Hails's POV
Kasalukuyan akong naglalakad dito sa field. Wala kasi si Aya nasa library nagrereview para sa test namin mamaya.
Kung tinatanong niyo kung bakit hindi ako nagrereview ang sagot ay tinatamad ako. Okay lang naman sa akin kahit anong score hindi ako kagaya ni Aya na grade conscious.
Hayyyy, halos isang buwan na din pala kaming magkakaibigan.
Napatigil ako sa pag iisip ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Umupo kasi ako ng makakita ako ng bench. Nang makita ko kung sino ay bahagya akong napaatras– si Nate kasi ang nakaupo.
"Bakit mag isa ka? Nasan si Aya?" tanong niya.
"Ah, nasa library nagrereview," sagot ko.
"Oh, okay."
Matapos niyang sabihin iyon ay namayani ang katahimikan sa amin. Napatingin ako sa relo ko at napansin kong malapit ng mag time.
"Ah, mauuna na pala ako may klase pa kasi ako." paalam ko.
Magkaiba kasi ang klase namin pero magkakaklase kami sa iba.
"Sige pero gusto mo bang ihatid kita," tanong niya.
Nakakahiya namang tangihan kaya pumayag ako at saka chance ko na ito para makasama siya ng mag-isa.
"Okay."
Tahimik lang kaming naglalakad gusto ko mang magtanong ay hindi ko kaya dahil pinangungunahan ako ng hiya. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng room.
"Uhm, una na ako." sabi niya ng nakangiti.
"Sige. babye!" paalam ko.
Nakangiti ako habang kumakaway at ganon din siya habang naglalakad paalis.
"Ano yon, ha?" biglang tanong ni Aya na bigla bigla nalang sumusulpot. Bahagya niya pang binangga ang braso ko.
"W-wala! Nag-aya lang siya na sasamahan niya ako pabalik," sabi ko.
"Yieeehhh!!! Nagblublush siya!" pang aasar niya sabay sundot sa tagiliran ko.
Itong babaeng ito napaka moody kanina tahimik ngayon madaldal pero sa oras ng test seryoso yan.
Pumasok na kami ng makitang paparating na si Prof. Nag umpisa na siyang magpabigay ng test paper. Nang makuha ko na yung akin ay agad akong nagsagot.
May mga natandaan naman kasi ako sa mga nilesson ni Ma'am kaya kahit papano nakakasagot ako. Na-distract ako ng pumasok sa isip ko si Nate.
Hayyy, ang gwapo niya naman kasi at napakabait plus magaling pang magluto. Oh diba, perfect na.
Kasalanan niya kapag hindi ako nakapasa dito lagi nalang siyang pumapasok ng walang pasabi sa utak ko. Nagulat ako ng biglang sinabi ni Ma'am na ipasa na yung papel. Maraming nagviolent reaction at isa na ako doon.
Napatingin ako sa papel ko ka-kalahati ang sagot. Napakamot nalang ako sa batok bago ipasa ang test paper ko. Siguradong hindi ako papasa niyan hindi pa nga ako sigurado kung tama ang mga sagot ko.
"Okay class, bukas iaanounce ko ang score niyo." Sabi ni Ma'am bago umalis.
"Wala kang sagot noh?" tanong ni Aya.
"Meron kaya kaso kalahati lang," sabi ko sabay tawa ng mahina.
"Hindi ka kasi nagrereview eh at saka sigurado akong distracted ka," sabi niya at ngumiti ng mapang asar.
Sabi sainyo moody yan eh kanina seryoso sa test ngayon makulit na. Tsk, tsk. kaya kami naging magkaibigan nito pareho kaming malakas ang tama.
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...