Aya's POV
Maaga palang ay umalis na kami sa yate at hinatid niya ako sa apartment. Alam niyo na walang may alam na hindi na ako dun nakatira at hindi nila pwedeng malaman
Tinawagan ko si Butler Kang dahil sabi ni Lolo ay pwede daw akong magpasundo sakanya at mag-utos
Hindi nagtagal ay dumating na siya at bumiyahe kami ng tahimik hanggang sa nakarating kami sa bahay
Sinalubong kami ng tahimik na mansion habang tahimik na nagtratrabaho ang mga kasambahay
Umakyat naman ako sa kwarto ko para mag-ayos. Pumasok ako sa banyo at inayos yung bathtub
Umupo naman ako sa kama habang naghihintay
Ano kayang mangyayari pagpasok ko mamaya? Baka sugudin na naman ako ni Beatrice dahil sinira ko yung engagement party nila? Pero hindi naman ako ha? Si Zach kaya
Geez! Kinakabahan tuloy ako baka mas malala pa yung abutin ko ngayon kaysa dati pero ang pinagkaiba lang kasama ko na sila Zach para tulungan at protektahan ako
Nagbabad muna ako sa bathtub at pagkatapos ay nagbihis at nag-ayos na bago bumaba para sa almusal
Si Kuya palang ang nandoon pagdating ko
"Oh kamusta?" bungad niya agad sakin pagkaupo ko
"Anong kamusta?" balik tanong ko habang kumukuha ng tinapay at pinalamanan ng ham at itlog
"Yung pinuntahan niyo ni Zach? Kamusta?" paglilinaw niya
"Ahh! Ayos lang" sabi ko sabay kagat sa tinapay
"Ayos lang? Hindi ba maganda? Kasama kaya ako sa nagplano nun. Nakakaoffend ka naman. Kami na nga gumawa ng effort para sa inyong dalawa eh" nagtatampo niyang sabi
Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya bago uminom ng tubig
"Maganda po. Napakaganda ng view tapos masarap sa pakiramdam yung malamig na simoy ng hangin" sagot ko at napapapikit pa habang inaalala yung nangyari
Napangiti naman ito at nagpatuloy sa pagkain
"Salamat pala Kuya" napatigil naman siya sa pagkain at tumingin sakin
"Bakit?"
"Kasi pinayagan mo akong makasama siya saka kung hindi dahil sa inyo baka natuloy na yun" sabi ko at medyo lumungkot yung boses ko
"Walang anuman. Kahit ano gagawin ko mapasaya ka lang" nakangiti niyang sabi kaya napangiti din ako
"Naku! Nagdradrama ang kambal" paninira ni Kuya Aaron habang naglalakad papunta sa tabi ni Kuya
"Tsk panira ka naman eh" asar na sabi ni Kuya
"Binigyan ko na nga kayong dalawa ng oras eh. Tiniis ko pa yung pagkalam ng sikmura ko para lang makapag-usap kayo at ngayong hindi ko na kaya bahala na kayo" mahabang lintanya ni Kuya Aaron at kumain na
Napatawa kami ni Kuya dahil sa kalokohan niya. Wala si Lolo dahil may aasikasuhin daw siya sa Japan
Pagkatapos kumain ay pumasok na kami at katulad ng laging ginagawa binaba ako ni Kuya sa kanto
Pagpasok ko sa school ay sakin na agad nakatuon ang atensyon ng lahat pero hindi ko sila pinansin at dire-diretsong naglakad
Napatigil ako ng makita ko sa dulo ng hallway si Beatrice kasama yung mga alipores niya. Nakangisi ang mga ito pero si Beatrice ay masama ang tingin sakin at kung nakakamatay lang siguro yun pinaglalamayan na ako
Tumigil ako sa harap nila at matapang na sinalubong ang tingin ni Beatrice
Ito na ang oras para ipaglaban ko ang akin. Hindi pwedeng lagi akong nakaasa sa proteksyon ng mga kaibigan ko. Panahon na para harapin ang mga problema ko dahil hindi ito titigil hanggat hindi ko nilalabanan
"Ha! Ngayon nagkalakas ka na ng loob ha? Tingin mo kaya mo ako? Isa ka lang Nerd! Nerd na walang ibang gawin kundi magbasa at mang-agaw ng iba!" matigas at galit niyang sabi
"Hindi ako ang nang-agaw sa ating dalawa Beatrice! Ikaw ang umagaw sa boyfriend ko. Boyfriend ko si Zach pero para kang linta kung makakapit sakanya! Ako ang mahal niya Beatrice at hindi ikaw!" galit kong sagot sakanya na dahilan para magsinghapan ang mga tao sa paligid
"Ang kapal talaga ng mukha mo! Ako pa ang sinabihan mong parang linta na nakadikit sakanya! Ako ang unang nakakilala at nagmahal sakanya kaya akin siya! Ako ang fiancee niya at mas lalong ako ang pakakasalan niya! Wala akong pake kung mahal niya man ako o hindi ang mahalaga ay maging siya! Akin si Zach at hindi sayo kaya gagawin ko ang lahat para bawiin siya!" desperadang sabi niya
Nagulat naman ang iba dahil para na siyang baliw sa pagiging obsessed niya
"Baliw ka na Beatrice. Sobra na ang pagiging assumera mo at mas lalong sobra na ang pagka obssesed mo sa boyfriend ko na fiancee ko na ngayon!" ganti ko
Sobra na siya!
Nagulat ako ng sampalin niya ako at ang lakas non. Napasinghap naman ang lahat at parang namanhid yung kaliwang pisngi ko sa sakit at lakas nun
"Hindi ako assumera at obssesed! Mas lalong hindi ako baliw! Ako rin ang fiancée niya! Ako at hindi ikaw!" sabi niya at biglang umiyak then nagulat kami ng bila siyang tumawa na parang baliw
Geez! Nakakatakot siya
Naramdaman kong dumating sila Zach at nasa gilid at likod ko sila. Yung mga alipores naman ni Beatrice ay napaatras din at parang natatakot sila sakanya
"Baliw ka na Beatrice" nasabi ko nalang habang naaawang nakatingin sakanya
"Sinong baliw? Ako?! Hindi ako baliw! Hahaha! Baliw daw ako?" nakakatakot na siya promise
Napaatras kaming lahat palayo sakanya dahil sa takot. Naramdaman ko namang hinawakan ni Zach yung kamay ko
Nagulat ako ng tumingin ito kay Zach at bumaba ang tingin niya sa kamay naming magkahawak at nakita niya doon yung singsing ko. Nagulat kami ng bigla itong umiyak habang tumatawa
Omygosh! Baliw na talaga siya. Natatakot na naaawa ako habang nakatingin sakanya
"Zach… mahal mo ako diba? Sabihin mo ako mahal mo diba?! Ako ang pakakasalan mo diba?! Ako at hindi yang babaeng yan! Akin ka Zach! Akin! Akin!" ngayon naman ay nagsisigaw siya habang umiiyak at nakakatakot yung tingin na binibigay niya sakin dahil sobrang talim non
Nilagay naman ako ni Zach sa likod niya para protektahan kay Beatrice. Ngayon ay tuluyan ng lumayo sakanya yung mga alipores niya at takot na nakatingin sakanya pati yung mga estudyanteng nakapalibot samin
"Baliw ka na Beatrice. Hindi kita mahal at mas lalong hindi kita pakakasalan. Tumigil ka na. Itigil mo na yang kahibangan mo!" sabi ni Zach
"Zach…" lumambot yung emosyon niya pero mabilis na nagbago at dumilim
"Akin ka! At gagawin ko ang lahat para mabawi ka! Kahit ano!" galit na sabi niya at tiningnan ako ng sobrang sama bago siya tumakbo paalis
Nahawi naman ang mga estudyante para bigyan siya ng daan. Nagalangan pa akong hayaan siyang umalis dahil sa estado niya pero hinayaan ko nalang
Nakakaawa siya dahil tuluyan na siyang nabaliw dahil sa pagiging obsessed niya kay Zach
*******
Thanks for reading!!!!
Pasensya na kung ginawa kong baliw si Beatrice. Actually wala yun sa plano ko pero sa sitwasyon niyang masyadong obssesed napilitan akong tuluyan na siya. Hope na patuloy niyo itong suportahan hanggang sa huli lalo na at sad to say malapit na siyang matapos
Again thank you very much!
BINABASA MO ANG
Nerd to Princess
Fiksi RemajaSi Ayako Zein Khan isang ulila at nerd na laging binubully pero nandiyan naman ang nag iisa niyang best friend na si Hailey Anderson para tulungan siya. Paano kung isang araw makilala niya ang isang sikat na grupo ng kalalakihan sa eskuwelahan nila...