Aya's POV
Pagkatapos magpakilala nung limang babae ay nagpaalam sila na aalis na
Pagkaalis nila ay natahimik kami ni Hails habang naghihintay ng paliwanag ang boys. Napabuntong hininga naman ako at magsasalita na sana ng biglang magtanong si Kuya
"Niligtas? Saan naman nila kayo niligtas?"
"Ah… sa ano… uhm" utal utal na sabi ni Hails kaya ako na ang nagsalita
"Niligtas nila kami sa may mga lalaki na…" putol kong sabi
"Na?" tanong ni Zach habang naghihintay yung iba. Napatingin naman ako kay Hails saka nagpatuloy
"Na may masamang balak samin kasi---" naputol yung sasabihin ko dahil sa sigaw nila
"Ano? Sino yang mga lalaking yan ha? Lagot sila sakin" sabi ni Josh at punatunog pa ang daliri niya sa kamay
"Dito nga tayo. Agaw atensyon tayo eh" sabi ni Nate at hinila kami papunta sa may sulok
"Hindi naman natuloy kasi dumating sila" sabi ni Hails
"Eh paano kung hindi sila dumating? Ano ng nangyari sainyo ngayon?" may bahid ng galit na sabi ni Nate. Malayo sa Nate na mahinahon at pasensyoso
"Teka nga bakit ba napunta kayo doon? Nangyari sainyo yan?" sabi naman ni Bryan
"Eh paexplainin niyo muna kasi kami. Singit kasi kayo ng singit eh" sabi ni Hails at tumingin sakin
Luh? Bakit ako? Napabuntong hininga naman ako at nagsimulang magkwento
"Nung humiwalay kami sainyo ay may sinundan kaming mga lalaki. Sabi kasi ni Hails sundan daw namin kasi gwapo sinaway ko pa siya at sinabing may boyfriend na kami pero sabi niya susundan lang namin at hindi lalapitan at kakausapin. Pero hindi namin napansin na wala na palang masyadong tao dun sa napuntahan namin at nawala na rin yung sinusundan namin. Nung una palang masama na ang kutob ko sakanila at mas tumindi yun ng makita namin sila sa likod namin at nakatingin samin na parang may masamang balak. Pero bago pa nila magawa ang pinaplano nila ay dumating yung limang babae at binagbubugbog namin yung mga lalaki saka kami tumakbo palayo then nakita namin kayo the rest is history" mahabang paliwanag ko
Sermon naman ang inabot naming dalawa bago kami nagpasyang umuwi nalang dahil nawala na daw sa mood yung tatlo
Kasama ko si Zach at sinabing siya na ang maghahatid sakin pero ng akala kong uuwi na kami ay nagulat ako ng huminto kami sa park
Umupo kami sa may bench ng tahimik
"Hindi ko akalain na magiging tayo" pambabasag niya sa katahimikan
"Bakit?" takang tanong ko
"Kasi pinangako ko sa sarili ko na hihintayin ko yung pagbabalik niya"
"Sino?"
Pabitin pa kasi eh. Pwede namang diretsuhin nalang
"Si… hindi ko alam ang pangalan niya dahil hindi niya sinabi sakin"
"Eh paano mo siya makikilala?"
