Zach's POV
Hindi muna ako umuwi pagkalabas ko
Kahit wala na siyang sakit babantayan ko pa rin siya lalo na at mag isa lang siya doon
Nakaupo ako sa loob ng kotse ko na nakaparada sa tapat ng apartment niya
Kita ko dito ang ilaw na nagmumula sa kwarto niya
Madilim na rin at kanina pa ako umalis sa bahay niya. Nandito lang ako at binabantayan siya kahit na malayo
Pero seryoso ako sa sinabi ko kanina. Ang totoo nga niyan eh kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya kaya hindi ko na nahintay ang sagot niya
Hindi ko alam kung kailan to nagsimula basta nalaman ko nalang na mahal ko na siya
Tsk ganto pala yung feeling kapag umamin ka kaso hindi pa rin ako makahinga ng maluwag dahil hindi ko alam kung pareho kami ng nararamdaman
Bakit kasi hindi ko hinintay yung sagot niya at umalis nalang? Tsk. Tsk
Pero at least nakaamin na rin pero sana katulad din ng nararamdaman ko yung nararamdaman niya
Kung hindi ay liligawan ko siya hanggang sa magkagusto rin siya sakin
+++++
Aya's POV
Maaga akong pumasok ngayon para magawa ang mga hindi ko nagawa kahapon kasi nga diba absent ako
Pero nagulat ako ng may magbigay sakin ng isang blue na rosas
At may nagbigay pa hanggang sa maka tatlo
Ang ganda ng rose. Sino kaya ang nagbigay nito? At alam niya ang paborito kong kulay ng rose
Nang makarating ako ng room binuksan ko yung pinto at tumambad sakin si Zach na may hawak na kahon ng chocolate at isang rosas na blue
Siya palang mag isa sa room dahil siguro maaga pa o pinaalis niya
"Para sayo" sabay abot ng chocolate "Mas maganda ka pa sa umaga" dagdag niya at inabot sakin yung rosas
Napangiti naman ako
"Akala ko binibiro mo lang ako sa sinabi mo kahapon" sabi ko
"Diba sabi ko sayo seryoso ako atsaka hindi mo na kailangang sumagot sa tanong ko" sabi niya
"Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko pero alam ko sa sarili ko na gusto kita pero hindi pa ako sigurado kung mahal kita kaya sana mahintay mo na malaman ko ang tunay kong nararamdaman" sagot ko kahit na sinabi niyang wag ko ng sagutin
Gusto ko kasing malaman niya yung nararamdaman ko
"T-talaga may gusto ka sakin?" gulat na tanong niya kaya tumango ako "Pangako hihintayin kong mahalin mo rin ako" sabi niya sabay taas ng kanang kamay niya na parang nanunumpa habang nakangiti ng malapad kaya napangiti ako
"Pupunta muna ako sa faculty" paalam ko
"Samahan na kita" sabi niya sabay kuha ng bag ko
Pilit kong binawi pero hindi niya iyon hinayaan kaya hinayaan ko na siya
Dumaan muna kami sa locker para ilagay yung chocolate at rose
Mamaya ko nalang kukunin pag uwi. Pagchi chismisan lang ako kapag nakita nila akong may dalang ganyan
Tapos pumunta na kami sa faculty
Naalala ko na pareho pala kaming wala kahapon kaya pareho kaming kumuha ng exam
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...
