na yung paggawa nila sakin na parang puppet. I'm very sorry Aya" sincere na sabi habang patuloy pa rin kaming umiiyak na dalawa

"Ngayong nalaman ko na yung reason niyo ay napatawad ko na kayo actually matagal na kahit wala akong alaala. Alam ko na nagsisisi na kayo kaya I won't tell to Lolo at sa mga Kuya ko ang tungkol sa pinag-usapan natin but I want to know who is that man?" sabi ko sabay pahid sa luha ko at ganon din siya

"I already forget about his name and looks but I know na kilala siya nila Mommy at Daddy. I'll just talk to them or baka gusto mong sumama kasi I know na gusto rin nilang humingi ng tawad tungkol sa nangyari dati" sabi niya at nginitian ako

"Sure, why not. Matagal ko na ring hindi nakikita sila Tita at Tito kahit na may nagawa sila dati sakin ay namiss ko sila" sabi ko at nginitian din siya

"Uhm there's a question na kanina ko pa gustong itanong" dagdag ko

"What is it?" tanong niya

"Do you know me noong nakilala niyo ako dati?" tanong ko

"Actually no kasi akala namin patay ka na" sagot niya

"Okay. Let's go back inside pero dumaan muna tayo sa CR para magretouch kasi I know mukha na tayong ewan" suggest ko

"Oo nga lalo na at ikaw ang birthday girl" sabi niya at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa loob

Katulad ng napag-usapan dumaan kami sa CR para mag-retouch then bumalik na kami sa table namin

Nakita namin silang masayang nagkukwentuhan at asaran. Umupo ako sa pwesto ko at hinawakan ang kamay ni Zach

"Oh dumating na pala ang mag-bestfriend" sabi ni Josh pagkaupo namin ni Hails

Katulad ng nakasanayan ay sinagot siya ni Hails at nag-umpisa na ulit ang bagong kaguluhan sa table namin

Habang nakatingin sa kanila ta nakikitawa ay hindi ko maiwasang isipin yung tungkol sa lalaking sinasabi ni Hails

Sino ba siya? Bakit gusto niyang masira ang family namin? At gamit pa ang pamilya ng kaibigan ko? Kung sino man siya ay magdudusa siya sa kulungan dahil siya ang pasimuno ng lahat ng ito

*******

Thanks for reading!!!!

Iyan nalaman na ang reason ng pamilya nila Hails. Sino kaya yung lalaking tinutukoy ni Hails?

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon