Ash's POV
Kanina pa ako kinakabahan habang nakaupo dito sa upuan ko. Wala pa kasi si Aya at sa mga oras na ito ay dapat nandito na siya. Malapit ng mag-time at hindi niya ugaling malate
"Bakit wala si Aya?" biglang tanong ni Hails habang nakatingin sa katabing upuan niya kung saan nakaupo si Aya
Hindi nagtagal ay nagbell na kasabay ng pagpasok ng teacher namin. Mas lalo akong kinabahan pasimple kong tinext si Butler Kang para ipahanap si Aya
Nakita ko naman si Zach na kanina pa nakatingin sa cellphone niya na parang may hininihtay. Alam kong alam niya na ang tungkol kay Aya pero hinayaan ko nalang sila
"Where's Ms. Khan?" tanong ni Maam Melisa Math teacher namin
Lagi kasing sumasagot si Aya sa klase niya kaya alam kong nakakapagtaka na wala siya. Sana walang nangyaring masama sakanya dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko
"Wala po Maam hindi pumasok" sagot nung isang babae sa harap
Nagtataka man ay pinagpatuloy na ni Ma'am yung klase
Pagkatapos ng klase ni Ma'am Melisa ay agad kaming nagkumpulan na magkakaibigan
"Bakit wala si Aya? May sinabi ba sayo Hails kung bakit?" agad na tanong ni Josh
"Hindi"
"Alam kong papasok siya sabi niya yun kahapon" sabi ni Zach
"Oo nakita ko siya kanina tatlong kanto ang layo sa school. Isasabay ko sana kaso ayaw niya" sabi ko
Totoo ang sinabi ko ihahatid ko sana siya papasok pero ayaw niya kahit na isang kanto ang layo sa school
"Kung nakita mo siya eh bakit wala pa siya dito?" tanong ni Nate
"Iyan ang hindi ko alam" sagot ko
"Tingnan natin sa may sinasabi mong lugar kung saan mo siya nakita kanina" sabi ni Zach
"Eh paano may klase tayo?" tanong naman ni Hails
"Hindi na mahalaga ang klase natin dahil mas mahalaga si Aya. Bryan, Bruce at Josh dito kayo sa loob ng school baka nandito lang siya. Hails at Nate sa may apartment at restaurant na pinapasukan niya kayo. Kami ni Ash ay maghahanap sa pangatlong kanto" pagpapaliwanag ko
"Bakit sa pangatlong kanto kayo?" takang tanong ni Josh
"Dahil doon siya huling nakita baka may nangyari na hindi maganda sakanya na sana ay hindi mangyari" sagot ni Zach
Kinuha na namin ang mga gamit namin at lumabas na ng room. Pinagtinginan pa kami ng mga kaklase namin pero binalewala lang namin sila
Dinala naming dalawa ni Zach yung kotse namin at pumunta sa destinasyong nakaatang
"Doon ka dito ako. Magkita nalang tayo dito mamaya" sabi ko kay Zach
Tinanguan naman niya ako saka siya naghanap sa kanan. Ako naman ay sa kaliwa
Iniwan namin yung kotse namin sa isang lumang bodega. Nagsimula na akong maglakad habang hinahanap at sinisigaw ang pangalan ni Aya
"Aya! Nasan ka?!" sigaw ko
Kakikita ko lang ulit sa kakambal ko kaya sana ay wag ulit siyang mawala sakin
Halos naikot ko na yung kaliwang parte pero hindi ko pa rin siya mahanap. Hapon na kaya nagpasya na akong bumalik sa kotse. Nakita ko silang lahat doon
"Ano may nakita ba kayo?" tanong agad ni Zach ng makumpleto kami
Lahat kami ay iling ang sinagot kaya napahilamos siya sa mukha niya sa sobrang frustration
Napatingin naman ako sa bodega sa harap namin at sa langit na unti unting dumidilim
"Gabi na. Anong gagawin natin?" sabi ni Hails ng mag-gabi
Nagulat nalang kami ng biglang bumuhos ang ulan kasabay ng kulog at kidlat
Sumilong kami sa bubongan mas malapit sa bodega. May ilaw naman kaya okay lang
"Omygod!" napatingin kaming lahat kay Hails dahil sa pagsigaw niya
"OA mo. Kulog at kidlat lang yan" saway sakanya ng pinsan niya
