Chapter 44: Her Plan

9.1K 327 20
                                    

Beatrice's POV

I can't believe it! Bakit? Paano? Aarrgghh! Bwiset! Bwiset! How could she?!

Hindi niya pwedeng maagaw ng tuluyan sakin si Zach! Paano niya nakuha ang loob ni Tito? Ginayuma niya rin ba gaya ng ginawa niya sa Zach KO?!

How dare she is?! Hindi niya pwedeng maagaw si Zach dahil akin siya! Akin!

I dialed a number and after 3 rings ay sinagot na niya

"Hello?" sabi nung nasa kabilang linya

"Do me a favor" sabi ko

Isa siya sa mga mapagkakatiwalaang alagad ng pamilya namin

"Kahit ano basta ikaw" sagot niya

Isa din siya sa mga gagawin ang lahat para sa kagustuhan ko. Lahat.

Ngayon magsisisi ka na tuluyan mong inagaw si Zach sakin. Wala akong pake sa image ko ang mahalaga lang sakin ay mabalik sakin si Zach. Ako lang ang maaaring pakasalan ni Zach. Ako lang dapat ang babaeng magmamahal at mamahalin niya. Wala ng iba.

                       ~#~

(Italized are flashbacks)

Aya's POV

Naglalakad ako ngayon dito tatlong kanto ang layo sa school. May binili kasi ako sa convenient store malapit dito kaya doon ako nagpababa kay Kuya. Sinabi ko nalang na maglalakad nalang ako nung una ayaw niya pa pero kalaunan ay napilit ko rin

Patawid ako ng tawiran at ng nasa gitna na ako ay nagulat ako ng may makita akong mabilis na kotse na papunta sakin

Gusto ko mang umiwas pero hindi sumusunod ang katawan ko. Hanggang sa may mga pangyayari akong nakita

Nakatayo ako sa tabi ng kalsada at may nakita akong isang batang babae na nasa gitna ng kalsada habang nakatingin sa kabilang parte ng kalsada at nakita ko doon ang isa pang batang babae na nakatayo habang walang emosyon na nakatingin sa batang babaeng nasa gitna ng kalsada. Pilit kong tinitingnan ang itsura ng dalawang bata pero malabo

Nagulat ako ng may nakita akong rumaragasang sasakyan na papunta sa batang babae pero nanatili lang siyang nakatingin sa batang babae

Sinigawan ko yung bata na mababanga siya pero parang hindi nila ako naririnig at nakikita

Napasinghap ako ng makitang nabangga yung batang babae pero nanatili lang ang reaksyon nung isang bata na parang inaasahan niya na ang mangyayari pero hindi nakalampas sa paningin ko ang pagtulo ng luha niya at paghingi ng patawad sa batang nakahandusay sa gitna ng kalsada

Biglang nagising ang diwa ko ng maramdaman ko ang malamig na tubig na binuhos sakin

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Beatrice na may kasamang lalaki na may hawak na balde

"Mabuti naman at gising na ang mahal na prinsesa" nakangising sabi niya

Sinubukan kong igalaw ang mga kamay at paa ko pero nakatali sila sa upuan na kinauupuan ko. May busal din ang bibig ko kaya hindi ko masigawan ang baliw na babae sa harap ko

Inalala ko ang pangyayari bago to mangyari. Nakita kong may babangga na kotse sakin at may mga imahe akong nakita na hindi ko alam kung ano. Nakita kong may bumabang lalaki at pinaamoy sakin yung panyong hawak niya. Pagkatapos nun ay nawalan na ako ng malay

"May gusto ka bang sabihin? Kawawa ka naman at hindi ka makapagsalita" sabi niya at lumapit sakin sabay hila sa buhok ko at pinatingin sakanya

Tiningnan ko siya ng masama na siyang kinagalit na kaya sinampal niya ako. Tinanggal niya yung busal ko

"Iyan magsalita ka! Wala namang ibang makakarinig sayo eh" sabi niya

"Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mo! Pakawalan mo ako dito!" sigaw ko agad sakanya

"Mas makapal ang mukha mo! Inagaw mo sakin si Zach! Ginayuma mo rin siguro yung tatay niya kaya tanggap ka na! Napakawalang kwenta mo! Akin si Zach!" sigaw niya pabalik sakin sabay sampal

"Tandaan mo hindi ko inagaw si Zach sayo dahil akin talaga siya. Mas lalong hindi ko sila ginayuma. Tumigil ka na sa kahibangan at kabaliwan mo Beatrice!" balik kong sigaw sakanya

"Hindi ako baliw! Pagkatapos ng araw na ito ay magiging akin na si Zach at kahit kailan ay hindi  na kayo magkikita pang muli" sabi niya sakin at binalik yung busal sa bibig ko

"Hmmm! Hmmm!" iyan lang yung ingay na nagagawa ko kaya tumawa si Beatrice na parang baliw

Yung kasama niya naman ay tila nanonood lang at walang balak na mangielam

"Tara na umalis na tayo" sabi ni Beatrice

Tiningnan muna ako nito ng masama at inirapan bago tumalikod kasunod yung lalaking kasama niya

What? Iiwan niyo ako dito? Ng mag-isa?

Nagsimula na akong magpanick ng makita kong nagsasara na yung pinto at narinig ko pa na nilagyan yun ng kadena

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko

Please balikan niyo ako dito. May gusto ko pang mabwiset sa kakatingin ng masama kay Beatrice kaysa maiwan ng mag-isa dito. Natatakot ako

Hindi wag kang susuko agad Aya. Hahanapin ka nila Zach lalo na si Kuya. Pero nasan nga ba ako? Para akong nasa bodega dahil makalat at maalikabok. May nakita akong bintana pero nasa pinakataas at base sa nakikita kong kulay ng langit ay hapon na at palubog na ang araw

Alam ko na kanina pa nila ako hinahanap lalo na si Kuya at Zach. Pero bakit parang iba ang dilim ng langit? Uulan ba?

Pilit kong tinatagan ang sarili ko dahil alam kong ano mang oras o minuto ay darating na sila pero unti- unti yung nababawasan

Madilim na. Bakit wala pa sila?

Nagulat ako ng biglang umulan ng malakas at maya maya ay kumidlat at kumulog

"Hmmm! Hmmm!" sigaw ko kahit na ganyan na boses lang ang lumalabas

Umaasa na may makakarinig sakin. Nagsimula na akong lumikot likot sa upuan ko dahil sa takot

Takot ako sa kulog at kidlat. Tuwing ganyan ang panahon ay lagi akong sinusundo ni Hails sa apartment dahil alam niyang takot ako

Gumalaw lang ako ng gumalaw hanggang sa may makita akong mga lata malapit sakin

Sinubukan kong italon talon yung upuan at nagawa ko nga pero ramdam ko ang hapdi ng kamay at paa ko

Nang makalapit ako ay gumalaw galaw ako para matumba yun at nagtagumpay ako pero kasabay non ang pagtumba ko rin

Napaungol ako sa sakit kasabay ng paghagulgol ko. Hindi ko na nakayanan yung pinaghalong sakit at takot

Sana ay may nakarinig manlang ng ginawa kong ingay dahil kung hindi ay hindi ko alam kung anong mangyayari sakin at gagawin ko

Kuya, Zach nasan na ba kayo? Pakiusap iligtas niyo ako. Hindi ko na kaya. Natatakot ako


*******

Thanks for reading!!!!!

Iyan! Pinilit ko pong tapusin ngayong gabi yan para makapag-update pa rin ako. Salamat sa patuloy na pagsuporta

Nerd to PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon