Chapter 23: Who??

9.5K 364 35
                                    

Aya's POV

Habang naglalakad dito sa hallway ay dinig ko ang bulungan ng mga estudyante pero hindi tungkol sa akin dahil iba ang pinag uusapan nila

"Dumating na siya"

"Oo nga diba sila din ang may ari ng school na ito"

"Yes pero kasama niya yung apo niya"

"Oo yung nag iisa niyang apo"

Iyan ang usapan nila kaya hindi nila ako napapansin

Hindi ko maintindihan yung mga pinag uusapan nila kaya dumiretso nalang ako ng room

Pero hanggang dito ay iyon pa rin ang usapan nila at dahil din doon kaya walang klase

Nagpasya akong pumunta sa tambayan dahil baka nandoon sila

Wala kasi sila sa room kaya baka sakaling nandoon sila at hindi nga ako nagkakamali dahil nagdoon sila kaso hindi kumpleto

Wala si Zach at Ash

"Good morning!!" bati ko

"Morning/ Good morning" bati nila

"Nasan si Zach at Ash?" tanong ko sabay upo sa sofa katabi si Hails

"Nasa airport" sagot ni Josh na nakaupo sa single sofa habang nagcr cellphone

Yung kambal ay nagvi video games habang si Nate ay nasa kusina baka nagluluto

"Bakit?" tanong ko

"Dumating na kasi si Alexander Alcantara at bilang isa sa pinaka shareholder ang pamilya nila ay kailangang nandoon sila" paliwanang niya

"Eh si Ash?"

"Alam ko malapit ang pamilya nila sa Alcantara kaya nandoon din siya" paliwanag niya

"Ah okay"

"Ikaw naman namimiss mo agad si Zach. Bakit kasi hindi mo na sagutin?" sabi ni Josh

Ngiti lang yung sinagot ko sakanya kasi kahit ako hindi alam kung kailan siya sasagutin

"Teka nga sino ba yung pamilyang Alcantara na iyon?" takang tanong ko

Natigil naman sa pagvi video games yung kambal, si Josh na natigil sa pagkalikot sa cellphone ganun din si Hails

Binigyan nila ako ng tingin na nagsasabing 'seriously'

"Hindi ko talaga alam" pangungumbinsi ko

"Okay, si Alexander Zeus Alcantara ang pinakamayamang tao sa mundo kaya ang Alcantara ang nangunguna sa ranking ng mga mayayaman. Siya ang nag alaga dito pero ipapamana niya sana sa nag iisa niyang anak ang kumpanya ay naaksidente ito. Mayroon siyang kambal na Apo kaso nung 4 years old ang kambal ay naaksidente ang isa at nawala ng parang bula ang isa ng mamatay ang magulang nito" paliwanag ni Josh habang tumatango tango yung tatlo

"Eh sino yung sinasabing nag iisang apo nung mga naririnig ko" tanong ko

"Si Aaron Alcantara yun inampon siya ng mag asawang  Alcantara dahil nakita nila itong palaboy laboy. Nung panahong iyon ay dalawang taong gulang palang ang kambal. Naawa sila sa bata kaya inuwi nila ito at itinuring na parang tunay na anak kaya nung panahon na namatay ang mag asawa at nawala ang kambal ay siya na lang ang naiwan para mag alaga at tumulong sa lolo nito" paliwanag ni Hails

"Ah ganun ba, okay" sabi ko habang tumatango

"Kumain muna kayo nagbake ako ng cookies at brownies" biglang sabi ni Nate na bigla bigla nalang sumulpot

Nilapag nito ang dalang dalawang malaking mangkok na may lamang brownies at cookies sabay upo sa tabi ni Hails kaya napagitnaan namin siya

Kinain namin ang inihanda niya at nagsibalikan na sila sa kanya kanya nilang ginagawa

Ako naman ay napaisip sa sinabi nila

Kawawa naman pala si Alexander Zeus Alcantara dahil namatayan na nga siya ng anak ay nawala rin ang mga Apo niya pero mabuti nalang ay may bata silang naampon at least kahit papaano may mag aalaga sakanya

Aanin niya pa ang sandamakmak na pera kung wala ka namang pamilya na gagamit nito

Pero sabi nila ay nawala ng parang bula yung isa sa kambal kaya baka hinahanap niya iyon saka ipamamana sakanya

-----

Mabilis lumipas ang oras. Umuwi muna kami sa kanya kanya naming bahay dahil wala rin namang pasok

Naglinis nalang ako ng bahay dahil wala rin naman akong gagawin. Mamaya pa ako papasok sa trabaho kaya mabuting maglinis muna

Nang mag 4:30 na ay nagsimula na akong mag ayos

Pagkatapos ay nilock ko na yung bahay at naglakad papunta sa restaurant na pinagtra trabahuhan ko

Hanggang doon ay pinag uusapan pa rin ang pagdating ng pinakamayamang tao sa mundo

Hayyy ganiyan talaga pagsikat pinag uusapan talaga

Nagsimula na akong mag serve at maglinis ng mga table

"Aya paserve sa table 8" sabi ni Ate Vivoree kaya kinuha ko na iyon at sinerve

"Here's your order Sir" sabi ko sa lalaking nakaupo sa table na iyon "Enjoy your meal" dugtong ko pa matapos ilagay yung order niya

"Thank you" sabi niya sabay tingin sakin habang nakangiti

"Welcome sir" sagot ko at bumalik sa counter para mag serve pa

Pero parang nakita ko na yung lalaking iyon dati pero hindi ko maalala

Umupo muna ako saglit sa tabi ni Ate Vivoree dito sa counter

Nakakangawit kasing magpalakad lakad pero sanay na ako atsaka wala pa namang iseserve at lilinising table kaya okay lang na umupo

"Alam mo na ba yung balibalita ngayon?" tanong ni Ate Vivoree pagkaalis nung customer na nag order

"Ano yung tungkol doon sa pagdating nung pinakamayamang tao sa mundo? Kung iyon alam ko na dahil iyan ang pinag uusapan kahit saan atsaka iyan din yung dahilan kaya wala kaming pasok kanina" sabi ko

"Ah okay alam mo na pala akala ko hindi pa eh pero sabi nila gwapo daw yung Apo niya. Gusto ko nga siyang makita eh kaso walang chance napakalabo" sagot niya

"Magseserve na ako mamaya nalang tayo magkwentuhan kapag wala ng customer" paalam ko at hinatid yung order

"Here's your order maam. Enjoy your meal" sabi ko sabay lapag ng order niya

Naglinis ako ng ibang table pagkatapos

Hindi rin nagtagal ay nagsara na kami

"Bye ingat kayo" paalam ko sakanila at naglakad na pauwi

Habang naglalakad ay may naalala ako

Yung lalaki kanina parang naalala ko na kung sino siya

Siya yung gwapong customer last 2 months

Hindi ko alam pero bakit parang big deal sakin yun eh customer lang naman yun atsaka aish basta

Pumasok na ako sa apartment na tinutuluyan ko at nagbihis

Nag ayos lang ako ng konti at natulog na

Hayyy nakakapagod ang araw na ito at andami kong nalaman

******

Thanks for reading!!!!

Please vote and comment!!

Picture po ni Alexander Alcantara sa media. Ilalagay ko nalang po sa next chapter yung picture ni Aaron Alcantara

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon