Aya's POV
Tahimik akong naglalakad dito sa hallway at nakakapagtakang napakatahimik ng paligid walang kahit isang estudyante ang nagtatangkang magsalita
Lahat sila ay tila nag aantay sa maaring mangyari
Kahit naweweirduhan at kinakabahan ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad
*Blaaaagggg*
Nagulat ako ng bigla akong madulas. Tinangka kong tumayo pero nadulas ulit ako
May mantika kasi sa sahig
*Whoooosshhhh*
Biglang may bumagsak sakin na mga harina
At nag umpisa na silang magtawanan habang binabato ako ng itlog
Napaluha ako hindi dahil sa ginagawa nila kundi dahil sa masakit ang paa ko na naunang bumagsak noong nadulas ako
Pinilit kong tumayo kahit madulas at masakit ang paa ko
Mabilis ngunit maingat akong naglakad habang patuloy parin sila sa pagbabato sakin
Nang makarating ako sa CR ay agad ko iyong nilock
Nilapag ko ang mga gamit ko sa sink at nagsimulang maghilamos
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin
Bakit ba lagi nila akong binubully? Hindi ba sila nagsasawa? Bakit?
Napaluha ako dahil sa mga tanong na hindi masagutsagutan
Sawang sawa na ako. Kailan ba sila titigil? Awang awa na ako sa sarili ko na hindi magawang ipagtanggol ang sarili ko
Pinunasan ko yung mga luha ko at nagpalit ng extra uniform ko. Mabuti nalang talaga at may extra uniform ako sa bag at sa locker
Inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas habang ika ikang naglalakad
Mabuti nalang at wala akong nakakasalubong na estudyante
Nang makarating sa room ay nakasarado ang pinto
Hala! Baka nandiyan na si Ma'am terror pa naman yun. Tahimik kasi kaya sigurado ako kadalasan kasi kapag walang teacher ay maingay sila
Binuksan ko yung pinto at bumagsak sakin ang isang timba ng tubig
Nagtawanan ang lahat dahil doon
Wala pa palang teacher kaya nila ito nagagawa
Dumiretso ako sa upuan ko kahit basa ako
Uupo na sana ako pero biglang may humila ng upuan ko kaya ang nangyari ay bumagsak ako sa sahig kaya mas lumakas ang tawanan nila
Tumakbo ako palabas kahit na kumikirot ang paa ko
Wala sila Hails at Zach kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta
Hanggang sa makasalubong ko sila Beatrice
Nakangisi ito at halatang gustong gusto ang mga nangyayari sakin
"Hindi ka kasi marunong sumunod kaya iyan ang napapala mo. Ano nagustuhan mo ba ang sorpresa ko sayo?" sabi niya habang nakangisi
"Ang kapal kasi ng mukhang mong makipagsayaw sa Zach KO! Sinabi ko na sayong layuan mo siya pero patuloy ka parin sa pagdikit sakanya. Matagal akong nagtimpi dahil lagi mong kasama sila Zach pero ngayon mabuti at wala sila dahil walang magliligtas sayo" mahabang dugtong niya sabay sampal sakin
Napabaling sa kabila ang tingin ko dahil sa lakas non at hindi ko rin napigilang mapaiyak
Napayuko nalang ako habang patuloy parin ang luha ko sa pag agos
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...