"Dahil may binigay ako sakanyang kwintas. Yung kwintas na bigay mismo ng nanay ko. Sinabi ko sakanyang alagaan yun dahil importante sakin iyon pero bigla nalang siyang nawala. Sabi nila naaksidente daw pero naniniwala akong buhay pa siya" paliwanag niya
"Importante pala yung kwintas pero bakit binigay mo sakanya?" tanong ko
Maaaring nagiisang alaala nalang iyon ng nanay niya pero binigay niya sa iba. Kung nagtataka kayo stepmother lang kasi nila yung tinuturing niyang nanay. Nung 2 years old palang daw kasi si Zam ay namatay yung nanay niya
"Kasi importante siya sakin kaya pati yung pinakaimportanteng bagay sakin ay ibibigay ko sakanya" sabi niya at tuningin sa papalubog na araw
"Ang swerte niya" nasabi ko nalang
Swerte siya dahil kahit alam ng lahat na patay na siya ay may tao paring naniniwala na buhay siya at babalik
"Hinintay ko siya kahit gaano katagal pero nakilala kita. Inalis mo siya at pinalitan. Hindi kita pinigilan dahil naramdaman ko na magkatulad kayo. At hindi ako nagsisi na minahal kita dahil naging masaya ulit ako" sabi niya at tumingin sakin
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. At least hindi na siya yung mahal kundi ako na
"Matanong ko lang. Anong itsura nung kwintas?" curious na tanong ko
Saglit na nag-isip siya bago sumagot
"Hmmm… silver na nakatwist tapos meron siyang mga gems na maliliit then may blue crystal. Ganyan yung itsura nun sa pagkakatanda ko. Bakit mo natanong?" sabi niya
Ha? Bakit? Yung pagkakadescribe niya. Ganun na ganun yung kwintas ko
Nilabas ko naman yung suot kong kwintas at ipinakita sakanya
"Ganito ba? Ganito ba yung kwintas na sinasabi mo?" tanong ko gulat na tiningnan niya ito sabay tingin sakin
"Ganitong ganito yun. Saan mo to nakuha? Sinong nagbigay sayo? Sayo ba to?" tanong niya
"Suot ko na yan simula ng magising ako sa ospital 14 years ago. 4 years old ako nun pero tandang tanda ko pa " sabi ko
"14 years ago? Bakit?"
"Nagising ako sa ospital noon sa Japan na walang maalala. Para kong bagong silang na sanggol dahil parang noon nasilayan ang mundo. Nakita ko lang sila Mama at Papa sa tabi ko. Pagkadischarge ko nga ay agad kaming pumunta sa pilipinas at dito namuhay" paliwanag ko
"Wala kang maalala? Japan? 14 years ago?" tanong niya
"Oo bakit?" takang tanong ko pero nagulat ako ng niyakap niya ako
"Sa wakas at nakita na kita. Akala ko hindi na kita makikitang muli. Kaya pala mabilis mo nalang siyang napalitan dahil ikaw siya. Muntik pa akong sumuko at maniwalang patay ka na" sabi niya at nagulat ako ng maramdaman kong basa na yung balikat ko
Hala? Umiiyak siya? Omo anong gagawin ko?
"A-ano bang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko
"Ako to. Ako ang nagbigay sayo nitong kwintas kasi importante ka sakin. Hindi mo nga lang ako maalala. Kahit isang buwan palang tayong magkakilala noon ay naging mahalaga ka na sakin. Salamat dahil nakita na ulit kita" sabi niya at pinunasan yung luha niya
"Ako? Ako yung babaeng hinahanap mo? Muntik pa kong magselos sa sarili ko" pagmamaktol ko
"Kilala ko ang tunay mong pamilya, Aya. Gusto mo bang ibalik na kita sakanila?" tanong niya
So? Kilala niya na ako dati at naging magkaibigan pero bakit hindi sinabi ni Kuya? Pero pwede ko namang sabihin sakanya diba? Mapagkakatiwalaan ko naman siya
"Actually nakita ko na sila at doon ako nakatira ngayon" sagot ko
"Eh bakit sa apartment ka pa rin nagpapahatid? Bakit hindi mo sinabi sakin?"
"Kasi… sabi ni Lolo wag ko daw sabihin kahit kanino kaya wag mo ding sasabihin kahit kanino ha? Secret lang natin. Siguradong malalagot ako kapag nalaman nila. Basta wait kalang hanggang sa birthday namin" sabi ko sakanaya
"Ok po secret lang. Halika na at ihahatid na kita sa apartment mo. May susundo naman sayo doon diba?" tumango naman ako at hinatid niya na ako
******
Thanks for reading!!!!
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Teen FictionSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...