Aya's POV
Nandito ako ngayon sa classroom as usual nagbabasa, hilig ko naman to. Wala pa kasi si Hails eh, siguro nag aayos pa yung babaeng iyon. At saka mabuti wala pa yung mayabang na lalaking iyon kaya hindi pa nasisira ang maganda kong umaga. Nang magbell ay siyang pasok ni Hails at kasunod niya si ma'am.
"Good morning class!" bati ni Ma'am Eve teacher namin sa English.
"Good morning maam!" bati namin pabalik.
Umupo na kami at nag simula nang mag attendance si ma'am hanggang sa tawagin na yung pangalan nung grupo ni Yabang at walang sumasagot.
"Mr. Davis??" tawag ni ma'am. "Mr. Davis??" pag uulit ni ma'am pero napailing nalang ito ng mapansing wala ang grupo nito. Nagulat nalang kami ng biglang kumalabog ang pinto halos masira na iyon.
Tsk tsk! Kawawang pinto, condolence nalang sa kanya.
"Sorry, were late, maam" hinging paumanhin ni Nate.
'Ambait talaga nito kaya nagustuhan ni Hails eh hindi katulad nung isa hindi marunong maawa sa pinto' sabi ko sa isip ko.
Hindi nalang sila pinansin ni ma'am at nagpatuloy sa pag-a-attendance marahil ay sanay na si ma'am sa ugali ng mga ito.
"Bakit ka nga pala late?" pagtatanong ko kay Hails.
"Nalate lang ng gising napasarap kasi ako at saka hindi pwedeng hindi ako pumasok alam mo na hindi mabubuo ang araw ko kung hindi ko siya makikita." Sagot naman niya, napatawa naman kami ng mahina.
Mahirap na baka mahuli kami ni ma'am.
Mabilis natapos ang oras at lunch na pero hindi naman mawawala yung pam-bwi-bwiset sa akin ni Zach. Tch, akala ko pa naman hindi siya papasok magiging tahimik sana yung buhay ko.
Dumiretso nalang ako sa library si Hails kasi pupunta daw sa garden matutulog daw siya kinulang kasi sa tulog. Nalate na nga kulang pa ang tulog, ano kaya yun?
Naghahanap ako ng libro para sa assignment namin at yung librong lagi kong binabasa, nang makita ko yung hinahanap kong libro ay sakto namang may kukuha rin nito.
"Uhm!" nasabi ko nalang at tiningnan kung sino yung kasabay kong nanguha.
Nagulat ako ng makitang si Ash pala ito.
"Ikaw pala. Sige, ikaw na ang kumuha nito sa susunod ko nalang babasahin." Nakangiting sabi nito.
"Hindi na, ikaw naman ang unang nakakuha." Pagtangi ko dito.
"No, sige na pagkatapos mo na lang basahin ibigay sa akin." Sabi naman nito kaya wala akong nagawa kung hindi tangapin ito.
"Sige na nga, ang kulit mo eh." Sabi ko sabay lakad papunta sa mesang pinag iwanan ko ng gamit ko. Umupo na ako at nagulat ako ng umupo din siya sa harap ko.
"Oh, sumunod ka pala. Akala ko umalis ka na," sabi ko dito.
Ngumiti lang ito at nagsimulang magbasa kaya nilabas ko na yung notebook ko at nagsimulang magsagot. Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ako at the same time nagugutom na rin ako.
"Kumain ka na ba?" biglang tanong ni Ash.
"Uhm, hindi pa eh, hehe!" nahihiya kong sabi.
"Eto, may pagkain ako dito maghati nalang tayo tutal marami din ito." Nakangiting sabi niya habang nilalabas sa bag niya ang dalawang tupper wear.
"Ah, hindi na nakakahiya naman," tangi ko rito.
Kahit na nagugutom na ako eh nakakahiya pa rin lalo na't kasabay ko siyang kumain. Pero wala din akong nagawa ng tinangal niya na yung takip at inilagay sa harap ko tapos inabot niya sa akin yung kutsara at tinidor.
Hala! Prepared? Dalawa pa nga ang kutsara at tinidor.
"Iyan, kumain ka na."
"S-sige, salamat."
Nagutom ako lalo nang makita kong sinigang ang ulam hihihi paborito ko kasi ito eh. *0* Tumikim ako ng konti at wow, *0* ang sarap, hihihi.
"Ikaw ba ang nagluto nito?" tanong ko dito.
"Oo, masarap ba?" tanong niya naman.
"Hindi..." mukha naman siyang na-dissapoint "...kasi sobrang sarap niya!" pagpapatuloy ko sabay kain ng marami.
Napatawa naman siya ng mahina matapos makahinga ng maluwag.
"Akala ko hindi mo nagustuhan," sabi niya.
"Pa-paanong hindi, eh, ang sarap kaya ng luto. Akala ko nga hindi ka marunong magluto, eh." Sabi ko dito pagkalunok ng kinakain ko sabay inom ng tubig. Ngiti lang ang isinagot nito.
"Alam mo, you should smile often mas gumagwapo ka kaya kapag ngumingiti." Sabi ko napatawa naman ito.
"At saka, hindi ba napapanis ang laway mo, eh, ang dalang mong magsalita?" tanong ko dito pero tanging ngiti lang ang isinusukli nito pero napansin ko na isa itong malungkot na ngiti.
Dahil doon ay doon ko lang nalaman na ang daldal ko pala dahil sa mga tanong ko na walang kwenta.
"Uhm, pasensya na hindi ko sinasadyang maging masyadong madaldal." Paghihinging paumanhin ko dito.
Ash's POV
Dahil sa mga tanong niya kaya naalala ko ulit yung mga nangyari dati. Ganyan din yung mga sabi niya haha.
*Flashback*
12 years ago *Korea*
"Dapat lagi kang ngumingiti para pogi ka kasi ako maganda kaya dapat ikaw pogi okay?" nakangiti niyang sabi pero ngiti lang ang sinagot ko sakanya.
"Hayy, ano ba naman yan magsalita ka naman. Hindi ba napapanis ang laway mo at saka para akong baliw na nagsasalita dito. Ano ka ba pipe?" naaasar niyang sabi kaya napatawa ako ng mahina.
"Oh, ngayon naman tumatawa ka ng mag isa. Hayy, bahala ka nga diyan pupuntahan ko nalang si Mommy at itatanong ko kung bakit ayaw mong magsalita." Sabi niya sabay pasok sa loob ng bahay. Sinundan ko naman ito.
"Mommy! Mommy!" tawag niya sa nanay namin na busy sa pagbabake.
"Bakit, sweetheart?" matamis na sabi ni Mommy.
"Kasi Mommy si Oppa. Bakit po hindi siya masyadong nagsasalita?" tanong niya.
Napangiti naman si Mommy at tumingin sa akin.
"Kasi sweetheart ganyan talaga ang oppa mo, okay?" paliwanag ni Mommy.
"Eh, bakit po ako lagi akong nagsasalita samantalang si oppa, hindi naman." Nakanguso niyang sabi.
Napatawa naman si Mommy habang napapangiti ako.
"Huwag mo ng intindihin iyon at kumain nalang kayo ng oppa mo ng cookies na binake ni Mommy." Sabi niya at inilagay sa mesa ang isang plato ng cookies.
"Yehey, cookies!!" masayang sabi niya sabay upo.
Umupo na rin ako sa tapat niya at sinabayan siyang kumain. Paborito kasi namin itong kainin lalo na at si mommy ang nagbake. Habang kumakain kami ay nakangiti naman kaming pinagmamasdan ni Mommy.
*End of Flashback*
Malungkot akong napangiti habang inaalala ang nakaraan. Hayy, nakakamiss din sila Mommy at lalong lalo na siya. Pero maghihintay ako hanggang sa bumalik sa dati ang lahat.
*******
Thanks for reading!!!!!
Donghyun (boyfriend) as Ash
Guys, balak ko po sanang palitan yung user name ko. Pero nagdadalawang isip din ako kaya baka hindi na rin at sa susunod nalang.
Sorry po kung na-late itong chapter na ito dapat ay nung isang linggo pa pero busy po kasi sa school ngayon. Pasensya ulit.
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...