"Para satin pero kay Aya hindi. Takot siya sa kulog at kidlat. Lagi ko nga siyang sinusundo dati tuwing ganyan ang panahon kasi hindi siya nakakatulog at umiiyak lang. Please kailangan na natin siyang mahanap as soon as possible" naiiyak ng sabi ni Hails
Doon ko lang din naalala ang tungkol sa takot niya
Napatingin kaming lahat sa bodega ng may narinig kaming kalabog parang may nahulog
"Ano yun" agad na napadikit si Hails kay Nate
"Hindi pa natin yan natitingnan" sabay tingin ko kay Zach
"Tara tingnan natin" sabi niya at bumalik sa kotse para manguha ng flashlight at ganun din kami
Sama sama kaming naglakad papasok sa loob. Nasa may pinto na kami ng may narinig kami na parang umuungol at umiiyak
Mabilis kong binuksan yung pinto at tiningnan ang buong paligid. May nakita akong mga lata na nakatumba at sa baba nun ay may tao na nakatali sa bangko. Sakanya nanggagaling yung ungol at iyak
Tatakbo na sana ako papunta sakanya pero naunahan ako ni Zach. Kinalagan namim siya habang iyak lang siya ng iyak habang nakayakap kay Zach
Alam namin na takot na takot siya. Sino ba kasi ang may gawa sakanya nito? Magbabayad siya hindi niya kilala ang binabangga niya
Lumabas na kami roon at bumalik sa kotse pero nakita namin doon si Beatrice
Mukhang kilala ko na kung sino ang may pakana
"Hindi kayo pwedeng umalis" sabi niya at timingin ng masama kay Aya na nakaakay kay Zach
"Aalis kami sa ayaw at sa gusto mo kaya umalis ka sa daraanan namin" matigas na sabi ko sakanya
"Hindi kayo makakaalis ng hindi ko nakukuha kung ano ang akin at akin si Zach! He's Mine at ako dapat ang pakakasalan niya hindi ikaw!" sigaw niya habang umiiyak pero bigla siyang tumawa
"Tumigil ka na Beatrice! Hindi mo ako pag-aari at kailanman ay hindi ako magpapakasal sa isang baliw na katulad mo!" matigas na sabi ni Zach
"Umalis ka na sa daraanan namin habang nakakapagpigil pa ako sayo! Hindi ko alam na magagawa mong gawin to kay Aya at dahil sa ginawa mo ay hindi kita mapapatawad!" galit na dagdag niya pa
"Bakit ba hindi mo ako magawang mahalin? Mas maganda at mas mayaman naman ako sa babaeng yan kaya bakit?" umiiyak na sabi niya
"Beatrice tumigil ka na! Walang patutunguhan ang pag-uusap na ito kaya padaanin mo na kami" pakiusap ni Aya
"Ikaw! Dahil sayo kaya hindi ako magawang mahalin ni Zach! Dahil sayo! Ang dapat sayo mamatay!" sigaw niya kay Aya at nagulat nalang kami ng bigla siyang naglabas ng baril at tinutok kay Aya
"Beatrice ibaba mo yan" mahinahon kong sabi at unti unting lumalapit sakanya
Nilagay ni Zach sa likuran niya si Aya para protektahan
"Hindi hanggat hindi siya namamatay" sabi niya at biglang nagpaputok
Nagulat kami sa bilis ng pangyayari. Nakita ko na si Zach sana ang tatamaan pero mabilis na pinagpalit ni Aya ang pwesto nila kaya siya ang tinamaan. May tama siya sa tiyan
Mabilis kong hinuli si Beatrice at inagaw ang baril na hawak niya. Tinalian namin ang kamay niya at isinakay sa kotse ng kambal. Silang dalawa na ang bahalang magdala sakanya sa prisinto
Bumalik ako kay Aya na kasalukuyang sinasakay sa kotse ni Zach. Dinala namin si Aya sa ospital. Habang nasa biyahe ay hindi ako mapakali
Pakiusap iligtas niyo si Aya hindi ko kayang mawala ulit siya samin. Kahahanap ko palang sakanya kaya hindi pwede
Pakiusap Aya kayanin mo. Magpakatatag ka at lumaban nandito lang kami
*****
Thanks for reading!!!
Okay! I think 5 chapters bago matapos? Sorry guys pero malapit na siyang matapos. Ayoko man pero kailangan
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...